Underground Society
May ganap ngayon sa Underground kaya nagpasya kaming magpunta ng sama-sama. Halos magkakasunod lang kami nila Seo, Melody, James, Maxine nauna na kasi samin sila Gon, Aia, Zach at Denisse. Hindi sumama samin si Finn. Napapadalas ang di nun pagsama sa grupo pero hinayaan nalang namin. Maraming magagarang sasakyan ang nakaparada sa labas ng arena. May mga motor din na nagkalat sa parking area. May mga dumadating at may mga nakatambay parin sa labas. Ako lang ang nakamaskara samin. Since, nauna na sila Gon at Aia. Kami lang tatlo ang nakamaskara pati pala si Zach.
"lets go."tugon ng mga kasama ko. Hindi ako kumibo. Kinapa ko ang daggers at shurikens na nasa bulsa ko. Pati nadin ang poisonous cards.
Pagpasok namin sa loob sinalubong ako ni Ten at ni Jax. Ilan sa baguhang reapers. Ngumiti sila sakin at nagbigay galang pero hindi ko na sila pinansin pa. Iginala ko ang mata ko sa bawat bleachers na nakapalibot sa arena. Halos magsiksikan ang mga gangsters at mafioso dito. May mga weapons silang dala-dala. May ilang reapers akong namataan mula ang mga ito sa Vaughn. Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon. Sumiklab ang galit sa kaibuturan ko. Bago ko pa man sila sugurin. Ay may humawak na sa balikat ko at hinatak ako papunta sakanya.
"no. Hindi porket malakas ka ay hahayaan na kita. Save your energy later."maawtoridad na untag ni Gon. Tumango lamang ako. Hinawakan naman ni Zach ang kamay kong nagdurugo na. Kanina ko pa pala naikuyom ang kamao ko sa sobrang galit. Hindi ko na iyon namalayan. Ganito ako pag galit.
Nagkakaingay na ang mga nandoon. Pero nanatili lang akong nakatungo. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bumabalik nanaman ang masasamang ala-ala sakin. Ang pagkawala ng mga mahal kong magulang. Hindi ko makakalimutan ang insidenteng iyon. Kung hindi lang sana sila nawala. Baka nagagawa kong ngumiti at magpakasaya ngayon. Sa ngayon, hindi ko pa kayang sumaya. Hangga't hindi ako nakakaganti sa mga taong may atraso sakin at sa pamilya ko. Pinagkait nila sakin ang kumpletong Pamilya. Bagay na kahit kailan ay hindi ko magagawang kalimutan.
Nabalik ako sa wisyo nang magsimula na ang ingay. Halos magsigawan lahat ng tao.
"sino yan?"tanong ni Ten. Walang kahit isang sumagot. Tiningnan ko naman kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Pero bigla akong nanlamig. Hindi ko alam. Pero parang pamilyar sakin ang isang 'yon. Ang malamig niyang aura.
Sinugod siya ng lagpas kwarentang gangsters. May mga nagsasabay sabay sa pag atake pero nagagawa niyang ilagan at ibalik ang atake ng mas mabigat at mas malakas. Magaling siya sa martial arts as in. Sa hand on hand combat partida paa niya lang ang ginagamit niya. Kapag kamay kasi parang hollowblocks ang natatamaan nun na bigla nalang nabibiyak. Geez. Oo. Maybe may kung ano sa kamay niya. Kaya talsikan na ang dugo ng mga kalaban sakanya. Naliligo na siya sa dugo. Gaya namin nakamaskara din siya. Nakasuot ng dark blue na cloak at parang sa purged ang maskarang gamit niya. May X sa pisngi ng maskara niya. Halos lima ang natira sa kalaban niya. Nag iinit narin ang mata ng mga mafioso sakanya. Kaya nakita kong tumalon ang isang naka gray na tuxedo. Nakamaskara din siya may glitters nga lang ang maskara niya. Pareho silang may malamig na aura. Nagsukatan sila ng tingin. Saka sumugod ang bagong salta. Nagsuntukan sila. Namangha ako sa ginawa nung naka cloak. Kasi gumagamit na siya ng kamay pero parang di tinatablan ang naka tux. May mga gangsters at mafioso na nakisali sa gulo nila pero they end up dead. Walang magawa ang karamihan. Lahat sila bumubulagta. Mabilis ang mga naging pangyayari. Halos hindi na masundan ng mata ang bawat pag galaw nila.
"whoa.. Galing!"manghang sambit ni Ten.
"magaling talaga."sambit naman ni Jax. May kakaiba naman akong nararamdaman. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na isa sakanila ang dapat mawala.
Hindi ko namalayan na nasa groundfloor na ako mismo kung saan nagtatalsikan ang mga dugo at ilang mga weapons ng mga nakasalang. Mabilis akong kumilos at pinagsisipa ang lahat ng naharang sakin. May ilan pa kong nasuntok at nahagisan ng cards na bigay ni Zach. Ginamit ko din ang mga baby shurikens ko at napuno ng iba't ibang uri ng tunog ang paligid. Sumipa ako saka sinuntok ang kasunod pa. May naramdaman akong susugod sa bandang gilid at likod kaya bago pa sila makapaminsala ay hinagisan ko na ng daggers. Ilang beses akong sumipa sa ere para pabagsakin ang mga kalaban at tumambling para lang iwasan ang mga nagliliparang weapons. Kusang gumagalaw ang aking katawan at nagiging flexible ito. Naging mabilis ang reflexes ko at pakiramdam.
Nagtagal ako sa mga epal na gangsters bago ko marating ang lugar kung saan naglalaban ang dalawa. May pakiramdam akong may babagsak sakin kaya tumingala ako. At doon ko nakita ang dalawang matulis na katana. Agad ko 'yong sinalo at pinuwesto sa harap ko. Hinagis na pala ni Zach sakin ang katana kong naiwan sa bleachers. Saka nilagay sa likod at pinahiga typical Satsuki technique, S death. Sinugod ako ng mga mafioso na pumipigil sa sinumang makikiepal sa laban ng dalawang lalaki. Pero mabilis pa sa kidlat ko silang napapatumba. May mga bumaba na rin mula sa bleachers. Doon ko na nakita ang mga kasamahan kong nakikipaglaban. Lahat sila ay may kanya kanyang gamit na weapons at nakikipag tagisan ng galing sa pakikipaglaban. Mababakas sa muka nila ang pagiging uhaw sa labanan at dugo. Nagmistulang mga demonyo ang mga kasama ko. Hindi sila nakakaramdam ng awa once na nasa battleground na.
"Geez, kakaiba ka talaga. Akemi hindi mo man lang kami hinintay."natatawang sambit ni Zach. Hindi ko siya kinibo. At nagpatuloy lang sa ginagawa kong pakikipaglaban. Pinoprotektahan naman ako nito kapag may bigla nalang pasimpleng naatake. Naging abala kaming lahat sa mga gangster at miyembro ng Mafia na nakikisali na sa battle of the best. Ang labanan ng mga gangster at miyembro ng mafia ng sabay sabay. Matira matibay.
"Next time magsasabi ka."sabi naman ni Gon na seryosong seryoso sa laban. Parang nagyelo na ata mga kalaban niya. Kidding.
Binabaril ni Aia ang mga nakikita niya. Sunod sunod na natumba ang mga ito. Ginamit naman ni Ten ang pagiging archers niya. Mula sa bleachers ay pumwesto siya para asintahin lahat ng sumasalisi samin. Matalas ang mata niya. At maliksi din siya. Nice combinations para sa long range battle.
Winasiwas ni Melody ang pamatay niyang pamaypay na may iba't ibang karayom na binabad sa poisons. Habang si James ay nakikipaghand to hand combat. Panay naman ang pag latay ng latigo ni Maxine sa kalaban. Halos mabali ang boto ng mapuluputan noon. Ginamit naman ni Precious ang whip niya. Geez saan nanggaling ang babaeng to? Si Jax? Ayon nasa kabilang side ng bleachers. Nakapwesto din habang inaasinta mula sa malayo ang mga nagtatangkang lumusob samin mula sa likod. Gamit ang Hecate niya. Si Zach naman ginamit ang combinations ng sense of hearing at ang galing niya sa pag gamit ng machine gun. Yeah! Mahilig siya sa baril bukod sa patalim. Yan si Zach. Nagtuloy tuloy ang laban..parami ng parami ang nakikisali.
Dumating din si Hera at Zyrille. Hera is my cousin right? Si Zyrille naman ang personal reaper niya.
"late na ba kami, cous?"sabi ni Hera at ngumisi pa. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Saka sinuntok yung nagbabalak akong suntukin.
"hindi naman. On time kapa naman."sabi ko saka lumayo na sakanila. Ginamit ni Hera ang katana niya habang shurikens ang gamit ni Zyrille. Mabilis sila pareho kumilos. Kaya walang panama ang mga gangsters.
Dahil sa dumami ang kalaban nawala sa paningin ko ang dalawa. Hanggang sa makita ko sila sa may kabilang side. Malapit sa dulo o ending ng ground. Tinakbo ko ang distansya. Alam ko naman na nakaantabay sakin ang dalawang reapers kaya winasiwas ko nalang sa mga nakaharang ang katana na hawak ko.
Naglalaban na ngayon ang dalawang lalaki gamit ang guns at swords. Sa kaliwa ay baril sa kanan ang sword. Walang makatama sakanila. Sobrang galing ng dalawang ito bumasa ng sunod na moves ng bawat isa. Nice? Bakit ba di ko naisipang hiramin yung weapon ni Gon?
