“Are you nervous, daddy?” Mapang-asar na tanong sa akin ni Charles. Sumunod pa talaga ito dito sa ground floor ng hospital sa smoking area, para lang mang-inis.
“No. It's better to say that I'm excited about the result. Dahil kung may nangyari man sa amin, I’m sure, sa butt hole ko pinasok. But I'm very sure that nothing happened between me and Jessica that night.”
Hindi na sumagot pa ang aking kaibigan. Tahimik lang ito na humingi ng sigarilyo sa akin at nag sindi. Pareho kaming hit-hit buga ng usok. Na para bang mas kinakabahan pa ito, kumpara sa akin.
“Kailan ba makukuha ang result?” tanong nito. Habang ang tono at mukha ay biglang naging seryoso.
“Within 24 hours.” Hindi lumilingon na sagot ko.
“Sana talaga maging maayos ang lahat. Sana din maging maayos ang relasyon ninyo ni Dahlia at wag siya madamay sa kabaliwan ni Jessica sayo.” Nilingon ko ang aking kaibigang seryoso ang mukha at sa pakiramdam ko ay may laman ang sinabi kanina.
“Dito lang tayo sa hospital mananatili sa loob within 24 hours. Kaya mag order ka na ng pagkain natin. Hindi ako papayag na matakasan ni Jessica. Sisiguraduhin ko na tatapusin ko ang kalokohan niya sa oras na ito.” Sabay laglag ko sa upos ng sigarilyo sa sahig at pinatay ko ito gamit ang aking swelas ng sapatos.
Pagbalik namin sa loob ng hospital, tulog na si Jessica at katatapos lang kuhaan ng sample.
“Are you sure we're really going to sleep here? It's not even in your penthouse, just in the next building over.” Parang hindi makapaniwala si Charles.
“Sa akin ayos lang. Gusto mo ba IE ko oras-oras si Jessica? She looks too young to be a woman in her 40s,” mukhang baliw na nakangisi pa si Leo.
Nakamasid lang ako habang nagkukulitan si Leo at Charles. Mukhang tipo ni Leo si Jessica, hindi lang ako sigurado kung paanong pagkagusto ba. Napapikit ako at napabuntong-hininga. Nakakaramdam na ako ng gutom at mukhang matagal pa ang food delivery. But when I thought of Dahlia, parang nawawala ang gutom ko.
“Love sick,” sabay na sabi ng dalawa kong kaibigan. Na para bang nandidiri pa. Ni hindi ko namalayan na dumating na pala ang pagkain na order namin at nakahain na sa lamesa.
“Sa laba lang ako,” nauna magpaalam si Leo. Na sinundan naman ni Charles.
Kaya wala akong pagpipilian kundi manatili dito sa loob. Sa labas ay nandoon ang mga bodyguards ko, kaya walang problema. May ilan din akong bagong tauhan na kinuha, dahil hindi ko alam ang takbo ng utak ni Jessica.
“Water please,” napalingon ako kay Jessica na gising na pala.
“We'll know the results in just a few hours. Are you excited?” Tanong ko kay Jessica matapos ko ibigay ang bottled water.
Hindi ito umimik at nanatiling tahimik lang. Kaya napangisi ako. Alam ko na hindi din nito akalain na may ganito akong plano. Akala niya, dahil may edad na ako, sabik ako magkaroon ng anak. Well, totoo naman. Pero hindi sita ang ina.
Bumalik ako sa upuan sa tabi nito at pumikit. Puyat pa ako from last night. Kaya wala akong plano mag-aksaya ng oras sa drama nitong si Jessica. “May pagkain sa side table, kumain ka.kung gusto mo. Dito lang tayo hanggang sa dumating ang result bukas ng umaga. Don't even try to escape. Because there are guards outside.”
“Tol,” napabalikwas ako ng gising. Sa pagkakatanda ko ay nakaupo lang ako kanina at nakapikit. Ngayon ay nakahiga na ako at may kumot pa.
“Leo, anong balita?” Tanong ko sa aking kaibigang doktor.
“Toothbrush ka muna, tol. Baho ng hininga mo,” pag-iinarte na sabi ni Leo.
Mabilis ako tumayo at tumungo sa banyo. Naghilamos na rin ako diretso. Paglingon ko sa gilid, nakahiga sa kabilang coach si Charles at mahimbing na natutulog.
“Did you look the result already?” Tanong ko kay Leo na umiiling.
Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ang selyado pa na kulay puti na sobre. Kinakabahan na inalis ko ito sa pagkakatupi. Diretso sa baba ang tingin ko at talo ko pa ang nakakuha ng billion deals sa resulta. Napalingon ako kay Jessica na nakaupo sa ibabaw ng hospital bed at hawak ni Leo ang kamay nito.
“B–Baka mali ang laboratory. H–Hindi pwede ‘to!” parang baliw na sigaw ni Jessica. Kaya nilapitan mo ito. Parang bigla na lang dumilim anh paningin ko, agad ko itong sinakal gamit ang dalawa kong kamay. Hindi ko ito tinigilan hanggang hindi ako inawat ni Leo at Charles.
Umuubo si Jessica habang hawak ang leeg at namumula ang mga mata.
“Muntik ka ng makapatay, tol!” Sigaw ni Charles.
“Good then. So there will be fewer demons here on Earth.”Hinihingal na sabi ko. Hindi pa ako nakontento, hiniklas ko si Jessica mula sa pagkakahawak ni Charles.
“Pwede bang albor ko na lang ito, tol? Total, buntis ito. Ang hirap naman idamay ang sanggol na walang muwang sa mundo.” Sabi ni Leo sa akin na para bang nagpabalik sa akin sa katinuwan.
“This should be our last meeting, Jessica. Be thankful that Leo asked me for you. Because if not…” Hindi ko na itininuloy pa ang sasabihin ko basta ko na lang hinila si Charles at tinapik ang balikat ni Leo.
“Bar tayo?” Masaya na sabi ni Charles.
“I'm going home. It's too early for the drinking session you're thinking of, Charles. I want to see my wife, Dahlia. Sasabihin ko ang result ng DNA.”
Convoy lang kami ni Charles pauwi. Ang mga bantay mo, may sarili naman silang sasakyan, kaya mabilis kami nakauwi sa mansion. Agad kong hinanap si Dahlia. Pero nasa garden pala ito at kausap ang kaibigan na si Raquel at masaya sila kasama ang isa pang lalaki na hindi ko kilala.