Third Person's POV Nagising na lamang ang batang lalaki ng maramdaman niyang may gumising sa kaniya, pipikit-pikit pa ang mga mata niya. Ngunit naaninag niya si Piper, ito ang tumatayo niyang ina sapagkat ito ang nagpalaki sa kaniya. Malapit ang loob niya rito, ngunit hindi siya showy na bata. Mabilis niyang inalis ang headset na suot. Dahil nakikita niyang may sinasabi ito ngunit hindi niya marinig kung ano dahil sa naka head set siya. “Ace, ayos ka lang ba?” nag-aalalang pagtatanong ng babae sa kaniya. Sunod-sunod lamang siyang tumango rito. Napahinga ng maluwag ang babae, sanay naman na si Ace makita silang nasa ganoong situwasyon, wala ng bago sa kaniya ang magsigawan ang dalawa. Hindi niya pa nga alam kung anong itatawag niya sa lalaki, ngunit sinasabi nitong tawagin siyang

