Esteban I HAVE a very bad feeling about this. “May balita na ba?” tanong ko kay Leo. Pinapaimbestigahan ko ang nangyaring aksidente ni Alciana noon. Gusto kong malaman kung sino man kina Dad o kay Stephen ang may kagagawan nito. Kung hindi isa sa kanila, maaaring parehong sila ang nasa likod nito. “Mayroon na po, Sir.” May ipinakita siyang mga dokumento sa akin. “Pero hindi pa ganoong sigurado. Maaaring hindi sina Sir Stephen at Sir Stefan ang nasa likod ng nangyaring aksidente kay Miss Alciana.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kinuha ko ang mga dokumento at tiningnan ang mga nakalap nilang ebidensya. Records at history ito ng kanilang mga phone calls at mga pinuntahan bago ang aksidente. “Nasa party rin ang mag-ama kung saan pumunta si Miss Alciana noon bago ang nangyari sa kanya.

