Cedric's Point of View Naalala ko pa nang magkasakit ako. Nag-absent pa siya para lang alagaan ako. Napakabuti niya talagang talagang girlfriend. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. FLASHBACK. . . "Love? Anong nangyari sa 'yo? Ang taas ng lagnat mo!" pag-aalala niyang pakli sa 'kin. "Teka lang ha? Kukuha lang ako ng tubig na may suka, mabilis 'yon makapagpababa ng lagnat sabi ni Nanay." Bigla siyang tumungo sa kusina upang kunin ng sinasabi niyang sukat na may tubig. Nang makuha niya na ay umupo siya sa may tagiliran ko. "Love naman, nag-absent ka pa. Kaya ko pa naman, eh! Malayo pa ito sa bituka, lagnat lang naman ito." "Nag-absent ako kasi nag-alala ako kung bakit hindi mo sinasagot mga tawag at chat ko sa 'yo," kuwento niya habang pinupunasan ako. "Dapat hindi ka na lang nag-abse

