Kinaumagahan ay wala akong gana na tumayo. Nakatulog ako sa sofa kakahintay kay Basty, pero hindi na talaga siya umuwi. Pumunta ako ng banyo para maligo at pumasok sa school. Baka do'n ay makita ko si Basty.
After kong magbihis ay diretso akong pumasok ng school. Hindi na ko nag-agahan pa. Naabutan ko sila Mads at Martinez sa cafeteria.
"Snow, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mads sa 'kin.
Malungkot ako ng umiling. "Hindi ako okay," malungkot na sagot ko. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan si Basty."
Lumapit sa 'kin si Mads. "Ano ba talagang nangyari? Bakit siya nagalit?" Tanong niya ulit.
Sinabi ko sa kabilang dalawa ang totoo. Simula ng tumawag sa 'kin si Aaron hanggang sa nakita ni Basty na hinalikan ako ni Aaron.
"Hindi mo naman ginusto ang nangyari, eh. Kailangan mo lang i-explain ng maayos kay Basty ang lahat, for sure maiintindihan ka naman niya." Payo ni Martinez.
"Oo nga! Nag-selos lang 'yon, pero hindi galit 'yon sayo. Mamaya pagpunta natin sa birthday ni Tita Grace, do'n mo siya kausapin ng maayos." Dugtong ni Mads.
Buong araw ay walang akong gana. Pumunta ako ng room nila Basty kaso hindi daw siya pumasok ngayong araw. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Naka-off parin ang cellphone niya.
Nag-daan ang mga klase namin na walang pumapasok sa utak ko. Nasa isip ko ang mga tingin ni Basty sa akin kahapon. Galit siya sa 'kin, alam ko 'yon pero sana hinayaan niya akong magpaliwanag sa kanya.
Hindi ko siya masisi sa naging reaksyon niya, dahil kahit ako ganun din ang gagawin at mararamdaman pag-nakita ko siyang may kahalikan na ibang babae. Dapat pala hindi ko nalang pinuntahan si Aaron kung ganito ang mangyayari.
"Snow, kain na tayo?" Alok ni Mads sa 'kin.
"Wala akong gana," Mahinang sambit ko.
"Hindi pwede 'yan," Sabi niya. "Mamaya mo na intindihin si Basty dahil magkikita naman kayo mamaya sa birthday ng mama kaya kumain na tayo."
Wala akong kundi ang sundin ang sinabi ni Mads. May tama siya, mamaya ay magkikita kami ni Basty para magpaliwanag at masabi sa kanya ang totoo.
Bumaba kami at pumunta ng cafeteria para kumain. Pinilit ko na kumain kahit na wala talaga akong gana. After kumain ay balik kami ng room para sa dalawang subject namin. Natapos ang lahat ng subject namin buong araw ay walang pumasok sa utak ko.
"Snow, sunduin ka namin sa bahay mo ng 5PM ah?" Sabi ni Martinez habang palabas kami ng campus.
"Hmm," Tumango ako.
Nag-iba na ang direksyon naming tatlo. Hahatid pa ni Martinez si Mads sa bahay nila at ako ay diretso lang dahil sa malapit ang school sa bahay.
Dumating ako ng bahay na wala paring tao. Huminga ako ng malalim bago umupo sa sofa. Nang mag-alas quatro ng hapon ay naligo na ko.
Nag-suot ako ng floral print off-shoulder swing dress above knee at kulay light brown senso reagan sandals. Nag-curl ako ng buhok, pero sa baba lang tapos kaunting makeup. Nang matapos ay kinuha ko ang sling bag ko kasama ng regalo ko sa mama ni Basty na binili namin ni Basgy noong isang araw at lumabas na.
Nag-text si Mads na malapit na sila kaya lumabas na ko ng bahay. Nakita ko ang Hyundai Tucson na sasakyan ni Martinez hindi kalayuan sa bahay. Huminto ito at binuksan ko ang backseat ng kotse.
"Ang ganda-ganda mo, Snow." Bungad sa 'kin ni Mads.
Nakasuot siya ng kulay dark blue na V-neck lace knee-length at nakatali ang buhok niya. Slim fit suit na black naman ang suot ni Martinez.
"Maganda ka rin sa suot mo." Sabi ko sa kanya.
Medo malayo nga ang bahay nila Basty. Halos isang oras rin ang biyahe ng dumating kami sa bahay nila. Pumasok kami sa gate at pansin mong may handaan talaga kasi maraming kotse ang nasa parking lot.
Malaki ang bahay nila Basty. Hindi nga ito bahay, mansyon ito. Mediterranean style ang design ng bahay nila. Pumasok kami sa loob at sinabihan kami ng maid na sa backyard daw gaganapin ang party.
Marami ng tao ng pumasok kami do'n. Gold ang motif ng backyard nila. May stage sa pinaka-gitna at may nakalagay doon na happy birthday design.
"Madison and Martinez, I'm glad that you come here tonight." May lumapit sa 'ming babae na sa tingin ko ay Mama ni Basty dahil pareho sila ng mata ni Basty.
"Tita Grace!" Niyakap ni Mads yung Mama ni Basty. "Happy birthday po!" Bati nito sa kanya.
"Happy birthday, Tita Grace." Bati rin ni Martinez.
"Happy birthday po." Bati ko rin at bahagyang ngumiti.
Tumingin sa 'kin ang Mama ni Basty at matamis na ngumiti. "You must be Snow, right?"
