Candie's Point of View Nandito ako sa dating tagpuan namin ng kaibigan ko at mananatiling maghihintay sa kaniyang parang pagong. Bagong umaga para sa paghihintay kay Sophie, the pagong! Katulad ng dati, nakaupo ako sa bench habang hinihintay ko si Sophie, the pagong! Ewan ko ba, kung saan pinaglihi ang kaibigan kong iyon, parang mas mabagal pa nga sa pagong, eh. Pupuntahan namin si Besh Hya sa hospital ngayong umaga. Hikab pa ako nang hikab dahil mga limang oras lang ang tulog ko. Medyo napahaba-haba rin ang kuwentuhan namin ni Sophie kagabi. Bakit kaya ang aga ng mga estudyante ngayon? Ano bang meron? Sobrang daming pumasok ng maaga ngayon. "May malaking announcement daw si Mr. Chairman, ngayong umaga," sambit ng isang estudyanteng dumaan sa harap ko. Ano kayang sinasabi nilang an

