PIPINDUTIN NA lang ni d**k ang call button ng cellphone niya nang sandali siyang mag-alangan. Paano kung hindi sagutin ni Daisy ang tawag niya? Mas maganda yata na kinuha na rin niya ang office address nito at saka doon siya nagpakita. Sa ganoong paraan ay tiyak niyang hindi ito basta-basta makakaiwas. Pero alam niyang magtataka na si Rosh kapag tinanong pa niya ito ng address ni Daisy. Sana ay naisip niyang kunin na rin ang address nito kaninang willing na willing naman itong magbigay ng impormasyon. Inilista pa niya sa isang papel ang numero nito at saka bumili ng bagong SIM card. Kabisado ni Daisy ang numero niya. Malaki ang posibilidad na hindi nito sagutin ang tawag niya kapag iyon ang ginamit niyang pantawag dito. He took a deep breath. Gamit ang bagong SIM card ay idinayal niyang

