Stacy's POV
“Yeps, 'yung allowance namin 'nung high school ako, pinaghirapan namin 'yon, we're trained to inherited all of our businesses, sa side ni papa, si mama kase hindi naman mayaman 'yung background niya.”
“Talaga?”
“Oo, that was why we're raised like a normal kids, they trained us so hard, my mom trained us to become a responsible sons and daughter. Oh by the way, tatlo kaming magkakapatid, I'm the eldest, 'yung pangalawa si Ryze, lalaki. 'yung bunso namin ay babae. She's Angel, but pfft... her attitude is a demon. Among us, siblings, she's the spoiled brat. Pero nadidisiplina naman ni Mom.”
“Hmmm....”
“So as like what I've said, I'm the eldest, sa akin naka atang lahat ng about sa business since both of my sibling are not yet ready to handle our businesses, and isa pa, si Ryze and Angel, hindi ko nakikitaan ng pagkainteres sa pag handle ng business, they both want a professional job. Ryze wanted to become a Pilot, while Angel wanted to become a Doctor.”
“Wow,”
“That's not wow, sa akin maiiwan lahat, at nakaka-stress kaya.”
“Ikaw naman pinakamayaman sa kanila.”
“Pfft, it's not about that, Stacy, kung sa yaman lang, hindi 'yon ang problema sa amin, walang sakim at makasarili sa amin, walang mapanghangad, gustong-gusto nga namin na kumawala sa gapos ng responsibilidad bilang tagapagmana, believe me, wala kaming kalayaan, lalo na ako...”
“What do you mean?”
“Lalo na ang dalawa kong kapatid, sa akin nakasalalay ang pangarap nila, kaya hindi issue kung sino tagapagmana o magma-manage ng business or mangunguna, kase pareho silang may pangarap na gustong tuparin. They both have goals. Kung meron mang gusto na manguna, well, willing akong mag step down, even if it's angel.”
“Nakakabilib naman, hindi kayo pinalaki ng magulang niyo na spoiled at masama ugali, usually kase sa palabas gano'n e.”
Bahagyang napatawa si Dos sa sinambit ko, biro ko lang naman 'yon e, buti nabenta sa kaniya kahit lame, hahaha.
“Kakanuod mo 'yan ng palabas e.”
We both laughed with what he said.
“Kaso walang willing, so as panganay. I need to lead our businesses, to maintain and to manage everything, well gusto ko rin naman, habang inaaral ko, I find it amusing, siguro I was born to lead talaga, 'cause sometimes I feel the Adrenaline rush.”
“Hmmm?”
“Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko, so yeah. I'll lead.”
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya na nagkukuwento, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito, minsan lang siya magkuwento, though sweet siya at madaldal sa akin, hindi siya pala-kuwentong tao.
Kaya dapat lang na pagtuunan ko ng pansin ang bawat sasabihin niya.
“Why are you staring at me like that?” bigla niyang pagtatanong. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko sa aking labi.
“What do you mean?” nakangiti kong pagtatanong sa kaniya.
“Iyan, I mean look at you...”
“Hmm? Paano ba ako tumitig sa iyo?”
“Like I was the most handsome person in the whole universe,”
“Well you are,”
Natahimik siya sa sinabi ko, hindi niya siguro inaasahan iyon dahil sa aming dalawa, siya ang palaging nagsu-sugar coat.
Pfft, his reaction was priceless. Haha.
He looks so cute.
“I didn't know you have such a sweet tongue.”
“Well, binabalik ko lang ang ginagawa mo sa akin, you're boosting my confidence, you should too, though, I know 'yung confidence mo ay umaapaw.”
Napatawa siya sa sinambit ko, napatawa na lang 'din ako, nakakahawa kase 'yung tawa niya na mararamdaman mong genuine talaga.
“What's wrong with you? You're acting weird now.”
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang natawa, gano'n na ba kahalata na may iba sa akin? Pfft...
“Wala naman,” sambit ko.
“Hmmm, really Bonita?”
“Wala nga, kailangan ba may rason kung bakit masaya ako? Hindi ba puwedeng maging masaya lang?”
“Hindi naman sa gano'n,”
“Puwes masanay ka na, I'll treat you just like how you're treating me right now,”
“Hindi naman kailangan, ako ang lalaki sa atin, ako dapat ang mas--”
“Shh....”
I hushed him, “Hindi naman porket ikaw lalaki sa atin, ikaw mas mag-e-effort, 'no kaya 'yon? Pfft... I should do the same, if you're treating me like a queen, we'll, I'll treat you like a king.”
“Bonita...” hindi makapaniwala niyang sambit.
I decided to love him, nang walang ini-expect na kapalit, though, alam kong mas masarap magmahal if it's reciprocated. But I don't want to get hurt.
Pero imposible na 'yon sa lagay ko, masasaktan at masasaktan ako kahit ano pang iwas ang gawin ko, ang magagawa ko lang ay maprotektahan ko ang sarili ko at mabawasan 'yung sakit na puwede kong maramdaman, by drawing an invisible line between us.
I will love him without expecting anything in return, in that way, I'll hurt less.
Gustuhin ko man na mahalin niya ako pabalik gaya ng pagmamahal na gusto ko, hindi puwedeng gawin, that's being selfish. And I'm not a selfish woman.
Maliit akong napangiti, “I love you, Dos...” hindi ko napigilan ang sarili ko.
This is it, nasabi ko na, might as well ituloy ko na.
“Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng mga pinapakita mo, truth to say na actions is better than words, but for me, action plus words are much better than actions alone.”
“Bonita...”
“Wala ka namang sinasabi, nakakalito, pero kahit na gano'n, ayokong mahalin mo lang ako, dahil sa mahal kita, pumayag akong may mangyari sa atin, but that doesn't mean that you love me back, ang pgpayag ko sa'yo, 'yon ay dahil mahal kita...”
“Bonita...”
“Pero huwag kang mag-alala, kung ano man ang rason mo kung bakit ganito ang pagtrato mo sa akin, hindi ko na tatanungin, I'll set an invisible line between us, ayokong masaktan, ayokong umasa, kaya ngayon pa lang, nililinaw ko na sa iyo,”
“...”
“Hindi mo man ako mahal, ayos lang 'yon, hindi ako nag-e-expect, sabi ko nga, hindi ba?”
“I-I'm sorry...”
“Don't be, ginusto ko naman 'to e, pumayag ako sa ganitong set-up kahit na walang kasiguraduhan dahil wala kang sinasabi...”
“Bonita...”
“I fell first, talo ako, Dos...”
“I'm sorry...” nakayuko niyang sambit. Mapait akong napangiti, confirmed, he doesn't feeling the same way as I am to him.
Nakakalungkot, pero 'yon ang totoo, sabi na... Inasahan ko na ganito e, pero kahit pala na inasahan ko, masakit pa rin pala talaga na makumpirma mo.
“This is the last day... Dito sa Yatch, I don't know what would happen to 'us' kahit alam kong walang tayo, pero gusto kong malaman mo na, naging masaya ako, I enjoy your company, I enjoy being with you, I enjoy spending my time with you, lahat 'yon naging masaya ako, wala akong pinagsisisihan...”
“Bonita...”
“Masaya akong marinig na nagshi-share ka ng tungkol sa family mo ngayon,”
Tahimik lamang siya habang nakatitig sa akin na para bang bata na hindi alam kung ano ang dapat na sabihin.
“It's my first time feeling this, every weird feelings na pinaramdam mo sa akin, lahat 'yon, bago sa akin... Sana lang ay hindi ko hanap-hanapin 'yon, kahit alam kong imposible dahil bago sa akin.”
“...”
“It was the first time I let someone in, I used to distance myself with everyone with a thinking that they could ruin me and my dreams, hindi naman kase ako mayaman na tao, kailangan kong magsikap, kaya 'yung buong buhay ko, ginugol ko sa pag-aaral, trababo, pangarap ko at sa pamilya ko, bahay, school st trabaho lang ang napupuntahan ko, bukod sa bestfriend kong bakla, sa kapatid at mama ko, maging sa mga kasamahan ko sa trabaho at mga classmates ko, sa kanila lang umiikot ang mundo ko.”
“I enjoy their company, but not as much as I'm enjoying my time being with you right now, it's the first time, hindi ko alam... Nakakatakot, pero, anong magagawa ko?”
“Bonita...”
“Now, I'm not telling this para mahalin mo rin ako, I'm opening myself to protect my self, tao lang 'din naman ako e, masasaktan mo ako, kaya bago pa mangyari 'yon, iiwas ko na ang sarili ko,”
“Hindi kita sasaktan, Bonita...”
“I lost my trust on men when our father left us.”
“Bonita...”
“My mom kept telling me that our father was dead, but I believe he's not, he just doesn't want us to know that he's still alive and he left us 'cause it will hurt us.”
“...”
“Honestly, it's my first time trusting a man, and that's you, I let you in... Hinayaan kong angkinin mo ako ng paulit-ulit na kahit ako ay hindi maipaliwanag kung bakit.”
“Bonita...”
“Kase mahal kita, that explains why...”
“...”
“I'm so happy, kung tatanungin ako, sana ganito na lang tayo habang-buhay, kaso I'm selfish kung hihilingin ko 'yon lalo kung ako lang 'yung mat gusto.”
“Bonita--”
“Hindi ko alam kung bakit o anong rason mo, kung nagandahan ka lang ba sa akin or kung attractive ka lang sa'kin or what,”
“I like you,”
“You just like me, Dos.”
“But--”
“Magkaiba 'yong love sa like, Dos...”
“Bonita,”
“I know my worth, Dos. I won't settle for less, sabihin mo ng demanding akong tao, pero ayokong masaktan, pero hayaan mong iparamdam ko sa'yo na special at mahal kita. Pero hindi na ako aasa, inaamin kong gusto kitang makasama palagi,”
“Bonita...”
“So, you can use me or whatever--”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at bigla akong kabigin palapit sa kaniya, niyakap niya ako ng mahigpit.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapahagulgol, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.
“D-Dos...” umiiyak kong sambit.
Mahina niyang tina-tap ang aking likod while hushing me, “Shh... Sige lang, ilabas mo lang 'yan, Bonita... I'll be here, hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo.”
Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at hinayaan ko na umiyak ako, napahagulgol ako at mahigpit na yumakap sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napa-open up sa kaniya, gusto ko lang naman mas makilala pa siya but as I get to know more about him, makes me fall in with him in every way.
“D-Dos...”
“Shh... ”
Hinayaan kong ilabas ang bawat luhang matagal ko nang gustong mailabas, mga pagkakataon na hindi ko nailabas dahil sa ayokong masira ang kung anong mayroon kami.
We stayed for long as I can remember, hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam.
Dahan-dahan siyang kumalas at pinahiran ang mga luhang kumawala sa aking mga mata, ramdam ko ang pamumugto ng aking mata.
“Bonita...” tawag niya sa akin, dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko at iniharap sa kaniya ang aking mukha.
Tuloy ay tumambad sa kaniya ang mukha kong mapanget.
But to my surprise, he just laugh.
“You look so cute even when you're crying...” he then said that made my cheeks blush for no reason.
He then smiles at me when he notices that.
He slowly hugged me again, and slowly kissed me on my forehead, “Are you done saying anything and everything you want to say with me?” mahinahon niyang pagtatanong.
Hindi ko napigilan ang mapakagat labi sa naging tanong niya dahil maging ako ay hindi ko alam kung may gusto pa akong sabihin sa kaniya,I got distracted.
“Kung wala na, ako naman.” dugtong pa niya.
“Huh?” lutang kong sambit.
“Let me tell you what I want to say...”
“Dos...” I trailed off as I stared at him straight of his eyes.
He smiled at me. “I like you, Bonita.” diretsa niyang sambit.
Parang tumigil ang oras sa paligid ko ng marinig ko ang sinambit niya, wala akong ibang marinig. Tanging sa kaniya lang nakapokus ang aking atensiyon.
Nagsimulang tumibok ng mabilis ang aking puso, narinig ko nang sabihin niya 'yan kanina e, pero bakit ganito? Parang sa pagkakataong ito ay iba ang epekto sa akin, hindi ko alam kung bakit.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at dahan-dahan niyang pinalis ang mga kumawalang buhok sa gilid ng aking tainga, ginawa niya 'yon ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Tuloy ay napalunok ako ng sariling laway ng wala sa oras.
Shit... What was i doing?
To be continued...
K.Y.