( Chapter 25 - Bracelet ) Red's POV Habang naglilinis ako sa banyo ay nagulat ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng condo ni Blue. "Nasaan ka, Blue?!" Isang malaking boses ng lalaki ang narinig ko kaya kinabahan agad ako. Napapatay tuloy agad ako ng ilaw sa loob ng banyo. "Papa? Ano pong ginagawa ninyo rito?" Narinig ko ang boses ni Blue na tila gulat na gulat. Bakas din sa boses nito ang takot na nararamdaman niya. "Bullsh*t! Bakit naked ka ngayon? Wala ka na talagang ginawang mabuti." Narinig ko na tila may binalibag ang papa niya sa kanya dahil nangaray bigla si Blue. "Nasasaktan ako, papa!" sigaw ni Blue. Sa oras na ito ay tila nagbibihis na siya. "Masasaktan ka talaga sa akin dahil noong isang araw mo pa ako ginagalit!" "Gabing-gabi naman po ito. Dapat pinagabukas

