Sophie's Point of View Hays, kanina pa tawag nang tawag si Tristan pero hindi ko talaga sinasagot kasi talagang galit na galit ako sa kaniya ng sobra. Super duper nakakainis ng sobra, after I caught him with someone else tapos ngayon, mangungulit siya para suyuin ako! Shuta, manigas siya! Nakakabwiset at nakakairita. Nandito pa rin ako sa school, I'm still waiting sa 'king sundo. Bakit kaya ang tagal niya? Baka traffic lang. Hays, ngayon lang ito nangyaring wala pa si Manong. Ano kaya ang nagyati sa kaniya? Baka maubos na ako ng lamok dito. My phone rang, kaya kinuha ko para sagutin ang tawag. "Hello, who's this?" I asked. "Madam Sophie, hindi po makakasundo si Edgardo dahil may sakit po siya, ang taas-taas po ng lagnat," anunsyo ni Yaya Linda. Naku, lagot! "Ah, gano'n po ba? Si

