CHAPTER: 5

1063 Words
Napalingon sa aking gawi si Uncle Hero. Tumitig muna ito, binuka ang bibig at muling sinara. Sa kanyang itsura, para bang may gustong sabihin sa akin, pero hindi matuloy. Tahimik lang ako na nanatiling nakatayo sa aking pwesto sa tabi habang umiinom ng gatas. “Excuse me, sasagutin ko lang ang tawag.” Sabay hakbang ni Uncle sa hindi kalayuan. “Hi, you must be Hero’s niece?” tanong ng babae sa akin na ngayon ko lang napansin, gatas din pala ang iniinom habang hinahaplos ang impis pa na tiyan. “Hindi,” tipid na sagot ko. Sabay talikod ko at inilapag na lang basta ang baso kung saan. Diretso ako sa aking silid dito lang sa baba ng bahay at hindi ko na kanina nilingon pa si Uncle Hero o ang babae. Habang naliligo ako sa banyo, nakatukod ang aking noo sa malamig na tiles. Hinahayaan ko dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan, para mahimasmasan ako sa aking katangahan. Parang gusto ko umpog ang ulo ko dahil sa aking karupukan. Matapos ang ilang minuto ng pagmumuni-muni ko sa loob ng banyo, nagpasya ako na tapusin na ang aking paliligo. Para akong palaka na dumipa at tumalon sa aking kama padapa. Wala talagang pagsisisi sa unahan. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako magpapanggap na walang nangyari sa amin ni Uncle Hero. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagtingin ko sa orasan sa dingding ng aking silid, gabi na pala. Kaya bumaba ako sa aking kama at nagpasya na lumabas ng aking silid para kumain ng gabihan. Ang hindi ko inaasahan, gabi na pero nandito pa rin ang babae. Hindi ako umimik. Naupo lang ako sa lamesa at hinainan ako agad ni Manang ng pagkain, habang umiikot ang mga mata nito at iniismiran ang babae na kumakain. “Pamangkin pala kita. Hindi ko akalain na malaki ka na. Noong huling nakita kita, bata ka pa. If they haven't told you about me yet, I'm Jessica. My mother and your mother are cousins. Para lang alam mo. At isa pa, ako pala ang fiancee ni Hero.” Hindi ako makagalaw. Halos manginig ang buong katawan ko sa aking narinig. Akala ko tapos na ang sasabihin ng tiyahin ko daw. Pero susubo pa lang ako ng pagkain ng magsalita itong muli. “And buntis pala ako. Imagine, sa tagal namin nag aano, you know. Wala ka pa sa mundo, nagmamahalan na kami ni Hero, kung kailan wala na ako sa kalendaryo at nawalan na ng pag-asa, saka naman ako nabuntis. Such a very very big blessings right?” Nakangiti ito na hinahaplos pa ang kanyang tiyan. Para itong si mommy, ang ganda at wala sa mukha na kwarenta na mahigit. Sabi nga ni mommy, lahi daw nila ang matipid sa panganganak. Dahil kami, dalawa lang din magkapatid at ang layo ng pagitan namin ng edad. “G–Ganun po ba? Congratulations kung ganun,” pilit na ngiting sagot ko. Dahil sa nawalan ako ng gana, nagmadali lang ako kumain at pagkatapos ay naupo lang ako sa hardin para mag muni-muni. Mapait ako na napangiti sa kawalan. Tinitigan ko ang paligid, maging ang mansion. Dahil ngayon ang huling gabi na mananatili ako dito. Siguro ay gagalingan ko na lang ang pagdarasal, na sana sa kabila ng buong puso na pag-aalay ko ng katawan ko sa matandang ‘yon, may mabuo na buhay sa sinapupunan ko kahit isa lang. Kahit anong kasarian pa ay hindi na mahalaga pa. KINABUKASAN… “Ouch!” napahaplos ako sa aking ulo. Alas otso na pala ng umaga at kagigising ko pa lang. Habang nag-iisip ako, umiinom ako. Kaya heto ang kinalabasan, hangover lang. Kinapa ko ang aking cellphone sa ibabaw ng aking kama at napakunot ako ng noo, dahil bulto ng katawan ang nahawakan ko. “Good morning,” nakangiti na pagbati sa akin ni Jessica. Napabaliktawas ako ng upo sa ibabaw nito at tinitigan ito ng masama, habang ang aking isang braso, nakatukod sa leeg nito. “Sabi ko sayo, wag ka sa akin lalapit. Sa susunod na buwan, darating na ang kaibigan kong doktor. Kukunan ng DNA test ang bata sa loob ng tiyan mo. He is the only person I trust to handle this. So please, don't push my patience to the limit. Because you know what I'm capable of.” Sabay tayo ko sa kama at hiniklas ko ang braso nito at tinulak palabas ng aking silid. “Hero please, mag-usap tayo ng maayos para sa anak natin!” sigaw ni Jessica bago tuluyan na lumapat ang pinto. Diretso ako sa banyo para maligo ng mabilisan. Pero habang nagbibihis, naalala ko ang araw na nasa Singapore ako. Si Jessica ang katabi ko ng magising ako sa aking hotel, pero wala akong matandaan na may nangyari sa amin. Bukod doon, pakiramdam ko ay nanghihina ako ng sobra, to the point na halos manginig ang tuhod ko nang tumayo ako para magbawas ng tubig sa katawan. “Malalaman ko rin ang lahat ng kalokohan mo, Jessica,” bulong ko sa aking sarili habang pababa na ako ng hagdan. “Manang, please tawagin mo na si Dahlia, anong oras na hindi pa rin bumabangon.” pero nanatiling nakayuko ang matandang kasambahay. “S–Sir, kanina pa pong madaling-araw umalis si Ma’am Dahlia at nagpahatid sa driver sa airport,” naluluha na sabi ng kasambahay. Hindi ako makagalaw agad. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa unang beses sa buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Natakot na tuluyang mawala sa akin si Dahlia. Kaya naman agad akong tumayo, tinawagan ko si Charles para tulungan ako alamin kung nasaan ang dalaga at masiguro ang kaligtasan nito. Paglingon ko sa hapag-kainan, nakaupo na si Jessica at malaki ang ngiti sa labi. Alam ko na may ginawa itong kalokohan, pero mamaya ko na ire-review ang CCTV cameras. Naupo ako sa halos katapat nitong silya at nahigpit ko na hinawakan ang braso nito. “Just make sure you had nothing to do with Dahlia, because if you did, alam muna ang mangyayari sayo,” seryosong pagbabanta ko kay Jessica. Alam ko gaano kabaliw ang babae na ‘to. At para masiguro kong ligtas si Dahlia, kailangan manatili sa tabi ko ang babaeng ‘to pansamantala habang pinaiimbistigahan ko. Sa ngayon, hahayaan ko muna si Dahlia, para isipin kung ano ang gagawin ko sa baliw na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD