Chapter 21: Pregnant part 1

2529 Words
Stacy's POV “Hoy! Hahaha!” “Dos, ano ba? Baka nakakalimutan mo, pintura 'yang hawak mo, mahirap tanggalin sa damit at balat 'yan.” “Eh ano naman?” “Eh kung suntukin kita?” Pareho kaming natawa sa sarili naming kalokohan, matapos ng pag-uusap namin noong nakaraan, naging maayos ang relasyon namin ni Dos. Truth to what he said, nagbago siya at nagsimulang maging consistent. Pinakita niya sa gawa na special ako at mahal niya ako, hindi siya pala-salita, pero ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Dos became sweet than ever, mag-iisang buwan na kaming ganito, actually, wala na akong mahihiling pa. Nag-alok din kase si Dos na pagawaan niya ako ng studio na malapit sa condo niya, para napupuntahan niya ako. Pabor naman sa akin dahil dito ako naglalagi sa condo unit, actually condo rin siya, magkaiba lang ng lugar at building pero malapit sa kaniya. Ginawa kong studio ang style ng condo, at gaya ngayon, nandito kami nagkukulitan habang nagpipinta ako, marami na rin akong nagawa. Nag-alok pa nga siya na ilagay sa black market ang lahat ng gawa ko, I'm not confident yet, kung gugustuhin ko man na ilabas ang mga iyan, gusto kong exhibit talaga. Gusto kong magkaroon ng gallery, kung saan lahat ng gawa ko ay naroon nakasabit at lahat ng taong pupunta ay tititigan bawat gawa ko. Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako. Iyon ang pangarap ko, ang maging isang pintor. Kahit hindi sikat, basta may tumangkilik lang ng mga gawa ko ay sapat na iyon. “Dos!” Nabalik ako sa wisyo ng bigla ay hinagisan ako ni Dos ng pintura, tuloy ay masama ko siyang tinignan. “Ah gano'n ha!” Mabilis kong kinuha ang pintura na nasa gilid kasabay ng pag habol ko sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo, pero pasens'ya siya dahil mas mabilis akong tumakbo. Nang maabutan ko siya ay mabilis kong ibinuhos ang pinturang hawak ko sa kaniya. Malakas akong napatawa ng hindi siya makaiwas, pfft! Hahaha! Deserve! Tawang-tawa ako, bahagya pa ngang nakahawak ang aking kamay sa aking tiyan sobrang sakit ng tiyan ko kakatawa. Masama niya akong nilingon, Uh-oh. hahahaha! Kaya naman bago niya pa ako habulin ay mabilis akong tumakbo sa aking silid ngunit huli na ang lahat dahil mabilis niyang naikalang ang kaniyang paa sa ilalim ng pinto. Patay... Sinubukan kong isara ngunit huli na dahil malakas niyang naitulak ang pinto dahilan para masabay ako sa pagkakatulak niya sa pinto. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya, maging siya ay nagulat. Nais niya pa sanang kuhanin ang aking kamay ngunit huli na sapagkat hindi niya na nakuha pa ang kamay ko dahilan para mapahiga ako ng diretso sa lapag. Nasagi ko pa ang canvas na kanina ay pinipintahan ko at gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita kong nahawakan ko ito. Napasinghap ako at dali-daling tumayo, bumakat tuloy ang kamay ko, napanguso ako. Nang makita iyon ni Dos ay kaagad siyang lumapit sa akin ngunit dahil sadyang tatanga-tanga siya ay hindi niya napansin ang pintura at kaagad na natapakan iyon, dahilan para mag landing siya diretso sa akin. Ang masama pa non, maging ang kamay niya ay sumabit sa canvas na ginagawa ko. Muli akong napatampal sa aking noo, ano ba yan! Mangiyak-ngiyak akong napatitig sa canvas na nasa gilid. Wala na, sira na 'yung pinaka main idea na gusto ko para sa panting na ito. It was a volcano, pero dahil may dalawang palad na ay nasira ang magandang imahe ng bulkan. Nasa paanan ng bulkan ang isa, habang nasa basang bibig ng bulkan ang isa. “Ang panget na...” malungkot kong sambit habang hawak-hawak ang canvas na ginawa ko habang tinititigan ko iyon. Gusto kong umiyak, kase ilang araw ko ding pinagpuyatan isipin kung anong magandang idea ang puwede kong ilagay at isama rito. “Hindi naman,” pag singit bigla ni Dos sa aking gilid, kasalukuyan niya rin kaseng tinititigan ang canvas na hawak ko. “Tsk, Dos ano namang alam mo sa pagpipinta?” natatawa kong sambit. “Well, I don't know that much, pero I know a little 'cause my grandfather loves painting very much.” “Really?” “Yeah, bawat sikat na pintor, binibilhan niya ng isang master piece, as long as magandahan siya sa gawa mo, minsan nga dumadayo pa yon ng Europa para lang sa mga painting na naibebenta sa black market. And I'm sure, kung magiging sikat ka, lolo ko ang isa sa magiging customer mo, lalo't pag nakita niya ang mga kakaiba mong gawa. And as for this canvas, bibilhin ko ito.” Sandaling nanlaki ang aking mga mata. “What do you mean?” lito kong saad. “Name your price, bibilhin ko ito.” “Dos...” “I know you need a money para masimulan mo ang business na ito at the same time ng passion mo at alam ko rin na hindi mo tatanggapin ang perang iaalok ko sa'yo, alam ko ikakatuwiran mo, itong studio.” “Dos...” “Para gumaan ang pakiramdam mo, at maisip mo na binabayaran mo itong studio, ipagluto mo ako at hmm.. ano pa nga ba?” Sandali pa siyang nag-isip kung ano ang mga kundisyon niya habang ako ay naiiyak na napatitig sa kaniya. “D-Dos...” basag ang boses kong sambit sa kaniya. Dahan-dahan niya naman akong nilingon. “Hmmm?” tahimik niyang sagot. “Thank you...” “For?” “For everything...” “You deserve all of this, Bonita... Kitang-kita ko sa mga mata mo 'yung courage na kagustuhan mo talaga ito, na ito ang pangarap mo, I'm simply helping you to achieve that.” “Dos...” “Pursue your dream, Stacy... At narito lamang ako sa harapan mo para suportahan ka, I'll be always at your back.” Hindi ko napigilan ang mapayakap sa kaniya ng mahigpit. “Hmmm, my Bonita is being sweet... Bakit kaya?” nang-aasar niyang sambit kaya naman napahampas ako sa kaniyang braso. “Sira... Hahaha.” “Pero seryoso, bibilhin ko itong painting na ito, Actually lahat, and name your price.” “A-Are you sure?” nanlalaki ang mga mata kong pagtatanong sa kaniya. Bahagya pang nakaawang sa gulat, hindi makapaniwala akong napatitig sa kaniya. “Yeps, 'yung perang ibabayad ko, gamitin mo para makapagsimula ka rito, oh ayan ha? Hindi na libre.” “Ano namang gagawin mo sa limang painting na ito?” takha kong tanong, magign ako ay napapa-isip, lima ito, saan niya naman ito ilalagay? “Hmmm, let me think about it...” sambit niya kasabay ng mariin niyang pagpikit. “Yung Dalawa sa Condo ko, isa sa living room, isa sa kuwarto ko, 'yung isa sa office ko, 'yung isa sa bahay nila mom, sa kuwarto ko, 'yung isa, I'll gift it to my grandfather, for sure, matutuwa siya.” “Magugustuhan niya kaya?” “Honestly? Yes, lahat ng gawa mo ay kakaiba, talaga binuhusan mo ng effort at oras. Ganitong mga style nga ang gusto ng aking lolo e, iniipon niya lang 'yon sa underground niya. Pero wag ka, lahat ng paintings na nakuha niya ay doon niya dinadala.” “Hmmm? For real?” “Yes, I'll bring you there one day.” Napangiti na lamang ako kasabay ng pagyakap ko sa kaniya. “Thank you so much, Dos, malaking tulong ito para sa akin... Hindi naman kase ako mayaman gaya mo.” “Tsk, wala naman 'yon sa gano'n e.” Nagtawanan na lamang kaming pareho, nagkulitan kami ng nagkulitan, hindi matapos ang pagtatawanan naming dalawa. Sana hindi matapos ito, ayokong matapos ng ganitong tagpo ng buhay ko, parang gusto ko nalang itigil ang oras at yayakap lang ako sa kaniya ng mahigpit. Pagkatapos namin sa studio ay nag-aya ng dinner date si Dos, kaya naman ay sumang-ayon na lamang ako. __________ “Saan mo gustong pumunta?” “Kahit saan,” bago't kong sambit. Hindi ko nga alam kung bakit abnong-abno ako. Hindi pa kase ako dinadatnan. Speaking of, sandali akong natigilan ng may mapagtanto ako, mahigit isang buwan na ngunit hindi pa rin ako dinadatnan. Napatampal ako sa aking noo, napansin naman iyon ni Dos kaya naman nag-aalala siyang napatitig sa akin. “What's wrong?” Sunod-sunod na lamang akong napa-iling. “Hehe, wala naman, can you pull over at the convenience store?” kunot-noo siyang napatitig sa akin. “Anong gagawin mo sa Convinience store?” takha niya pang tanong. “Malamang may bibilhin,” sarkastiko kong sambit dahil para mapatawa siya. “Pfft... Haha, you and you're bold mouth, Stacy... That mouth of yours, they never fails to make me laugh.” “So mukha na akong clown niyan sa'yo?” dagdag ko pang sambit. Malakas lamang siyang napatawa. Napairap na lamang ako sa Kawalan,lintek na mood swing ito e, kahit hindi ko gusto ay nasusungitan ko talaga. “Malay ko ba kase kung magsi-cr ka lang e.” “Wala namang CR sa convenience store, kung meron man pili lang din, kung wala edi wala.” “Bakit ba ang sungit mo ngayon? May regla ka ba? Pfttt.” natatawang pagtatanong niya sa akin. Binato ko siya ng tissue na nasa gilid ko. Tumawa lang siya ng malakas. Kasunod no'n ay napatahimik ako, kinakabahan ako. Isang buwan akong delay. Puro putok sa loob gumagawa ni Dos sa tuwing may nangyayari sa amin. Eh hindi naman ako naka pills or anything na birth control. Handa na ba ako? O kami? Na maging magulang sa magiging anak namin? Jusko... Hindi ko alam at hindi ko ma imagine. Baka makawawa lang ang baby kung sakali, pareho pa kaming hindi handa. Kaka-graduate lang namin pareho. And knowing Dos, he's not yet ready to let go of his bachelor life, napatigil ko lang naman 'yon dahil sa mahal niya ako, pero hindi ko alam kung pagkatapos nito ay magiging ganito pa din ang pagtrato niya sa akin. “Ganun na ba kalalim ang iniisip mo at hindi mo napansin na kanina pa tayo nakatigil rito?” biglang pagsasalita ni Dos. Nabalik ako sa wisyo sa narinig, natauhan ako. Kasabay ng pag linga ko sa paligid. Shet, nakatigil na nga kami. Napakagat-labi ako, kasabay ng pagtitig ko sa kaniya. “What's bothering you? Bonita. I'm worried.” diretso niyang saad. Bigla na lamang akong napangiti, isa sa gusto kong ugali niya ay ang pagiging straightforward at pagiging honest niya sa nararamdaman. He's open with everything, kung ano 'yung nararamdaman niya, sasabihin niya talaga sa'yo. And that's what I love with him. Madali siyang basahin. “I'm okay, may iniisip lang ako sa ipipinta kong isusunod, ano kayang magandang theme 'no? Syempre mas maganda kung kakaiba.” nakangiti kong sambit. Nakatitig lamang siya sa akin na wari mo ay pinag-aaralan ang bawat kilos ko, kaya naman mas lalo akong ngumiti upang hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako, I need to confirm first bago ako msgsabi ng kung ano sa kaniya. Mahirap na... Nag-iingat lang ako, masama na ba ang mag lihim? “Eh anong gagawin mo dito sa Convinience store?” bigla niyang tanong. “Bibili lang ng makukutkot, nagki-crave ako sa pagkain na matamis e.” sagot ko sa kaniya. Partly it's true. Gusto ko talaga kumain ng matatamis, pero ang pinaka main reason kung bakit ako pupuntang. Convinience store ay para bumili ng pregnancy test. “Sige, tara samahan na kita--” “No need, dito ka nalang. Saglit lang ako.” “Bonita.” “Dos, pfft... Hindi naman na ako bata e. Ginagawa mo akong bata, saglit lang naman ako, at saka ayan oh, kalapit-lapit lang, buti ba sana kung don sa malayo sige tara samahan moko e.” natatawa kong sambit Maya-maya pa ay napabuntong hininga siya, buti na lang napapayag ko siya. “Sige bilisan mo ha? By ten minutes wala ka pa, papasukin kita sa loob.”banta niyang sambit. Natatawa akong napatango ng sunod-sunod sa kaniya. “Hahaha, sige.” iiling-iling kong sambit. Mabilis akong bumaba, sandali akogn tumingin sa aking relos, I only have ten minutes. Kaya naman ay naglakad ako ng mabilis papuntang Convinience store, mabilis akong pumasok kasabay ng pag diretso ko sa counter. “Pregnancy test kit. 3 pieces.” mabilisan kong sambit. “Babalikan ko nalang po,” sambit ko. Tumango naman ang nasa cashier kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabilis akong pumunta sa chocolate section. Kumuha ako ng mga kahit anong chocolate, kasabay ng Delight na malaki, dalawa na kinuha ko. Kumuha ako ng dalawang chichirya. Kasabay ng pagtingin ko sa aking relos, five minutes left. Kaya naman mabilis akong tumakbo sa counter. “Miss, how much?” taranta kong sambit. Mabilis niya namang nai-punch ang mga binili ko, mukhang nakahalata siya na nagmamadali ako kaya maging siya ay nagmadali. “five hundred ninety pesos po,” Nanlaki ang mata ko sa sinambit niya. Hala? Umabot ng five hundred? Anak ng! Hindi ko na nagawang magreklamo pa, mabilis akong kumuha ng cash sa aking wallet at iniabot sa kaniya ang isang libo. Shet, tinatago tago ko pa naman 'yon. Maya-maya pa ay saktong paglabas ko ng Convinience store ay ang paglabas ni Dos sa kotse. Pfft. Kahit kailan talaga ay napaka mainipin niya. “Saan ka pupunta? Pfft...” natatawa kong tanong sa kaniya. Yamot siyang napatingin sa akin. “Ang tagal mo, Bonita e. Sabi ko sa'yo within ten minutes pag wala ka pa e,” “Oo na, tara na, ito na nakabili na ako.” pag-aaya kong sambit sa kaniya. Ayaw niya pang pumasok sa loob, talagang nagpapa baby na naman siya. One thing I like about him too, pa-baby siya sa akin. And that's what I love the most with him. Kase hindi naman siya ganiyan sa iba. 'yung iba ang tingin pa sa kaniya astigin at tigasin, pfft. Little did they know, pa baby talaga si Dos. Kaya naman bago kami pumasok sa loob ay mabilis akong naglakad palapit sa kaniya kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit sa kaniya. Kulang lang ito sa lambing, kaya lalambingin ko na. I even tip toed just to kiss him on his forehead. Hindi lang namang babae ang ginaganunan, sometimes boys wanted that too. Lalo na sa kagaya ni Dos na pa-baby. Pfftt. “Let's go, tara na. May pupuntahan pa tayo hindi ba?” nakangiti kong sambit sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon, mahigpit na mahigpit niyang hinawakan kaya naman ay napatitig ako sa kaniya. “Hmmm?” “Wala lang, you look so beautiful, Bonita...” pambobola niya pang saad. Napangiti na lamang ako. “Pfft... Oo na, tara na, okay ka na? Hindi kana nagta tantrums?” pang-aasar kong tanong sa kaniya. “Tantrums ka jan?” Malakas akong napatawa ng bigla niyang itanggi 'yon sa tono ng pananalita niya. Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan at pinapasok ako sa loob, iniharang niya ang kamay niya sa hood para hindi ako mauntog. Mga simpleng ganiyan ni Dos, he's really sweet. He knows how to treat a woman. His parents must be proud of him. Lumaki siyang may respeto sa babae. Kasabay niyon ang-ikot niya sa driver seat. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD