KABANATA 5: RAIN

2547 Words
Lusianna ALAM ko na nananaginip lang ako. Alam ko na isa na naman ito sa mga panaginip ko at kahit na gusto kong magising ay hindi ko magawa. Kahit na gusto kong igalaw ang katawan ko, hindi ko rin magawa. “Who’s the girl?” tanong ko sa lalaking kausap. We were at a party but can’t remember what happened that night. “She’s my date,” sabi naman nito sa akin. There was a sudden urge to go to the woman he was with, pull her hair, and throw her body into the ocean so no one could ever find her—out of my f*****g jealousy. “Did I give you permission to have a date tonight?” Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang tie. Umakto akong inaayos ko iyon, kahit gusto ko siyang sakalin gamit ito. “I did not, right?” “I told you to come with me tonight, you declined.” Para bang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hinala ko ang tie niya para mas lumapit ang mukha niya sa akin. Ang aking mga mata ay nanlilisik. “Even if I declined, you shouldn’t find a f*****g b***h to replace my position. Let me remind you, you’re mine, and I don’t f*****g share. Paalisin mo siya ngayon din o hindi mo na makikita ‘yan mamaya, Baste.” Nagmulat ako ng aking mga mata matapos kong mapaginipan iyon. Pero hindi kagaya noon, hindi ako hinahapo. Hindi rin katulad noon, naaalala ko ang lahat. Malakas ang kabog ng dibdib ko. If that really happened, I can’t believe I said those words. Baste… He was really part of my past. But that doesn’t give enough reason to trust him. Hindi ko pa rin alam kung anong role niya sa nakaraan ko. That memory didn’t give me anything. Lumabas ako ng kuwarto upang uminom ng tubig. Nakita ko si Baste na nakahiga sa sofa. Sinabi ko sa sarili na huwag na siyang pansinin pa pero nang matapos kong uminom ng tubig at pabalik na sana sa kuwarto, imbis na sa kuwarto ako dumiretso ay dinala ako ng aking mga paa sa kung nasaan si Baste. Tinitigan ko siya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. He’s huge for the sofa. Lagpas ang kanyang paa at halos hindi magkasiya sa maliit na sofa ng bahay. Dapat ay bumili siya ng mas malaki. Natigilan ako. May sapat ba siyang pera para bumili ng mas malaking sofa? I don’t know. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya nang makita ko ang posisyon niya. Ako iyong sumasakit ang katawan sa posisyon na mayroon siya. Pinagmasdan kong mabuti si Baste. Hindi ko ito nagagawa sa tuwing gising siya dahil ayokong makita niya na tinititigan ko siya. Kumabog ang dibdib ko, and at some point, I wanted to touch him. Tumaas ang isang kamay ko at dahan-dahan na inilalapat sa kanya ang aking kamay, but I stopped myself halfway. Huminga ako nang malalim. Hindi ko dapat siya hawakan. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at pumasok sa loob ng kuwarto. Tinangka kong bumalik sa pagkakatulog kahit na biglang ginugulo ni Baste ang isipan ko, lalo na ngayong kasama siya sa panaginip ko. Wala nang naging kasunod ang panaginip ko. Paggising ko nang umaga, naabutan ko si Baste na may kausap sa telepono niya. “Hindi ba pwedeng wala ako riyan?” Iyon ang narinig ko mula sa kanya. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko dahil ayokong mapansin niya na nasa likod niya lang ako. “Fine, I’ll be there later.” Ibinaba ni Baste ang telepono niya at lumingon sa akin. Imbis na siya ang magulat na naandito ako, ako iyong nabigla. “Uhm, I wasn’t eavesdropping.” Naglakad ako papunta sa kusina at nagpanggap na may gagawin doon. “Sianna…” Napatalon ako nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakasunod sa akin. “Aalis ako mamaya. Papupuntahin ko si Adela rito para makasama mo. Baka bukas na ako makauwi.” Napakurap ang aking mga mata sa sinabi niya. “Hindi ka uuwi mamaya?” Obvious naman sa sinabi niya kanina pero siguro ay in denial lang ako na hindi siya uuwi mamaya. “Saan ka ba pupunta?” Segundo ko sa sinabi ko kanina. “Manila.” Ikiniling ko ang ulo ko. Hindi ko alam o maalala kung malayo ba iyon dito. “Malayo ba ‘yon?” tanong ko. “Ilang oras din ang byahe.” Nanatili siyang nakatingin sa akin na akala mo ay pinanonood niya ang bawat pagbabago sa ekspresyon ko. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Nagsalubong ang aking kilay. Hindi ko gusto ang ideya na hindi siya uuwi mamaya, but then… “Susubukan kong umuwi mamaya.” Hinawakan niya ang ilang hiblang ng buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tainga ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. “Kung hindi mo kayang umuwi ay huwag mong pilitin. Mahirap na. Bukas ka na lang umuwi. Magiging okay naman ako kasama si Adela.” Tinalikuran ko ulit siya at inabala ang sarili sa mga bagay na wala namang kabuluhan para lamang maiwasan ko siya. Bakit para akong nalulungkot na malamang matatagalan siyang umuwi? Hindi ba dapat masaya ako dahil wala siya? Wala iyong dahilan ng pagiging magulo ng mga nararamdaman ko. Umalis si Baste. Sinabi ko na ihahatid namin siya sa sakayan ng bus pero hindi na raw kailangan. Mahirap daw ang byahe at baka mapagod lang ako. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako kung saan ko siya huling nakita bago siya maglaho sa paningin ko kahit na kanina pa ito umalis. “Uy, miss mo ba agad? Wala pang isang oras, ah?” Adela has this habit of teasing me about Baste. Madalas ay hindi ko siya pinapansin at may pagkakataon na pinapatigil ko siya. “Shut up. Hindi ganoon.” Pumasok na ako sa loob ng bahay pero bago pa man ako makapasok ay may narinig na akong boses. “Hello, Lusianna!” Napairap kaagad ako sa hangin nang mapagtanto ko kung sino ang tumawag sa akin. Simula nang makilala ko siya ay isa ang boses niya sa ayokong naririnig. Humarap ako sa kanya at nakita ko si Lourdes. Si Adela ay halatang nalilito pa kung bakit naandito si Lourdes. “Anong ginagawa mo rito?” Wala akong maalala na close kami para puntahan niya ako sa bahay. “Ito naman. Dinadalaw lang kita. Ito nga at may dala akong kakanin. Masarap iyan. Luto ko!” Tiningnan ko ang dala niya. “Thanks, pero hindi ako kumakain niyan.” Nakita ko na nawala ang pekeng ngiti niya pero agad niya ring nabawi ang sarili. Alam ko naman na peke ang ngiti na mayroon siya. Pwersahan niyang ibinigay kay Adela ang dala niya kaya wala itong nagawa kung hindi ang hawakan ito. “Naisip ko lang, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa ‘yo. Ako nga pala si Lourdes. Nice meeting you, Lusianna.” Inilahad niya ang kanyang kamay. Wala sa lugar kung magtataray ako kaya naisip ko na tanggapin na lang ang kamay niya kahit ayoko pa iyong gawin. “Yey! We’re friends na!” Nagsalubong ang kilay ko. I don’t remember saying that we’re friends. “By the way…” Sumilip si Lourdes sa loob ng bahay bago ibalik ang atensyon sa akin. Suot niya pa rin iyong nakakainis na ngiti na mayroon siya. “Naandito ba si Baste?” “Wala si Baste rito.” Figures. Hindi na dapat ako nagtanong kung anong dahilan ng pagpunta nila rito. Si Baste ang gusto niyang makita. Mabuti na lang talaga, wala siya ngayon. “Ha? Nasaan siya?” “Kakaalis