LEA'S P O V
"Sa Wakas! Tapusin din ang misyon N'yo! Best! Na - miss Kita!" tiling wika ni Eloi, Eloisa for Long. Best friend Ko since High School Kami. Maluha - Luha tuloy Kaming nag - hiwalay sa pagkaka - yakap nang nahihirapan na Kaming maka - hinga pareho.
Pero nu'ng nagka - tinginan naman ay para Kaming mga Baliw na nag - tawanan. Tsaka nag - yakapan ulit Kami. Palibhasa ay pareho Kaming Nag - iisang Anak na Babae ng mga Magulang Namin. Kaya nagkaruon Kami ng instant Sister by Heart. Wala Kaming lihiman na Dalawa, kahit nga mga simpleng Crush ay sinasabi Namin sa Isa't Isa.
"Ilang Buwan ang Bakasyon Mo!?" excited N'yang Tanong nang maupo na Kami sa Garden Chair Nitong Bahay Namin.
"Depende! Hindi Ko nga maintindihan kila Daddy kung Bakit Ako pinag - bakasyon bigla." kibit Balikat Ko naman
"Really! That's mean matagal Tayong magkakasama!?" hinawakan pa Nito ang Dalawang Kamay Ko at tsaka parang Batang tumlaon sa sobrang tuwa.
"Uh -uhm!" tipid ang ngiting tugon Ko, kaya tuluyan na S'yang napa - tili.
Mula kasi na maging Sundalo Ako ay madalang na Kaming magkita at magkasama. Lagi kasi Kaming naka - destino sa malalayong Probinsya. Hindi naman pwedeng mag - reklamo dahil iyon ang sinumpaan Naming tungkulin. Halos lahat Kami sa Pamilya ay nasa Military, iba - iba lang ng destino. Merong sa Navy, Air Force at Marines at Coast Guard, sa Army Kami napunta ng mga Magulang Ko. Sergeant si Papa, Kami naman ni Mama ay Corporal. Sa Marines at Air Force ang ibang mga Kapatid Ko.
Ninuno din kasi ng mga Magulang Namin ay nasa Military din kaya sinunod lang Namin ang Kanilang yapak. Dahil nga sa dedication Ko sa Trabaho ay hindi Ko man lang ma - experience ang magkaruon ng Nobyo. Hindi naman sa Panget Ko. Maganda naman ang itsura at balat Ko na kahit madalas ay bilad Kami sa Araw. Mahal kaya ang Skincare Ko tsaka hindi Ako nagpapa - baya sa Sarili.
Meron namang mga Nanliligaw pero kapag nalaman Nilang Sundalo Ako at Buong Pamilya Ko ay hindi na ulit nagpapakita sa Akin o sa Amin. Na nu'ng Una ay tinatawanan lang Namin ng mga Magulang Ko. Pero Nitong Isang Taon ay lagi nang nagpaparinig na gusto na daw Nilang bigyan Ko Sila ng Apo. Boyfriend nga wala Ako, Asawa pa kaya!?
Alam Ko naman kung Bakit Ako pinag - bakasyon Nila Papa, ayoko lang sabihin sa Kaibigan Ko. Kumbaga ay Ngayon pa lang Ako maglilihim sa Kanya. Kasi naman ang mga Magulang Ko ay hindi daw Ako babalik sa Serbisyo hanggang wala Akong pina - pakilalang Asawa o Nobyo. Kaya indefinite ang Leave Ko, ayoko lang mag - reklamo sa Kanilang parang ayaw na Nila sa Akin. Para Twenty Seven pa lang Ako, nasa Kalendaryo pa tapos natatakot na Silang tumanda Akong Dalaga!? Alangan namang mang - harang Ako ng Lalake at ialok ang Sarili Ko?
"Dito Ka na matulog! Buti na lang Saturday Bukas! Pwede Tayong magpuyat!" excited pa Nitong sabi na may kasamang tili.
"Sure! Kaya nga Ako Nandito e." bungisngis Kong tugon, hindi naman problema ang susuotin Ko, dahil magka - singlaki lang ang Katawan Naming Dalawa. Sa hindi nga nakaka - kilala sa Amin ay napag - kakamalan Kaming Kambal.
Pagka - ubos nga ng Snacks Namin na inihand ang Kanilang Kasambahay ay dumiretso na Kami sa Kwarto N'ya. Nagpalit muna Ako ng Short para maging Comfortable ang kilos Ko. Kung Ano - ano naman ang napag - kwentuhan Namin, pero madalas ay sa URI ng Trabaho Ko. Delikado talaga pero wala naman Kaming magagawa, at least kapag namatay Kami sa Libingan ng mga Bayani ang huling Destination Namin. Bongga 'di ba!?
Pero enjoy naman Ako sa Aking Trabaho, para nga lang Akong naglalaro. Kapag passion Mo talaga ay paglalaan Mo talaga ng Panahon.
"Wala pa din!" Turan N'ya sabay tawa nang malakas, nagtanungan kasi Kami kung N'ya mga Boyfriend na, kaya nagka - tawanan ulit Kami nag pareho ang tugon Namin na wala pa ding nakaka - bihag sa pihikan Naming nga Puso.
"Bakit ayaw Mo pang sagutin si Ronnie?" seryoso Kong Tanong, ilang Taon na din kaai itong Nanliligaw sa Bestfriend Ko pero hindi pa din N'ya sinasagot.
"Hayst! Wala kasing spark! 'Yung kapag lumalapit S'ya ay nararamdaman Ko na ang pag - iba ng paligid na napupuno ng mga Bulaklak." day dream pa N'yang sabi, naka - ipit pa ng Dalawang Kamay sa Kanyang Leeg tsaka parang nangangarap na nagsalita.
"Humawak Ka sa Live Wire para magkaruon Kayo ng spark!" payo Ko naman kaya binato N'ya Ako ng Unan na nasalo Ko naman.
"Kainis Ka Naman e!" maktol N'ya at pinahaba pa ang Kanyang nguso, "Eh, bakit Ikaw, hindi Mo pa din sinasagot Ang Manliligaw Mong si Efren!?" balik tanong N'ya sa Akin.
"Eh, kasi naman! Mas takot pa S'ya sa Akin!" bulalas Kong tugon na parang nanghihinayang, Gwapo kasi si Efren at Kasamahan Namin sa Serbisyo pero mas mataas ang Ranggo Ko kesa sa Kanya. Palibhasa nga ay under Ko S'ya kaya Isang utos Ko lang ay susunod agad S'ya na may halong panginginig pa ng Katawan. Tapos bawat desisyon ay kailangan pang may tugon Ako eh, hindi pa naman Kami magkasintahan!? 'De kung sakaling may Pamilya na Kami puro Ako na lang ang masusunod, hindi na S'ya kokontra kung ayaw N'ya? "Ano naman ang nakakatawa!?" Singhal Ko naman sa Kaibigan Ko, naalala N'ya siguro ang Kwento Ko dati tungkol Kay Ronnie. Ina - Aya kasi ng Kasamahan Namin dati na uminom Sila ng nakaka - lasing na inumin, hindi S'ya naki - join at baka daw Magalit Ako.
"Alam Ko na kung para Saan Iyang ngumingiti Mo!" pairap Kong wika sa Kanya kaya mas lalong lumakas ang Kanyang halakhak.
Kahit naman kasi nasa Serbisyo Ako ay may gusto Ko pa din na magpa - sakop sa magiging Asawa Ko. Namimis - interpret lang Nila ang Trabaho Ko kaya natatakot Sila. Pero once na makilala Mo Ako ay masasabi Mong masarap pala S'yang kausap at matalino, higit sa lahat ay humble. Kahit Kailan ay hindi Ko pinag - yabang ang URI ng Propesyon Namin. Pagka - hubad kasi Namin ng Aming Uniporme ay Normal na Tao na Kami at Pantay - pantay na Tayong lahat.
Iyon nga ang Isang kinaka - takot ng mga Magulang Ko na hindi na Ako makapag - asawa. Narinig Ko pa nga Sila ni Mama na nag - uusap Isang Gabi na nagsisisi na daw Sila kung Bakit pa Ako pinayagan na pumasok din sa pagka - sundalo, wala daw tuloy manligaw sa Akin.
Nuong Una ay tinatawanan Ko pa at pinag - kibit Balikat, pero Nito ngang nagkaka - edad na Ako ay naiisip Ko ding baka nga walang magka - maling Manligaw sa Akin. Lalo na kapag nalaman Nila ang mga Ranggo Namin sa Military.
