NAGI-GUILTY si Honey. At meron ding kaba sa dibdib niya habang hawak ang cell phone ni d**k. Hindi niya ugaling makialam ng cell phone ng asawa niya. At hindi rin naman ugali ni d**k na magtago sa kanya. Sa katunayan ay ibinigay pa nito sa kanya ang PIN ng cell phone nito. At dahil nga guilty, bago pa niya buksan ang mga text nito ay sumulyap pa siya kay d**k na mahimbing na natutulog katabi ang anak niya. Walang mensahe o number ni Daisy doon. Ang kay Flint ang nahanap niya. Mabilis na kinuha niya ang contact number nito at ibinalik na ang cell phone ni d**k sa ibabaw ng bed side table. Sumampa siya sa kama at tumabi ng higa sa dalawa. Ilang minutong nakahiga siya doon at pinag-iisipan kung tama nga ba ang gagawin niya. Maya-maya ay bumangon din at iyong cell phone naman niya ang hawa

