( Chapter 35 - Ang pagpatol ni Red sa isang bagong bakla sa street nila ) Red's POV Paglagpas namin sa tulay ay nagpababa na siya. Nangalay ang likod ko dahil sa ginawa ko sa kanya. "Salamat, Red. Ayos na ako. Hindi na masakit ang paa ko," sabi niya at saka ngumiti. Ginawa niya akong tanga. Hindi niya alam na kanina ko pa alam na hindi talaga masakit ang paa niya. Nagpatay-malisya na lang ako dahil alam kong para sa akin naman ang ginawa niya. Nakita ko na nakatambay si Blue sa tapat ng isang bilihan ng prutas. Bumili siya ng saging. Pagkatapos ay saka na rin ito sumakay sa dala-dala niyang sasakyan. "Sumakit ba lalo ang katawan mo?" tanong niya sa akin habang inuubos na niya ang dala naming tubig. "Alam kong niloloko mo lang ako. Nagpabuhat ka lang talaga sa akin, galit na galit t

