TWO MONTHS LATER... Labis na pighati at pagsisisi ang nasa puso ni Cedric. Hindi niya matanggap ang lahat ng nangyari sa kaniyang mahal na kasintahang si Hya. Napabayaan niya na ang kaniyang pag-aaral. Pumapasok nga siya sa eskwela pero hindi naman nakikinig sa Professor, kung minsan ay natutulog pa ito sa oras ng klase. Kinausap siya ng kaniyang Daddy at Mommy. Nag-aalala na sila sa nangyayari sa kanilang anak. "Ced, Hijo, kailan ka ba titigil sa pag-iinom ng alak? Kailan mo ba ibabalik ang dating ikaw? Anak, pakiusap, ayusin mo ang sarili mo." Lumapit ito kay Ced at tinapik ang balikat nito. Halos araw-araw maiyak ang Mommy ni Ced. Hindi siya mapalagay dahil lagi itong lumalabas ng bahay tuwing gabi, lasing na lasing. "Son," bumuntong-hininga ang kaniyang daddy. "I understand ho