Mas updated yun. I smirked. Umeksena ko sa gitna nila habang parehas pinipigilan ang mga espada nila at umiiwas sa bala ng baril. Kung paano ko ginagawa 'yon? Ginagamit ko ang espada na naka higa sa ere. At doon ako natuntong hindi naman ako ganoong kabigat. Sadyang flexible ako. Nakailang bending at split nako sa pag iwas. Minsan nga tinatapakan ko sila sa ulo. Para makaiwas lang. Sinuntok ko sila sa muka. Tatlong beses kaya halos masira na ang maskara at matanggal.
"Damnit!"
"b***h!"
I grinned. Saka sila pinagtatadyakan sa tuhod. Saka ko itinutok sa leeg nilang dalawa ang katana ko. Sinipa ko nadin ang mga baril nila.
"f**k, b***h!"sabi ni naka cloak. Lalo niya lang akong napapangisi.
"once I get the hell out of here. I will f**k you to death."sabi naman ng nakatuxedo. Hinampas ko sa ulo niya ang hawakan ng katana.
"Jerk!"I hissed. Saka ngumisi ulit.
"any last words?"I grinned again..
"f**k YOU!"sabay pa nilang sabi.
"my bad. You two have a bad mouth."parehas ko silang hinampas ng hawakan ng katana sa muka. Napahiga sila ng wala sa oras. Napangisi ako sa itsura nilang dalawa. Kanila lang ay ang galing nilang maglaban. Ngayon ay napatumba ko sila.
Habang patuloy parin ang labanan sa paligid. Nagkalat ang dugo, weapons at bangkay ng mga manlalaro sa loob ng battlefield.
"anong kailangan mo?"tanong nila sakin. Bakas sa muka nila ang sakit na dulot ng ginawa ko kanina lang.
"your life.."malamig kong sambit saka ko sila binigyan ng S death. Gamit ang katana. Paletter S siya na may patong na X sa katawan. Humandusay naman sila sa sahig at naligo sa sariling dugo.
"Tara na! Iwan mo na yang mga yan!"sigaw nila Gon. Tumango lang ako at nagmadaling umalis.
Hindi ko naman sila totally tinuluyan. Sinaktan ko lang sila sa paraan na hindi nila makakalimutang napatumba sila ng babaeng kagaya ko.
Pag alis namin ng mga kasamahan ko ay masaya silang lahat. Lalo na ng makita nila kung paano ko durugin at patumbahin ang dalawang pinaka malakas kanina.
"Grabe! ibang level kana talaga, boss!" manghang sabi ni Ten.
"Kaya nga. Akalain mo 'yon nagawa mo silang patumbahin agad. Samantalang hirap na hirap ang mga gangster at mafioso na lumapit sakanila. Paano mo iyon nagawa?" manghang sabi naman ni Jax.
"Kusang gumalaw yung katawan ko. Hindi ko alam kung paano. Basta ang pakiramdam ko lang ay gusto ko silang tapusin." malamig kong sambit. Inakbayan naman ako ni Zach kalaunan. Bago ko sumakay sa kotse nito.
Sumakay na rin ang iba sakani-kanilang sasakyan. At sabay-sabay na kaming umalis doon.
"Proud of you, Real." aniya sa masayang tono habang nakangising nagmamaneho. Pinikit ko naman ang aking mata at inisip ang nangyari kanina.
Parang pamilyar sakin ang isa sakanila. Sino kaya siya? Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa lamig ng aura niya?
Kinabukasan ay naghanda na ko sa pagpasok sa school. Matagal na rin ang nakalipas na araw na di ako nakakapasok. Kung hindi pa dahil sa Battle of the best ngayon sa Underground Society ay hindi pa ako makakasama ng mga kaibigan ko. I sighed.
Sinundo naman ako ni Zach ng alasais ng umaga. "Goodmorning, Real."bati nito sakin na may ngiti sa labi. "Goodmorning." bati ko sakanya saka pumasok sa pintuan ng passenger seat. Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa Academy. Sinalubong naman kami ng mga kuryosong tingin ng mga estudyante. Marahil ay nagtataka ang mga ito dahil napakatagal kong nawala. Hindi sila sanay na matagal akong absent. Madalas naman kasi talaga akong napasok maliban kung may mahalagang aasikasuhin.
Hindi pa ko nakapasok ulit sa klase dahil nirarush na ng mga guro ang mga kailangan kong pirmahan. Gaya ng sahod nila at approval para sa schedule ng mga event sa School. I sighed. Maghapon akong nag ayos ng dokumento at pumirma. Dinadalahan nalang ako ng mga guro ng makakain dahil sa sobrang abala ko sa aking mga ginagawa. Halos manakit na ang aking daliri at mangalay ang kamay saka braso sa dami ng ginagawa ko araw-araw.
Nang maghapon naman ay si Zach ulit ang naghatid sakin pauwi. Bukas ay back to normal na. Makakapasok na kong ulit.