Esteban IMINULAT ko ang aking mga mata. Hindi ko akalain na nagawa ko pang alalahanin ang lahat ng nangyari sa amin ni Alciana sa sitwasyon na mayroon kami ngayon. Bumaba ako ng sasakyan at sinundan ko si Azriel. Mas lalo lamang nanalaytay ang galit ko nang maalala ko pa ang ibang kasalanan ng kapatid ko sa akin. Hindi lamang ngayon niya sinira o tinangkang sirain ang buhay ko. Simula noon, ginagawa niya na, hindi nga lamang siya nagtatagumpay. “We’re here,” sabi ni Azriel. Bumukas ang pinto at isang madilim na passageway ang nakita ko. Wala akong sinabi at nagpatuloy lamang sa paglalakad ko. Tumigil ulit kami sa harap ng isang pinto. Dim lamang ang mga ilaw ngayon dito. Sumenyas si Azriel at binuksan ng tauhan niya ang pinto. Pumasok kami roon. “Ugh!” Narinig kaagad namin ang pagd

