( Chapter 67 - Ang bagong condo ni Blue ) Red's POV Pauwi na kami ni Waldo. Sobrang dami naming napamiling damit at kung anu-ano pa ng kailangan namin. Mayroon din kaming biniling damit para kay mama at papa. Kumain din kami sa isang mamahaling restaurant. Nag-take-out din kami ng para kay mama at papa. Ayos din ang trip ni Waldo. Dahil nakakapagod daw ang palipat-lipat ng sasakyan sa biyahe, tinawagan na lang niya si Ben na jowa niya para magpasundo. Ngayon tuloy ay dito na kami nakasakay sa sasakyan ni Ben. Ako ang nasa likod at si Waldo ang nasa tabi ng driver seat. Natatawa pa nga ako kung minsan dahil naghaharutan silang dalawa. May minsan pa na dinadakma ni Ben ang ibaba ni Waldo. Napapailing na lang ko. Buong biyahe silang ganoon kaya pinili ko na lang matulog. Nagising na lang

