Chapter 18: Seeing him

2847 Words
Stacy's POV “Hoy ate! Nagdi-day dream kana naman jan! Tawag ka ni mama!” Sinamaan ko ng tingin si Ryxsz, lintek! Panira moment kase talaga 'to kahit kailan e. Tsk! Napairap na lamang ako sa kawalan kasabay ng pagtayo ko mula sa aming mini store. Hindi naman kami mayaman, mini store at yung farm nagbubuhay sa'min, nakaka-stress din pala pag galing ka sa work tapos nag-aaral ka tapos bigla kang mag stop mag-aral. Nakakapanibago. It's been a week since we came home, one week, after that magnificent dance, wala na'kong balita kay Dos. Aaminin kong nakakabaliw, hinahanap-hanap ko siya, oras-oras. Para akong tanga, pilit inaalala ang bawat sandali na pinagsamahan namin noong nasa Barko kami. Minsan nga, sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya, napapasarili ako e, para maibsan 'yung pagiging horny ko. Delikado, baka mamaya sa sobrang pagkalibog ko, kung sino-sino na mahila ko jan, eww! Hindi ko napigilan at bigla na lamang ako nanginig sa kilabot. Grrr. “Ma?” tawag ko ng makarating ako ng silid ni mama. “Anak, kailan ka ba magkakatrabaho?” Napakamot ako sa aking ulo ng marinig ko ang sinambit ng aking ina, actually hindi ko din alam, haha. Nakita ko ang pagtitig sa akin ni mama, napayuko na lamang ako, dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi naman kase madaling magkatrabaho, 'yung course na tinapos ko, more on it's a passion. Wala pa akong studio na nakikita na puwede kong simulan, isa pa... Magastos talaga. Hindi kopa alam kung paano ko matutustusan lahat ng kailangan ko para makapag start akong mag paint. “Hindi naman sa pinipilit kita, but you're already twenty two, dapat sa ganiyang edad mo, may pinu-pursue ka nang pangarap, mga bagay na gusto mong gawin, hindi ko naman sinabi na magtrabaho ka agad.” “Ma...” “Kung ano man gusto mong gawin, lakad. Gawin mo, what's stopping you?” Napatulala ako sa naging tanong ni mama sa akin,napa-isip ako. Ano nga ba ang pumipigil sa akin? Hindi ko rin maipaliwanag kung ano, alam mo 'yung stuck ka between sa may gusto kang gawin at sa gusto mo lang humilata maghapon. Mag stay sa bahay, nakakatamad na nakaka-pressure... Para bang may hinahabol akong kung ano, race ba or what. Na para bang at the age of twenty five, expired na'ko kung wala pa rin akong masimulan. Ang hirap ng adulting... I can't explain exactly, but everyone who's at the age of me, maiintindihan nila ako. “I couldn't relate at you, kase sa edad mong 'yan, nag-asawa ako. Hindi ko naranasan 'yung mga adulting na 'yan, 'cause I skip that part of my life. I didn't even enjoy my life being single that much. Kaya nga gusto kong ikaw, ma-enjoy mo. Kaya naman kitang buhayin anak.” “Ma... Hindi naman sa gano'n 'yon, alam mo naman pinaka ayokong umaasa ako e...” “Anong masama sa pag asa mo sa akin? Nanay mo ako.” “Ma...” “Anak...” Muli akong napayuko. Lumapit sa akin si mama. “Lakad na... Pursue your dream. Dito lang ako sa likuran mo, susuportahan kita.” Napayakap ako ng wala sa oras sa kaniya. Hindi ko alam na kailangan ko ang mga ganito ni mama para maitulak ako na magsimula. Now I know what to do. _________ Matapos ng pag-uusap namin ni mama, namalayan ko ang sarili ko na naglakad-lakad dito sa malapit sa school namin. Sa tagal kong nakatira dito sa bayan namin, ni minsan hindi pa ako nakakapunta sa ibang lugar. Ngayon ko pa lang balak gumala, pinayagan ako ni mama, ang sabi ko kase. Maglalakad lakad ako. Bahala na kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Namalayan ko ang sarili ko na nqglalakad sa gilid ng kalsada, each building na madaanan ko, may mga nakapuwesto. Restaurant man o tambayan. Like coffee shop. Pero wala akong sa mood sa mga ganiyang bagay. Napatigil ako sa paglalakad ng matapat ako sa isang store, walang tao ang pumapasok. Ngunit napaka Antique niyang tignan, namalayan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papasok ng shop na ito. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang iba't-ibang paintings. And wow, napanganga ako sa sobrang ganda. Alam ko na sa bawat pinta at litrato na mga 'yan, sa likod ng mga 'yan ay ang bawat kakaibang storya para mabuo ang bawat painting na nasa harapan ko. Lahat ng makita ko ay maganda, but one painting caught my attention, it was dark and the texture is rough. What's behind this painting? “A keen eye, for someone like you.” sambit ng kung sino mula sa kung saan. Bahagya akong nagulat at nagpalinga-linga sa paligid upang sundan ang boses na aking narinig. And there, I saw someone standing not so far to me, sa left side ko. Dahan-dahan siyang naglakad palapit, kaya naman nakaramdam ako bigla ng kaba. Ngunit naibsan 'yon ng makita ko ng kabuuan ang kaniyang mukha. Matanda na siya, ngunit hindi halata sa kaniyang pangangatawan lalo't kung nasa dilim. “How old are you? Nakakamangha na sa edad mong 'yan ay interesado ka sa mga Antique na bagay, gaya ng pagpipinta.” sambit pa niya. “Ahm... Twenty two ho.” “rwenty two? Nakakamangha. What made you come inside of my shop?” “Ahm... Ano po kase... Nagpipinta po ako.” “Really?” Sunod-sunod akong napatango. “Well, you must know a lot with painting. Hmmm?” “Hindi naman po,” kakamot-kamot kong sambit. “Alam mo bang ito ang pinaka paborito kong naipinta ko, nung mga kapanahunan ko?” Sambit niya kasabay ng pagtitig niya sa painting na nasa aming harapan, it was the dark painting that caught my attention. “Kung mapapansin mo, rough ang texture nito, and kung normal kang tao, hindi mo mapapansin ang pinaka naka highlight sa gitna.” Oo nga, it's a half crescent moon, and around that moon, was the darkness and even the moon is dark, kaya kung hindi mo talaga tititigan, hindi mo siya mapapansin. “That moon represents myself.” Doon ako napatitig sa kaniya. “That was me, during those darkest time.” Sambit niya pa. Napatitig akong muli sa painting, at muli doon ay napansin ko ang rosas na kulay itim sa gilid, sa tabi ng lake. Lahat ng bagay, nakapinta sa dark color kaya kung hindi mo tititigan at pag-aaralang mabuti, hindi mo mapapansin. It was a portrait of a scene where you are in the midst of nowhere, and in the middle was the lake, it was dark blue... And the skies and moon we're both black. Even the bed of roses were black. Lahat ay kulay itim na wari mong lahat ay patay. “I painted this when my wife left me, that was the darkest path I've ever had. When my wife left me, everything is unclear, everything is dark. I can't see anything but my wife.” “Bakit po kayo iniwan ng asawa niyo?” takha kong tanong. Wala e, naging interesado ako sa kuwento niya. “Because I cheated on her,” Napanganga ako sa sinambit niya. “Po?” Bahagyang napatawa saglit si manong. “It was my fault, She loves me for who I am, and everything, she gave me everything I need. She made me who I am today, she completed the pieces of me that were too broken, and no one could handle my shits better than her...” “...” “It was too late for me to realize her worth and what she is on my life, she already left me...” “...” “I was a jerk back then, hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin ang lahat... At nung mga panahong walang-wala ako. This is what I created. Hindi makabuluhan sa paningin ng iba, ngunit sa paningin ko, ito ang pinakamahalagang portrait na naipinta ko sa tanan ng buhay ko.” “What happened between the two of you?” “I was a f**k boy, I play with woman's heart. I'm heartless, ika nga ng karamihan. Not until I met this woman, everything has changed when she came into my life. Maraming bagay na hindi ko ginagawa noon na nagagawa ko ngayon, I was a boy when she met me, and when she left, I became a man. And thanks to her...” “...” “She caught me cheating, magkasintahan na kami noon, ngunit nagagawa ko pa ring makipagtalik sa ibang babae.” Napaawang ang labi ko sa gulat ng marinig ko ang sinambit niya. “I know I'm a jerk. but what can I do? I was so addicted with s*x. May mga bagay na nararanasan ko sa ibang babae na hindi ko nararanasan sa kaniya, and I was so stupid for treating her like that, napakabobo ko para ipagpalit 'yung genuine na pagmamahal niya sa akin para sa makamundong laman.” “...” “Nasaktan ko siya, paulit-ulit, at paulit-ulit niya rin akong pinatawad at tinanggap, pero napagod siya at nagsawa sa gano'n... At doon ko napagtanto, the more na pinapatawad ka ng isang babae, nababawasan 'yung pagmamahal niya para sa iyo habang minamahal ka ng sobra ng lalaki. And that's what happened to me.” “...” “Sa tagal ng panahon na nakasama ko siya, she'd been with me through ups and down, she never left me, not until naubos ko siya...” “...” “Napagod siya... At napaka makasarili ko nga naman noon, dahil hindi ko man lang naisip na tao din siya, napapagod at nasasaktan.” “...” “Minahal ko siya ng sobra, at mahal ko pa siya hanggang ngayon. Sa dami ng babaeng nakilala ko, nag-iisa siyang kakaiba at tanging babae na bumihag sa akin... Hanggang ngayon hindi ko siya makalimutan, tatlong dekada na ang lumipas...” “Hindi na po ba kayo nag-asawa?” “Hindi ko kaya... Makakasakit lang ako, itong painting shop na ito, ang naging libangan ko sa loob ng ilang dekadang panahon.” “Nakaya niyo po iyon?” “Maging ako ay namamangha sa aking sarili.” “Sinubukan niyo po ba siyang i-pursue?” “I did... Ginawa ko na lahat, bigyan niya lang ako ng last chance, kaso ayaw niya na talaga. Talagang nasaid siya sa akin. Talagang nasagad ko siya, at hindi ko siya masisisi dahil alam ko at ramdam ko, naging totoo siya at minahal niya ako higit pa sa sarili niya.” “...” “But it's too late for me... Kung kailan gusto kong magbago at magsimulang muli, don din niya napagpasiyahan na sa pagkakataong iyon, sarili niya naman ang pipiliin niya,napagod siyang piliin ako ng paulit-ulit, dahil wala siyang nakitang pagbabago sa akin.” “...” “It was too late for me and I regret everything. The pain of regret is something you don't want to experience, 'cause that pain will last long until the last breath of your life, look at me now...” I was speechless, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. “Hayaan mo na 'yon, matagal ko ng tanggap sa sarili ko na, kahit anong gawin ko, wala ng magbabago, masaya na siya at hinayaan ko siya. Ayoko namang ikulong siya sa akin, ayokong maging selfish. Kapag tunay mong mahal ang isang tao, handa kang magparaya para sa ikabubuti at ikasasaya niya...” “...” “Alam mo bang maraming may gustong bumili nitong naipinta ko, ngunit hindi ko magawang ipabili, kapag talaga may napapapasok sa aking shop, talagang kinakausap ko, at ikinukuwento ko ang mga bagay da likod ng bawat painting na magustuhan nila.” “...” “Lahat ng narito, lahat iyan ay may kani-kaniyang kuwento kung paano at bakit ko sila naipinta. May mga hindi tapos rin dito.” “...” “Hindi ko magawang maibenta ito, dahil para sa akin, walang kaseng halaga nitong masterpiece na ito ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, it represents my life. So why would I sell my history?” “Nakakamangha naman po, kahit ako... Kung mayaman ako, bibilhin ko ang ipinata mong ito.” “Ngunit ipagpaumanhin mo, binibini, hindi ko talaga kailanman ito maipagbibili, maiintindihan mo rin ako balang araw, batid kong nagsisimula ka pa lang tahakin ang landas na para sa iyo, ngunit isa lang ang maipapayo ko.” “Ano po iyon?” “Enjoy your life while you're still young, do whatever you want as long as it will make you happy, nang sa gayon ay wala kang maging pagsisihan sa buhay, gaya ko...” “...” “Masaya akong malaman na interesado ka sa pagpipinta, ipagpatuloy mo lamang iyan, maari kang bumalik-balik rito kung kailangan mo ng aking payo, handa akong bigyan ka...” “Maraming salamat po,” “And take note that, you'll be a famous painter in the Philippines, trust me.” Bahagya akong napatawa. “Nako, Sir. Magdilang anghel po sana kayo.” natatawa kong sambit. “Bago ka magtiwala sa ibang tao, magtiwala ka muna sa sarili mo. Na kaya mo, na magagawa mo. It's not only about the talent you have, it's the mindset. What kind of mindset do you have?” “...” “Train your mind and be strong, if you want to become strong, have a strong mindset. Lahat nagsisimula sa pag-iisip, it's all about within you.” “...” “Believe in yourself, kung di ka maniniwala na kaya mo, sino aasahan mong maniniwala sa iyo?” Natauhan ako sa mga sinabi niya, tama naman siya e. Mahina ang loob ko, napanghihinaan ako ng loob. “Maniwala ka na kaya mo, kayang-kaya mo na maging isang sikat na pintor, maniwala ka sa'kin, kung magiging consistent ka lang at kung magtitiwala ka sa sarili mo.” “Salamat po, Sir.” “I was at your age, I should've pursue my dreams back then, but I wasted a lot time hanggang sa napag-iwanan ako ng panahon, namalayan ko nalang matanda na ako, mahabang panahon na pala ang nakalipas noong ginusto kong magsimula ulit.” “...” “Kaya naitayo ko ang store na ito. It's better late than never, at least kahit na matanda na ako, sinubukan ko pa rin.” Napangiti ako sa sinambit niya, nakakamangha siya sa totoo lang. Bibihira lang ako kumausap ng tao, pero aaminin kong nakuha niya ang loob ko. “Salamat po sa pagbabahagi mo ng karanasan, Sir. Itatatak ko po ito sa aking isipan.” sambit ko kasabay ng pag bow ko ng kaunti. “Maari kang bumalik rito ineng,” “Opo...” Iyon na lamang ang sinambit ko kasabay ng paglabas ko ng store, I was hooked. Sa totoo lang, gusto ko rin maging gaya niya. Talagang pinatibay at pinatatag siya ng panahon, nakakamangha. Kapag talaga matatanda ang nakakausap ko, hindi ako nawawalan ng aral. Madami akong nalalaman at natututunan mula sa kanila. Sa parte pa lang ng pagbahagi niya ng kaniyang karanasan, maraming aral akong napulot. Nakangiti akong naglalakad papasok ng mall, balak ko kaseng magpinta sa bahay, kaya narito ako sa bookstore kung saan may mga gamit sila na pang pinta. Yung budget lang muna, wala naman akong pera na malaki e Nagsimula akong pumili ng mga kulay at mga paint brush na gagamitin ko, nakaka excite sa totoo lang. My adrenaline rush is running through my veins. Hanggang sa matapos ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa mall. Masaya pala na mag-gala mag isa, nakaka enjoy sa totoo lang, wala kang ibang iisipin kung hindi ang sarili mo at mga gusto mong gawin. Dati kase akala ko malungkot gumala at lumabas ng mag-isa. Ngayon ko napatunayan na mali ako ng akala. I was smiling from ear to ear when someone caught my attention. Habang nakatitig ay nakikilala ko siya, unti-unting nawala ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nabitawan ko ang bitbit kong paper bag na naglalaman ng mga kagamitan para sa aking pagpipinta. Is that Dos? Mabilis pa akong naglakad palapit para makumpirma, and I was right. Siya nga 'yon. But the question is, who's that girl? Nakahawak sa braso niya, kung tutuusin kung hindi mo sila kilala, mapagkakamalan mong magkasintahan sila. Sa isiping iyon ay biglang nanikip ang aking dibdib, nagsimulang kumirot ang aking puso. Seeing him now after a week and with a girl on his arms? Sobrang sakit... Hindi niya magawang mag text sa akin tapos ito... Makikita ko siya may kasamang babae, masayang-masaya pa sila... “Miss, Miss, Miss, naiwanan mo po ang gamit mo.” Wala sa sariling napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin, napatitig ako sa kaniya, biglang nanubig ang gilid ng aking mga mata, kasabay ng pagtulo ay ang pagkatitigan namin ng lalaking magmagandang loob upang tulungan ako. “Maraming salamat,” malungkot na nakangiti kong sambit. Mabilis kong kinuha ang lahat ng gamit ko na nasa kaniya, parang pamilyar sa akin ang mukha niya ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin. Kaagad akong tumalikod kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. To be continued.... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD