Chapter 32: His Family

2006 Words
Chapter 32: His Family Third Person's POV "Kuya, huwag nga jan!" inis na sambit ng isang batang paslit. Kunot na kunot na ang noo nito, wari mong kanina pa nagpipigil ng inis. Madiin ang pagkakahalukipkip nito sa kaniyang braso. Limang taon pa lang ito ngunit kung makapagsalita ay astang maedad pa sa kaniyang kuya. Napailing na lamang ang binata, hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa inaasta ng nakababatang kapatid. "Marunong ka pa sa matanda e," balewalang sambit nito sa nakababatang kapatid. Napasinghap ang bata sa narinig, napanting ang kaniyang tainga, wari mo ay nasaktan siya sa sinambit ng nakatatandang kapatid. "Aba't kuya! Hindi basehan ang edad sa pagiging walang taste mo sa pagde-design! Matanda ka nga, ang baduy mo naman!" Iyon ang nadatnang senaryo ng pangatlo nilang kapatid. Si Tasha, pagak itong napatawa sa narinig. This was her favorite part, ang pagbabardagulan ng mga kapatid niya, nag-e-enjoy kase siyang makita na nag babardagulan ang mga ito. She walked sophisticatedly towards them, she slowly sat down on the sofa in front of them, elegante niyang inayos ang pagkakaupo habang nakatutok ang tingin sa kaniya. Sa ginawa niya ay napatingin ang dalawa niyang kapatid sa kaniya, naagaw niya ang atensiyon nito. Nang mapagtanto na sa kaniya ito nakatitig ay hindi niya napigilan ang magtaas ng kilay. "What?" mataray nitong pagtatanong. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang bunso nilang kapatid, dahil kung mataray ito, tiyak na mas mataray ang kaniyang ate, hindi uubra ang pagiging spoiled brat niya rito. Kaya lang naman niya natatarayan ang kaniyang kuya dahil sa mabait ito, at kailanman ay hindi siya pinatulan nito. Samantalang napatitig ng walang emosiyon ang binata sa kaniya. Napaismid ang dalaga. "Continue what you're doing, don't mind me." maarte nitong sambit. Hindi na lamang siya pinansin ng dalawa. Dahil sa kaniyang presensiya ay natigil sa pag-arte ang bunso nilang kapatid. Yes, she is a spoiled brat. But when it comes to her sister and her older brother, tiklop siya. Nasa ganoong situwasyon sila ng pumasok ang kanilang lolo. "Papa Lo!" mabilis na sigaw ng bunso nilang kapatid. "Chelsea, Apo..." natutuwang sambit nito. Mabilis itong tumakbo sa kaniya kasabay ng pagbuka niya ng kaniyang braso upang salubungin ng yakap ang apo. "How was my beautiful Granddaughter?" nakangiti nitong pagtatanong. "Papa Lo..." "Hmmm?" "Si Kuya po, ang panget ng design niya sa bahay..." Malakas na napatawa ang matanda sa narinig, kailanman ay hindi siya nito binigo, palagi na lamang siyang napapahagalpak ng tawa. Sa apat na magkakapatid, ito ang pinaka nakapagbibigay ng aliw sa kaniya, kaya naman, ito ang pinaka paborito niya. "Ganu'n ba?" natatawa pa nitong pagtatanong. Inosenteng napatango ang bata. Napatawa na lamang ang matanda. "Tsk," pag ismid ng binata kasabay ng paglapit at pagmano sa kaniya, ganoon din naman ang ginawa ni Tasha. They may act mean but they're not that bad. Naturuan pa din naman sila ng tamang asal at paggalang. "Kamusta ang aking mga apo?" nakangiti nitong pagtatanong. "I'm good, Lo." "Fabulous as always, Papa Lo." "I see, ano ang mayroon at inimbitahan ako ng inyong kuya?" "We don't know yet, Papa Lo." "Siguro may papakilala, Lo." "Hmmm?" kunot noo niyang reaksiyon. Nasa ganoong situwasyon sila ng biglang pumasok ang kanilang Ina. "Papá," sambit nito. "Mom." sabay-sabay naman na sambit ng nagkakapatid. "Tama na iyan, halina sa hapag kainan at nakahanda na ang lahat, anytime they'll be here." mahinahon ang boses nitong sambit. Walang salita na tumalima ang lahat, maging ang matanda ay tahimik ding sumunod. Pagkarating sa hapag kainan ay nagitla ang lahat, napakaraming pagkain ang nasa hapag kainan. Araw-araw naman na madaming pagkain, ngunit kapansin-pansin na ang mga nakalatag na pagkain ay kakaiba at bago sa kanilang paningin. "Wow, Mom..." "What's so special today, Mom?" "Mom..." "Maupo kayo, ano mang minuto ay darating