LEA'S P O V Lagi na lamang akong naka - tulala at naka - titig sa kisame, dahil nga sa nalaman ko sa aking health. Nailipat na nila ako rito sa ospital sa Manila. Para malapit na lamang sa aming bahay. Natuluyan na rin akong mag - resign dahil nga sa aking kalagayan. Ang mga magulang ko na ang nag - desisyon, kaya kinuha na nila ang lahat ng aking kagamitan at damit sa kwarto ko sa loob ng Kampo. Noon ko lamang din na-i - on ang aking C P at nakita ko rin ang inipit kong kapirasong papel na may naka - sulat na telephone number ni ate Yell. Agad ko naman iyong ni - save at nagpadala nang message sa kan'yang ito ang ginagamit kong number. Hindi naman nagtagal ay nag - ring ang aking telephone, gaya nang ina - asahan ay si ate Yell nga ang tumatawag. Nalaman daw n'ya sa news ang nangyari s

