Perks of being a Heiress
Si Zach Reivin ay isang sikat na modelo at tagapagmana ng Reivin Enterprises. Gwapo ito, may magandang pangangatawan. Artistahing muka, may magandang itim na mata, makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at kissable na labi. Matangkad rin ang lalaki dahil six footer ito sa edad na 18 ay matangkad siya para sakin at sa mga babaeng nagkakandarapa sakanya. Wala siyang kapatid at nag iisang tagapagmana lang ng kanilang angkan. Magkaibigan ang aming magulang kaya kilala ko siya mula pagkabata.
Ako naman si Akemi Rielle Satsuki, ipinanganak sa Japan at nag iisang anak. Kaya tagapagmana ng mga Island, Academy, Hotel, Restaurant, Resort, Airlines, Mall at iba pa.
Nanatili lamang kaming tahimik at
nakarating naman kami ni Zach sa Academy ng matiwasay. Dahil sa pagiging gentleman niya. Hindi kasi siya yung tipo ng driver na kulang nalang lumipad ang kotse sa bilis magmaneho. He looks calm all the time. Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran malinis ito syempre. May mga halamang namumulaklak sa bawat gilid ng napakataas na pader. Sa b****a ay nandoon ang golden letters na nakasulat ang pangalan ng eskwelahan: Underground Hell Academy. Bahagyang tumunog ang gate na unti unting binababa ang kalsada may kadenang sumusuporta dito. Sa baba nito ay ang berdeng tubig na may kulay berdeng mga halaman. Napapaligiran ng mga iba't ibang uri ng puno ang academy. Pinaandar ulit ni Zach ang makina ng sasakyan. Para pumasok sa loob. Diniretso niya sa parking lot at siya ang naunang bumaba. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse. Nagpasalamat naman ako bago inabot ang aking kamay sa kamay niyang nakalahad. At nagsimula ng lumabas.
"salamat."Napansin ko naman na wala ng ibang tao sa parking marahil ay nasa loob na sila. Naglakad na ako habang nasa tabi ko lang si Zach. Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid habang naglalakad kaming magbestfriend.
Ang ganda talaga niya no? Perks of being a heiress.
Sinabi mo pa. Tingnan mo nalang sa murang edad niya ay siya na ang namamahala ng mga ari-arian ng mga Satsuki.
Halimbawa nalang nitong Academy,islands, hotels, restaurants, resorts, airlines, mall at ng iba pang lupain dito sa Japan. Nakakainggit.
Yeah kahit na isa lang na mata meron siya. Di naman yun nakabawas sa ganda niya e. Ang cool nga niya.
Shhh! Ang ingay niyo masyado. Hindi naman bulong yan eh.
Halos yan ang madalas pag usapan ng mga estudyante dito. Sanay naman nako sakanila. Pero minsan di ko parin maiwasang mainis. Dahil personal kong buhay ang pinag uusapan nila. At yeah, maaga palang ako na ang nagpapatakbo o humahawak ng lahat ng nabanggit nila. Dahil namatay ang dad ko sa isang mafia war. Ilang taon na ang nakakalipas. 11 years old palang ako that time. At ngayon at 17 lang ako. Matagal na rin pala. Bigla namang nagsalita ang aking kasabay sa paglalakad.
"Real, ayos ka lang ba? Wag mo na silang intindihin."sabi ni Zach. Napalingon ako sakanya. Bakas sa muka niya ang pag alala. Hindi ko na siguro napigilan ang emosyon ko kaya nagbago ang reactions ko. Napansin nanaman siguro niya na nagsisimula nanaman akong makaramdam ng inis. Napabuntong hininga nalang ako. Nabanggit ko sakanya noon na Rielle ang tawag sakin ng ex kong namatay. Yeah, naranasan kong magmahal. Pero mabilis din siyang binawi sakin. Ang lupit talaga ni tadhana. Masyadong mapaglaro at ako pa ang napiling paglaruan. He died because of a heart failure. Kaya Real ang tawag ni Zach sakin ay para maiba. Palagi kasing Akemi ang tawag ng iba.
Ang ganda talaga ng headmistress. Kung di lang siya nakakatakot. Niligawan ko na siya eh. Ang cool niya kaya.
Pre, pano kung hindi siya nakakatakot? Baka hindi lang ikaw ang manligaw sakanya.
Bakit? Type mo rin ba siya?
Kung sabihin kong oo. May magagawa ka ba?
Gago!
Kahit mga lalaki dito ay ganyan ang sinasabi. Sa inaraw araw nalang. Mga kalalaking tao napakatsismoso. Napairap nalang ako.
"kelan ko kaya ulit masisilayan yung ngiti mo? Yung sparkling eyes mo? Kasi palagi nalang walang buhay mong mata at aura ang nakikita ko. Namimiss ko na yung dating Real."wala sa sariling sambit ni Zach. Pumasok kami sa building kung saan ang first class. Yeah, kahit naman headmistress ako ng school ay nag aaral din ako. Ordinaryong tao lang din naman ako. Magkaklase kami ni Zach. Hindi niya ko hinihiwalayan. Kaya nga kahit na mas matapang ako at mas malakas sakanya. Pakiramdam ko parin sobrang safe ako. Kasi lagi lang siyang nand'yan. At thankful ako roon.
"Hindi ko alam." diretsahan kong sagot sa sinabi niya. He sighed.
"Hi! Idol!"napahinto kami ni Zach sa pagpasok sa room ng humarang ang baliw na si Secret. Kaklase naming lalaki. Typical playboy na talaga namang dadalhin lahat ng babae sa langit. Balak niya kong salubungin ng yakap. You know what I mean. Hinarang naman ni Zach ang kamay niya.
"Not now. Back off."may pagbabanta sa tono ni Zach. Nasabi ko na ba sainyo na kahit napakabait at matured mag isip si Zach, e sobrang protective niyan sakin at nakakatakot magalit. Ayaw niyang nilalapitan ako ni Secret kasi baka mavirusan daw ako. Over magreact diba? Bestfriend ko yan eh.
"Dude naman eh. Yayakap lang kay idol."pagmamaktol ng isa. Sinamaan lang siya ng tingin nito. Nagbigay naman ng espasyo si Zach para makadaan ako.
Dumiretso agad ako sa upuan sa last row. Malapit sa may bintana. At naupo na. Kinalabit ako ni Aia. Ang secretary ng classroom at ng Student council. Nasabi ko na ba na ako ang Supreme Government Student Council President? Ang secretary ko naman ay si Denisse na nakaupo sa unang row.
"Ayos ka lang ba? Parang di ka okay eh. Namumutla ka."nag aalala niyang sabi.
"ayos lang ako. Na-stress lang."paliwanag ko. Aia look like a nerd pero nangingibabaw parin ang ganda niya. Mahaba ang itim na itim niyang buhok na hanggang bewang. Medyo matangkad din siya kumpara sakin. Masungit ang aura niya pero mabait yan. Friendly at minsan palatawa. Si Denisse naman maligalig.
"bakit?"tanong niya.
"wala hayaan mo na."sabi ko naman kaya tumahimik naman siya. Ilang minuto lang ay nagsimula na din ang klase sa pangunguna ng guro naming babae si Miss Amora Flavién. English professor namin. Maganda ito, may mahabang brown na kulot na buhok. Sexy na katawan at matangkad na babae. Nasa 20's pa lamang siya. At graduate ng Bachelor in Education Major in English.
"Class submit a one whole sheet of paper. Contains 1500 words essay about your family. Like backgrounds."napairap ako sa sinabi niya. Panay naman ang pagtitig ng mga kaklase ko na para bang pinapatay siya sa unahan. This is insane! Family background are private. Maraming umangal gaya nila Xander sa sinabi nito.
"Ma'am! Sobra naman po ata ang pinapagawa niyo. Family background? Para saan. That's private!"sabi nito. Pinanlakihan lang siya ng sexy naming teacher. Frustrated nalang na umupo si Xander. Ang campus playboy.
Magsisimula na sanang magsulat ang iba nang tumayo ako. Napalingon silang lahat sa'kin. Bakas sa muka nila ang takot at pangamba. Nagulat naman ang baguhang guro sa biglaan kong pagtayo.
"H-Headmistress."aniya. Mahahalata ang kaba sa tono ng boses niya. Tinaas ko ang kanang kamay ko para iparating na ayokong makarinig ng kahit ano sakanya.
"Your idea to know anything about the students family background is definitely against the rules of this academy. You, and your co-advisers are aware of that. This is the first time, I encountered a pathetic professor. So, disappointing."walang emosyon kong pahayag. Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinakasan ng dugo. Muntik na siyang matumba sa pagkakatayo kung hindi lang siya napakapit sa lamesa.
"S-Sorry!"paulit ulit niyang paghingi ng paumanhin. Umiling ako.
"Class dismissed. Lets talk in my office. No buts."Sabi ko naman at nauna na'kong lumabas. Hinawakan ni Zach ang kamay ko para pigilan. Tinabig ko lang ito. At nagdire-diretso sa hagdan. Nasa mansion sa dulo ang kinaroroonan ng office ko. First floor na bahagi ng Mansion ay ang kusina at sala. Sa second floor ang office ng student council. At sa third floor ang office ko bilang headmistress. Sa kahuli-hulihang palapag ay ang penthouse style na pag aari ko.
Panay ang yuko at pagbati ng iba sakin. Hindi ko naman sila tinatapunan ng tingin.
Dumiretso ako sa shortcut. Elevated part ng building kung saan ako lang ang nakakaalam. Sa may science lab ito. May daan papuntang mansion within 5 minutes. High technology exist. That's why. Habang 25 minutes ko namang hihintayin na dumating ang lapastangang guro.
