Chapter 27

1300 Words

Sunud sunod na pagkatok ang narinig ko mula sa aking pintuan. Tumayo ako at naglakad patungo dun habang kinukusot ang mga mata. "Rise and shine, prinsesa! Tanghali na. Lumabas ka na dyan," masayang sabi ni Calyx habang may hawak na sandok. Tinignan ko ang orasan. "9:30 pa lang. eh. Antok pa 'ko," akmang isasara ko ang pintuan, ngunit pinigilan niya ito. "Ooppss. Hindi na pwedeng matulog. Aalis tayo ngayon! Pupuntahan natin si ma'am Carmi." Oo nga pala! Kaya naman kahit na inaantok pa ako, pinilit ko nang gumising at saluhan sila sa almusal. Walang gana kong iniimon ang tinimplang kape ni Ryan. "Uy, Kain ka na," sita sa akin ni Kiel. "Inaantok pa ko," humikab ako, pinipilit imulat ang inaantok kong mga mata. Tumayo si Calyx at lumapit sa akin. Pinisil niya ang pisngi ko. Sobrang diin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD