Alciana NAKATITIG lamang ako kay Esteban. Hinihintay ko kung anong magiging reaksyon niya ngayong kaharap niya na ang kanyang ama. May kaba sa aking dibdib. I want to free him from the shackles of his family at alam ko na magagawa niya lamang makalaya kung makikilala niya ang ama at maaayos kung ano mang relasyon nila. Hindi namin alam ang buong kwento at alam ko na gusto ni Esteban na malaman iyon. Gusto niyang alamin kung bakit hindi nagawa ng kanyang ama na kilalanin siya. Hindi nga namin sigurado kung may alam ba si Marcello na nagkaanak siya kay Vanessa. Hindi kumpleto ang detalyeng ibinigay sa akin ni Vanessa noon at hindi ko na siya magagawang matanong pa dahil ayaw niya na akong kausapin. “Why are we here?” tanong ni Esteban. Napatingin ako sa kanya. Ito ang reaksyon na hindi

