Hya's Point of View Malapit na akong mamaalam. Ramdam na ramdam ko nang hindi na ako magtatagal pa ng ilang araw. Lumalala na ang mga pantal-pantal sa katawan ko, mas lalo akong nanginginig ngayon at dumugdugo na rin lagi ang aking ilong na dati ay paminsan-minsan lang. Paano ko ba malalabanan ito, kung ang mismong katawan ko na ang sumusuko? Nakakaramdam na ako ng sobrang antok pero ayoko talagang pumikit at matulog dahil sa tingin ko ay hindi na talaga ako magigising kapag ginawa ko iyon. Hirap na hirap na akong huminga, hindi ko na kaya. Sa pagkakataong ito, gusto ko nang magpaalam sa lahat ng taong mahal ko. Nasa may couch si Ced, sabi ko sa kaniya na matulog muna siya. Hindi kasi siya nakatulog kagabi dahil sa kababantay sa 'kin. Umuwi rin muna si Nurse Lexie dahil pinapatawag siya

