( Chapter 85 - Wild ) Blue’s POV Hindi ko magawang mandaya dahil nakatutok ang mata ni Red sa tuwing maglalagay ako ng alak sa mga baso at chaser glass nila. Naiinis ako dahil mukhang walang mangyayari sa plano ko. Pero, minsan nakakapuslit naman ako kapag umiihi si Red. Doon ko nilalagyan ng alak ang mga chaser glass nila. Hindi naman ako nahahalata ni Ivoree dahil minsan tutok din ito sa cellphone niya. “After nito, gumala kaya tayo sa labas,” aya ni Ivoree. “Sige lang,” sang-ayon ko agad. Maganda iyon para hindi na rito matulog ang Ivoree na iyan. Kapang sumang-ayon si Red ay magiging masaya na ako. Ibig sabihin kasi niyon ay walang mangyayaring gapangan mamaya kapag nagkalasingan. “Huwag na. Uminom na lang tayo nang uminom. Mahirap gumala kapag nakainom. Saka, minsan lang k