niya lang. May pupuntahan,” sabi naman ni Adela. Siguro ay naramdaman nito na ayoko nang makipag-usap kay Lourdes. Lumayo ako kay Lourdes. “Papasok na ako sa loob ng bahay. Kung wala na kayong kailangan, pwede na kayong umalis. Anyway, thanks sa dinala ninyong pagkain.” Hindi ko na sila ulit nilingon at pumasok na ako sa loob ng bahay. Sinundan ako kaagad ni Adela. “Mukhang nakikipagkaibigan sa ‘yo si Lourdes matapos malaman na kapatid ka ni Baste.” Tumawa si Adela. “Hindi niya alam na asawa ka.” Kung noon ay naiinis ako kapag naririnig ko na asawa ako ni Baste, ngayon ay hindi ko mapigilan na mapangiti. I know I shouldn’t feel this way, but I feel like possessiveness has possessed me after learning that many women want him. “As if may pag-asa siyang maging kaibigan ko.” Tumawa si Adela at pumalakpak pa. “Ang taray naman! Akala ko ba kapatid dapat ang akto ninyong dalawa dahil ayaw mo na makilala kayong mag-asawa. Anong nangyayari ngayon?” Humarap ako kay Adela at sarkastikong ngumiti sa kanya. “Shut up.” Malumanay pero may riin sa pagsasabi ko nito. Nginitian na lang ako ni Adela at nagpanggap na itinitikom ang kanyang bibig. Hindi maganda ang mood ko sa buong maghapon. Kung bakit ay wala rin sa akin ang kasagutan. Simula nang umalis si Baste kanina, hindi na maganda ang mood ko. Nanuod na lang ako ng TV. “Sorry to interrupt the movie you’re watching. We’ve just received reports of a missing woman—” Naputol ang panunuod ko ng balita nang kausapin ako ni Adela. Tinanong niya lang naman sa akin kung anong gusto kong kainin mamaya. “You can provide any information to the contact details on your screen.” Nang titingin na sana ako sa TV ay bigla namang natumba si Adela. Natuunan niya ang remote sa table kaya’t nalipat ng ibang channel. “Okay ka lang?” tanong ko sa kanya. “Ah, oo.” Tumawa siya at tumayo nang maayos. “Na-out of balance lang. Sige, bibili lang muna ako ng mga sangkap sa lulutuin ko mamaya.” Hindi na ako sumama sa kanya dahil naisip ko na kapag nakita ako nina Lourdes ay gagambalain na naman nila ako at baka hindi na ako makapagpigil. Naisip ko na hindi na buksan ang TV dahil wala naman talaga akong naiintindihan sa pinapanood ko. May tila hinahanap ako pero naalala ko na wala akong ganoon. Wala pala akong cellphone. Hindi ko matatawagan si Baste. Natigilan ako sa naisip. Bakit sumagi sa isipan ko na tawagan si Baste? Bumuga ako nang malalim na hininga. Hindi ko siya iniisip at hindi ko siya gustong makausap. Kung tutuusin, mas masaya ako kapag wala siya. Malakas ang naging pag-ulan noong hapon kaya nanatili lamang kami sa bahay. Nasa may maliit na balkonahe ako ng bahay at pinapanood ang pagbagsak ng ulan. For some unknown reason, it’s giving me comfort. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang pagpatak ng tubig ulan. Is it weird to love the rain? “Sianna, anong ginagawa mo sa labas? Pumasok ka sa loob. Baka mabasa ka ng ulan.” Hindi naman ako nababasa sa kinaroroonan ko kaya sa tingin ko ay ayos lang. “Dito muna ako. I want to admire the rain.” “Ha?” sabi ni Adela. “Anong dapat i-admire sa ulan? Ang pangit nga ng panahon.” Maaaring maraming may ayaw sa ulan, lalo na para sa mga tao at hayop na walang nasisilungan sa ganitong panahon. Sa mga taong hindi makapaghanap-buhay kapag ganito ang panahon. I feel bad for them really. But there’s something that’s giving me comfort due to the rain. Malakas ang pakiramdam ko, may koneksyon ito sa nakaraan ko. “Bahala ka. Basta huwag kang papabasa sa ulan, ah? Pumasok ka sa loob. Baka mapagalitan ako ni Baste kapag nagkasakit ka dahil pinabayaan kita riyan.” Tumango na lamang ako kay Adela pero hindi na nagsalita. “Manunuod lang ako ng TV. May bagyo ba? Ang lakas ng ulan.” Iyon ang huli kong narinig sa kanya nang pumasok siya. Nanatitili akong nakaupo roon at pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga puno dahil sa paghampas ng hangin at ang pagpatak ng ulan sa lupa. “Do you know you’re like rain to me? Calming, comforting, taking away the heavy feelings in my heart. Your soft voice is like the soothing sound of raindrops, healing my soul. Your presence washes away my pain, and your touch is so gentle, it wipes away my doubts, making me feel like I can do anything because you’re with me.” Napakapit ako sa dibdib ko. Those words. I know that someone dear to me told me those words at naninikip ang dibdib ko dahil hindi ko magawang maalala kung sino siya. Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha mula sa aking mga mata. Hinawakan ko iyon at tinitigan ang daliri kong nabasa dahil sa luha. All of a sudden, I feel so emotional. Huminga ako nang malalim at inilingan ang sarili. Tumayo ako at nagdesisyon nang pumasok sa loob ng bahay. Matapos naming kumain nio Adela, pumasok kaagad ako sa loob ng kuwarto. Tahimik lang ako. Hanggang ngayon ay paulit-ulit sa akin ang mga salitang naalala ko. Was it Baste? Bakit pakiramdam ko ay iba? Bakit hindi ko maramdaman na siya iyon. Nagdesisyon ako na lumabas. Malakas pa rin ang ulan at wala itong tigil simula kanina. Maghahating gabi na rin, and I doubt that Baste is going to make it tonight. Baka bukas na iyon umuwi. Papunta na sana ako sa kusina nang may marinig akong ingay mula sa labas. Inisip ko na baka dahil lamang iyon sa ulan pero nang marinig ko ulit ang kalansing ng metal, alam ko na hindi iyon dahil sa ulan. Naglakad ako papalapit doon at binuksan ang pinto. Naghahanda pa ako na baka masamang loob iyon na tinatangkang looban ang bahay. Pagbukas ko ang pinto, I stopped on my track. “Baste?!” Gulat na gulat akong makita siya dahil hindi na ako umasa na uuwi siya ngayon. Bumagsak ang balikat ko at nawala ang pagiging alerto ko nang makita ko siya. “Sorry, did I wake you up?” Basang-basa siya ng ulan. Hindi agad ako nakapag-respond sa kanya dahil nabigla akong makita siya. “Bakit ka naandito? Basang-basa ka ng ulan.” Wala ako sa wisyong pumasok sa loob at kumuha ng malinis na tuwalya. Bumalik ako para ibigay iyon sa kanya. “Thanks.” “Bakit ka nga umuwi? Gabing-gabi na.” Ipinasok niya ang mga dala niyang gamit bago magpunas ng sarili niya. “I told you I will try to come home tonight.” Nagsalubong ang aking kilay. “Pero sinabi ko rin sa ‘yo na hindi mo kailangan na umuwi kung gagabihin ka. Lalo na sa panahon ngayon. Tingnan mo at basang-basa ka!” Para akong nanay niya na pinapagalitan siya dahil nagpaulan ito. “Ano ba naman kasing dahilan ng pagmamadali mong umuwi?” Kinuha ko sa kanya ang tuwalya at ako na ang nagpunas sa kanya. “Pwede namang bukas na—” Natigilan ako sa pagsasalita ko nang hawakan ako ni Baste sa kamay. Awtomatiko akong tumingin sa kanya. “Because I was missing you, and I can’t spend the whole f*****g night not seeing my wife. Isn’t that enough reason to come home?” Parang nagblangko ang aking isipan sa mga sinabi niya. Mabilis na humampas sa ribcage ko ang aking puso, kasabay nang malakas na paghampas ng hangin na nagpasayaw sa mga puno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD