( Chapter 27 - Ang pagluluksa ng Pamilya Ortega ) Red's POV Tulala, maga ang mata, walang ganang kumain at halos hindi ako makapagsalita. Lahat kaming buong pamilya ay ganoon ang nararamdaman. Si Waldo nga ang nag-aasikaso sa aming buong pamilya habang wala pa rin kami sa ulirat. Siya rin ang nag-asikaso kay Pinky sa puneralya. Hindi ko kasi kaya, lalo na sina papa at mama. Mahina ang loob namin sa ganoon. Baka mag-iiyak lang kami doon at gumawa lang nang eksena. Ngayon ko nakikita na bumabawi si Waldo sa amin. Siya ang pumipilit sa amin na kumain kahit wala kaming ganang kumain. Siya ang nag-aasikaso sa amin kapag alam niyang hindi namin kayang gumalaw. First time may mawala sa pamilya namin kaya ngayon lang namin nararanasan ang ganitong kalungkot. Pati si Ayah, dito na rin muna nag

