BABY TRAVI. Kung hindi pa sapat ang lahat ng ginagawa at pinapakita ni d**k sa kanya, ano pa ba ang itatawag niya sa kagustuhan nitong isunod kay Travis ang pangalan ng anak niya? Si d**k mismo ang nag-suggest sa kanya na isunod kay Travis ang pangalan ng bata. Hati ang desisyon niya. Gusto niya dahil siyempre, anak iyon ni Travis. Pero inaalala din niya ang iisipin ni d**k at ng pamilya nito. Ayaw niyang magmukha siyang inconsiderate sa feelings ng mga ito. They might take that as an insult for all the things that d**k and his whole family had given her. Pero wala namang problema sa partido nito. At bilang pagpapahalaga din kay d**k, sinabi niya ang gusto niyang maging pangalan talaga ng sanggol. The baby will be named Roderick Travis. Kombinasyon ng pangalan ng dalawang lalaking nagsi