"Baka naman meant to be na maging Matandang Dalaga Tayo!?" pabirong Sabi Ko kaya napuno na naman Namin ng halakhak ang Kwatro N'ya.
Kung Saan - saan na rin ang tinu - tungo ng usapan Namin. Ilang Buwan din kasi Kaming hindi nagkita. Bawal pa ang Cellphone Sa Amin, pero sa mga Magulang Ko ay ayos lang Silang gumamit.
Iniba na Namin ang usapan hanggang sa dalawin na Kami nang antok. Pero Kinabukasan ay inaya na N'ya Ako agad sa Mall. Particularly sa Salon and Spa, Kailangan daw Akong magpa - ganda pa lalo para maka - bingwit ng Lalake. No choice naman Ako kaya pumayag na lang sa lahat ng gusto N'yang gawin sa Katawan Ko.
"Perfect!" napapa - palakpak pa N'yang sabi, pagkatapos Akong ayusan ng Staff ng Salon. Manicure at Pedicure ang ginawa sa Akin, Kinulayan naman ang Buhok Ko tsaka ginupitan.
Well, nagustuhan Ko naman ang make over Nila sa Akin, tapos may balak pa palang pumunta Kami sa Bar. Sang - ayon na lang Ako sa lahat ng naisin N'ya. Baka nga kasi Nanduon ang puputol sa Aming pagiging Single.
Pagka - labas Namin sa Salon ay pumasok muna Kami sa Isang Fine Dining Restaurant, para Kumain ng Lunch. Kesyo, Maaga pa daw para pumunta Kami sa Bar. Kaya pagkatapos Kumain ay nanuod muna Kami ng palabas sa Sinehan para hindi nga naman Kami mainip. Tahimik lang naman Kami na parang Bata at ini - enjoy ang panuorin.
Ilang Oras pa ay lumabas na Kami ng matapos ang panuorin sa Sinehan. Komo naka - ready na Kami ay dumiretso na Kami sa Bar kahit maaga pa para magpaka - lasing. Marami namang pumapansin sa Beauty Namin pero mga hindi Namin type. Halata naman kasing may mga Asawa na dahil sa Wedding Ring na suot Nila. Iyon iba naman ay alam Mong Babaero.
Hanggang sa maisipan na Naming umuwi dahil wala naman nga Kaming mapapala. Kaya lagi na lang naghihimutok si Eloi habang pauwi Kami. Talaga nga daw yatang tatanda na Kaming Dalaga. Dahil Iyong kasing mga type Namin ay Lalake rin ang gusto. Kaya natatawa na naiiling na lang Ako sa panghihinayang N'ya.
Ang sa Akin lang naman ay enjoying muna Namin ang pagiging Single dahil kapag natali na Kami ay baka madalang na Kaming maka - alis at baka nga hindi Ka pa payagan ng magiging Boyfriend o Asawa Mo. Katwiran Ko pa ay lahat ng Kaldero ay may takip na nakalaan,kaya ganuon din sa pag - aasawa. May mga nakalaan na sa Atin pero hindi pa lang Natin nakikita. Iyon nga ang problema, kung Kelan magtatagpo ang Aming mga landas dahil naiinip na itong Kaibigan Ko at mga Magulang Ko.
Sa Bahay pa din Nila Ako matutulog, wala naman kasi Akong kasama sa Bahay Namin kundi mga Kasambahay. May mga Sarili na kasing Pamilya ang Tatlo Kong Kapatid na mga Lalake kaya may mga Sarili na din Silang mga Bahay.
Dito muna Ako sa Kanila para naman masulit ang pagsasama Naming mag - kaibigan hanggang hindi pa Ako bumabalik sa Serbisyo. Pagkarating Namin sa Bahay Nila ay dumiretso na Kami agad sa Kwarto N'ya at naligo tsaka nagbihis ng Pantulog na Damit. Nakahiga na Kami pareho pero patuloy pa din Kami sa kwentuhan kung Saan naman daw Kami pupunta Bukas at baka daw maka - talisod na Kami ng magiging Boyfriend Namin.
Kahit hindi Ako sang - ayon sa gusto N'ya ay tumango na lang Ako para maglubay na lang S'ya. Ilang sandali nga ay naririnig Ko an S'yang naghihilik, kaya pumikit na din Ako para matulog. Bahala na Bukas kung Saan Kami makakarating, bulong Ko na lang.