na ang inyong kapatid kasama ang kaniyang bisita." "Who's our visitor, Mom?" "Makikilala niyo rin." "Tsk, mom... Why don't you just tell us?" "Nasaan na ang surprise kung sasabihin ko?" "hmmmp, Mom. Nakakainip naman kase." "You should behave yourself, Chelsea. May ibang tao mamaya." "Fine..." "Ikaw din, Tasha. Don't say mean words in front of our visitors. Ayaw kong mapahiya ang pamilyang ito." striktang sambit ng kanilang ina. Mabait ang kanilang ina, ngunit pag nagiging strikto ito ay kailangan nilang sumunod. "Sino ba ang bisita natin at tila ang selan naman yata--" "Just don't do embarrassing things. I want all of us to behave accordingly, understood?" "Yes Mom," sabay-sabay na tugon ng mga ito. "Good, if it's that the case, then we're all okay." Saktong natapos ang usapan nila ng makita nilang nasa pintuan na ang kanilang kuya. Nagtakha pa ang lahat ng makita nilang may kasama ito. At babae pa. Lahat ay curious na napatitig sa dalagang kasama ng kanilang nakatatandang kapatid. Kilala nila ang kanilang kuya, kailanman ay wala pa itong dinadala sa kanilang bahay. Ito ang kauna-unahang babae na dinala niya kaya naman lahat ng atensiyon ay napunta sa kanila. Maging ang kanilang ama na abala sa pagbabasa ng diyaryo ay napunta sa kanila ang atensiyon. __________ Stacy's POV “Shall we?” sambit ni Dos. Kaya naman natauhan ako, kinakabahan kase ako, kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan, ngayon kase ang araw kung kailan opisyal kong makakadaong palad ang pamilya niya. Hindi ko alam kung tatanggapin nila ako, dahil mahirap lang naman ako, wala akong maipagmamalaki bukod sa ganda na meron ako. Sandali akong napakagat-labi ng makita kong umikot si Dos at pinagbuksan ako ng pinto. “D-Dos...” kinakabahan kong sambit. “Hmmm?” Nanginginig ang kamay kong iniabot sa kaniya, sandali siyang natigilan. “What's wrong, Bonita? Ayos ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong ng mahawakan niya ang kamay kong nilalamig. “Kinakabahan ako...” Sandali siyang napatulala ngunit bahagya ring napangiti, “Pfft, bakit ka naman kakabahan?” pigil ang ngiti niyang sambit. Sandali ko siyang sinamaan ng tingin. “Ikaw kaya lumugar sa situwasyon ko, tsk.” “Pfft, I've been there, right? Kahapon lang...” Sandali akong natigilan, oo nga pala. Hindi ko na lamang siya sinagot, bagkus ay tinanggap ang kamay niyang nasa aking harapan, dahan-dahan at maingat akong bumaba. Bago kami tuluyang maglakad ay pinagsiklop niya ng mahigpit ang aming mga kamay. Kaya naman ay napatitig ako sa kaniya. He smiled at me, “You don't need to worry, my family is good. My siblings may be mean to you, but they're a good people. We're taught to become one,” “Dos...” I trailed off as I stared at him. “They will like you, I promise.” Napalunok ako ng sarili kong laway, sunod-sunod na lamang akong tumango sa kaniya. Kaya ko ito, fighting! Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa aking kamay, imbis na masaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay ay kabaligtaran ang naramdaman ko. I feel secured. Kumalma ang magulo kong isipan at napawi ang alalahanin ko. We slowly started walking towards their house, no, their mansion. This house is much bigger just to be that 'house'. It must be a mansion. Hindi ko mapigilan ang mamangha, sa ganda ng kanilang mansion. Grabe, bawat sulok ng mansion, nagsusumigaw kung gaano sila karangya. Yung tipong hindi na nila kailangan ipakita o sabihin kung gaano sila kayaman, dahil mismong mga gamit at ang lugar na ito ang magsasabi sa'yo kung gaano sila karanya. Sa pagkamangha ko ay hindi ko namalayan na nasa dining area na pala kami, doon ako natigilan. Para bang natuod ang aking mga paa sa sahig na kinatatayuan ko. Nanigas ako ng makita ko ang mga taong nakaupo roon, tila ba nawalan ako ng lakas, bahagyang nanghina ang aking mga tuhod. “Everyone, this is Stacy. My fiancé.” biglang pag anunsyo ni Dos. Kaya naman mas lalo akong natuod sa aking kinatatayuan. Oh my god, lupa... Kainin mo na ako please, ngayon na... Ano ba naman 'tong si Dos... Walang pasabi man lang. Lintik. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon, ngunit namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti sa kanila. Bahagya akong yumuko ng kaunti kasabay ng pagbati ko, “Hello po, magandang araw po sa inyong lahat.” I politely said as I bow my head. Nakangiti namang lumapit sa akin ang isang magandang babae. Whoa... Ang diyosa naman niya. Hindi ko naitago ang pagkamangha ko, nasa harapan ko na siya ngunit bahagya pa ring nakabukha ang aking bibig sa pagkamangha. “Hello too, my name is Cecilia, Dos's Mother.” Hindi ko na napigilan ang aking reaksiyon, literal na napa awang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata. “P-Po?!”hindi makapaniwala kong sambit. “Close your mouth, Bonita pfftt...” natatawang bulong sa akin ni Dos. Mabilis akong napalunok ng sariling laway. Oh god, nakakahiya... She slowly extended her hands, kaya naman dali-dali kong iniabot ang aking kamay. “Ayos ka lang ba, Hija?” “O-Opo...” nanginginig ang boses kong sambit. “Nanlalamig kase ang kamay mo,” natatawang sambit nito. “Uhm...” “Mom, She's nervous... Pfft..” “Wala ka namang dapat ika-kaba, as long as you know to yourself na totoo ka umakto at makisama.” “Opo,” “Have a seat, Dos, paupuin mo ang bisita mo.” Dahan-dahan naman akong iginiya ni Dos paupo sa bakanteng upuan, nasa kaliwang bahagi ko siya habang ang nasa kanan ko ay sa tingin kong nakababatang kapatid niya. Nakatitig lamang ito sa akin, na pakiwari mo ay kinikilala ako. Ngumiti ako ng malapad habang nakatitig sa kaniya. Nag iwas naman ito ng tingin, masungit. Alam ko na kung saan nagmana. Pfft. Grabe ang ganda ng mama ni Dos, akala ko nga kanina ate niya lang, jusko naman... No wonder kung bakit ang gaganda at popogi ng mga anak niya. Sandaling nalipat ang tingin ko sa nasa tabi nitong babae, woah... For real? Ang ganda niya... Grabe, jusko... Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya. Napansin niya naman yata iyon dahil mabilis siyang tumitig sa akin. Nakataas ang kilay. Pfft, ano bang meron sa pamilya nila at bakit ang uubod ng sungit at pagkataray ang mga ito? Napangit na lamang ako, “Uhm... Sorry, ang ganda mo kase, hindi ko mapigilang mapatitig sa iyo...” diretso kong sambit. Saglit siyang natigilan kasabay ng nahihiya niyang pag-iwas ng tingin sa'kin. “Pfft, I didn't know na bolera ka din pala, Bonita.” Mahinang bulong sa akin ni Dos, “Hoy, hindi ha. Totoong maganda ang kapatid mo, grabe, lahat naman kayo magaganda at pogi.” Napatawa na lamang siya. Nasa ganoong situwasyon kami ng biglang magbaba ng diyaryo ang isang lalaki na nasa dulo katabi ng mama ni Dos. Napatulala ako, ang guwapo e. Seryoso? Tatay to ni Dos? Mukhang mid thirties lang e. Bat gano'n? Sobrang gu guwapo nila? “Nice to meet you, Hija, kumain ka lang ng marami at huwag kang mahiya. Feel free whatever you want to do as long as you're happy.” masiglang sambit nito. Happy go lucky ang papa ni Dos, while his mother naman, mabait pero strikta. Dahan-dahan akong sinandukan ni Dos, ako naman ay tahimik lang, bawat paghinga ko ay mahalaga, kinakabahan talaga ako. “So, anong tinapos mo, Hija?” Sabi ko na nga ba e... Lord, tulungan mo ako. “I'm into arts.” “Really? So pareho kayo ni Daddy?” masiglang sambit ng Daddy ni Dos. Bahagya pa akong nagitla ng may pumasok sa dining. Isang lalaki na may katandaan ngunit mahahalata mo sa kaniyang pormahan na noon ay nagkakandarapa ang mga babae sa kaniya. Ngunit napakunot ang noo ko ng makita ko ang kaniyang mukha, pamilyar sa akin e. Nakita ko na ba siya before? Kunot noo akong napatitig sa matanda at pilit na inaala ang nangyari sa akin. Marahan akong napapikit ng aking mga mata. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung saan ko siya nakita. “Oh my god...” hindi ko napigilang anas sa napagtanto, who wouldn't thought na ganito pala muling mag ku krus ang landas namin. To be continued.... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD