( Chapter 55 - Ang paghingi ng tawad ni Waldo kay Red ) Red's POV Kinausap ko si papa na huwag munang sabihin kay mama ay Waldo ang tungkol sa nakuha kong pera. Ito ay dahil palihim ko silang ipagtatayo ng isang malaking restaurant na papangalanan kong 'Anything under the sun restaurant', dahil lahat ng puwedeng kainin ay naroon na. Umagahan, mirienda at hapunan. Sari-sari ang puwedeng kainin para hindi nawawalan ng tao. Sobrang saya ko buong maghapon. Pagsapit ng gabi ay umuwi na sina mama at Waldo na tila pagod na pagod. "Oh, bakit parang latang-lata naman kayo?" tanong ko nang salubungin ko si mama. Kinuha ko sa kaniya ang mga bitbit niya. "Sobrang daming tao ngayon sa restaurant. May mga tatlong bus na kumain doon kaya napilitan akong magluto nang marami dahil kulang ang niluto k