Dumiretso ako sa pinto ng office at naupo sa swivel chair. Nakabukas ang kurtina nito. Kaya kita ko sa likod ang malawak na ilog sa baba ng Academy. Maraming ibon at hayop na malayang nag gagala sa magubat na paligid. Nilaro ko ang ballpen na hawak ko. Habang unti-unting bumabagsak ang buhangin sa hourglass na nakapatong sa may table ko.
May kumatok sa pinto. Naagaw nito ang pansin ko. "Come in."malamig kong sambit.
Nagsalita agad ang pumasok. "Patatalsikin niyo ba ako? Please wag po. Sorry headmistress sa nagawa ko. Hindi ko na uulitin."panay nanaman ang sorry niya na lalong nakapag-pairita sa'kin. Ayoko pa naman sa lahat ay yung mga taong hindi sumusunod sa patakaran at regulasyon. Nasanay ako sa mga bagay na naayon sa binibigay ko at ang sinumang sumuway ay magbabayad sakanilang kalapastanganan.
"what's your reason?"tanong ko na may malamig na boses. Nanatili akong nakatalikod sakanya. Naguluhan naman siya sa tanong ko.
"a-ano p-po?"bakas ang pagkalito sa tono ng pananalita niya.
"I don't like to repeat myself missy."malamig kong sambit.
"wala akong rason. Wala po talaga."aniya ng natataranta na.. At kahit hindi ako sang-ayon sa sagot niya ay pinagbigyan ko padin siya. Ngayon ko lang ito palalampasin. Sa susunod na magkamali siya ay hindi lang pag alis ng eskwelahan ang magiging kaparusahan niya. I will kill her.
"Okay. Go to your next class. And don't do that again."sabi ko nalang. Panay ang thankyou niya. I'm watching you.
Nanatili lang akong tahimik at hinintay siyang makaalis.
"Thank you po ulit!"sabi niya. Bago humakbang palabas.
Naiwan naman ako sa opisina ko. Inabala ko nalang ang aking sarili sa mga dokumentong ipinasa sakin ng mga guro sa iba't ibang Grade level. Pinirmahan ko ang mga kailangan kong pirmahan at nagbasa ng mga impormasyon mula sa mga Estudyante. Tanging ako lamang ang may kakayahang umalam ng background ng mga Estudyante. Hindi ko pinahihintulutan ang mga gurong malaman iyon dahil maari nilang gamitin iyon sa pangbablackmail sa mga estudyante or worst makagawa pa sila ng di maganda at husgahan ang mga ito. Maganda na yung ang alam lang nila ay pangalan ng kanilang estudyante. Para makapagfocus sila sa pagtuturo. Tuwing counseling naman ay ako pa rin ang haharap sa mga estudyanteng lumabag sa rules at mga estudyanteng may nagawang mali o kasalanan. Kaya nanatiling confidential ang lahat.
Matapos kong mag asikaso ng mga papel at mag scan ng Student Info. Ay nagbasa nalang ako ng Novel. About iyon sa labing apat na estudyanteng nag aaral sa Spring High dito sa Japan. Likha iyon ng isang baguhang Author na may pen name na Hmaestories. Ang libro ay sobrang interesante dahil sa mga krimeng nireresolba ng magagaling at talentadong estudyante. Mabilis nilang nalalaman kung sino ang salarin o pumapatay dahil sa galing nilang mag imbestiga at magsolve ng mga detective codes. Magaling rin ang mga ito sa klase at sports. Kaya hindi nakakaboring basahin.
Habang abala ako sa binabasa ko, umabot na ko ng Chapter 15 nang dumating si Zach at dumiretso sa loob ng Opisina ko.
"Malapit ng magsimula ang sunod na klase. Papasok ka ba?" tanong niya sakin. Ibinaba ko ang cellphone ko kung saan ako nagbabasa ng Novel. Sa online site kasing Dreame ko ito binabasa. Libre iyon kaya hindi nakakabitin basahin at kumpleto na.
"Oo." tipid kong sagot. Saka tumayo na para maghanda sa pagpasok sa sunod na klase.
"Pinatalsik mo ba siya?" tanong nito. Tungkol sa guro.
"Hindi. Ngayon ko lang ito ginawa. At siguraduhin niyang hindi ako nagkamaling pagbigyan siya." malamig kong sambit. Saka kinuha ang phone ko sa mesa at nagsimula ng maglakad palabas ng Opisina papunta sa Building para sa next class.
Ayoko pa naman sa lahat ay sinasayang ang tyansang binibigay ko. Maraming tao nang lumabas ako roon kasama si Zach. Marami pa akong gagawin mamaya kaya maaga akong pupunta ng Opisina para ituloy ang mga naiwanan kong gawain.