Nakangiti akong tumango. "Yes po."
"You can call me Tita," Sabi nito. "Halika kayo rito at maupo." Sumunod kami sa kanya at pumunta ng unahan.
"Ah, Tita si Basty po?" Tanong ni Mads ng makaupo kami.
"Nandito lang 'yon kanina," Tumingin ito sa malayo. "Basty, nandito na ang mga kaibigan mo." Tawag nito.
Napatingin ako sa likod at nakita ko si Basty. He's wearing an unstructured blazer suit na dark blue. Pero 'yon ang pinagtuunan kong pansin, kundi ang babaeng kasama niya na naka-women skater dress na kulay red.
Tumingin siya sa 'kin, pero saglit lang. Umupo sila sa harapan namin. Mag-katabila sila ng babas na may magandang ngiti at maputi.
"Dennise, kelan ka pa dumating?" Masayang sambit ni Tita Grace.
"Kanina lang po Tita," Sagot ni Dennise. "Sinundo po ako ni Basty kanina sa airport."
I tried not to roll my eyes. Kaya pala Hindi pumasok kanina dahil sinundo niya si Dennise. Ito pala ang Dennise na tinutukoy nila Mads at ng mga classmates ni Basty. Maganda siya, maputi ang balat at may magandang kinis.
"You're gonna stay here for good?" Tanong ulit ni Tita.
"I'm not sure pa po, Tita pero since bakasyon namin sa school. Dito po muna ako for Christmas break." Ani Dennise. Hindi mawala ang ngiti nito sa labi.
Tumingin ako kay Basty na nakatingin rin sa 'kin. Blanko ang expression ng mukha. Hindi mabasa nasa mga mata niya.
"Mads, kumusta kayo ni Martinez?" Tanong ni Dennise.
"Ito maayos naman," Alam ko na pilit ang ngiti ni Mads.
Napunta ang mga mata ni Dennise sa 'kin. "Who are you?" Tanong nito.
"I'm Crystal Snow. You can call me Snow." Sagot ko.
Tumango siya at ngumiti. "Nice to meet you, Snow."
"Yeah, you too." Ngumiti rin ako.
May umupo sa tabi ni Tita Grace na mukha Papa ni Basty dahil kamukha niya ito.
"Si Snow ang palaging kinu-kwento sa'min ni Basty." Masayang sambit ni Tita Grace.
Medyo nagulat pa ako dahil sa sinabi Tita Grace. Hindi sa 'kin nabanggit ni Basty na kinu-kwento niya ko sa mga magulang niya.
"Really? She must be a very special person to Basty." Ani Dennise.
"Yes, of course I'm his—" Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Basty.
"She's my friend. Galing siya ng Maynila."
Nayukom ko ng mahigpit ang kamao ko. Humigit ang pagkakahawak ko sa sling bag na suot ko. I bit my lower lip because of frustration.
Nag-simula ang party at nag-bigay ng regalo. Binigay ko ang gift kay Tita Grace.
"Thank you, Snow." Masayang sambit niya sa 'kin.
Hindi ako pinansin ni Basty ng magsimula ang party kaya gano'n din ang ginawa ko. Tumango ako sa upuan ko at pumunta ng toilet.
Naiinis ako sa kanya. Alam kong galit siya sa'kin dahil sa nangyari kahapon, pero sana maging insensitive naman siya na nasaktan ako sa sinabi niyang magkaibigan lang kami! Lumabas ako ng toilet at kumuha ng maiinom sa waiter na nag-alok sa'kin ng alak.
Hindi ako bumalik ng backyard dahil naiinis lang ako. Kung makadikit pa si Dennise kay Basty ay dinaig pa ng linta.
"Mga letse sila!" Mariing sambit ko at inom ang alak.
Umupo ako sa counter ng bartender at kinuha ulit ng alak do'n. Wala na akong pakialam kung anong alak ang nakuha ko dahil sa inis.
"Snow, you're here too?" Napatingin ako sa nagsalita.
Naka-dalawang inom palang ako ng alak pero nahihilo na ko agad.
"Sino ka?" Tanong ko. Nakita ko na siya noong field trip kaso hindi ko maalala ang pangalan niya.
"Ronan," Sabi niya at ngumiti. "Anong ginagawa mo dito? Nandoon sila Madison ah?"
Tumango ako. "Ayoko do'n." Sagot ko at kinuha ulit ng alak bago tinungga iyon.
"Same," Sabi niya at umupo sa tabi ko. "Hindi ko feel ang ganitong okasyon."
Kukuha dapat ulit ako ng alak ng hawakan niya ang kamay ko. "Tama na 'yan! Baka malasing ka."
Ngumuso ako. Wala dahil lasing na ko talaga!
"Halika at ihahatid na kita kanila Madison."
Inalalayan niya akong tumayo at pumunta ulit sa pwesto namin kanina. Wala ng tao roon dahil nag-sasayaw ang mga tao kasama sila Mads at Martinez. Tumama ang mata ko kanila Basty at Dennise na nag-sasayaw rin.
Napairap ako at tumingin kay Ronan. "Sayaw rin tayo," Sabi ko.
"You sure?"
Tumango ako bago siya hinala sa dance floor. I put my hands around his neck. Naramdaman kong nilagay niya ang kamay sa waist ko.
We're friends pala, ah? Let's see!
"Ang ganda mo talaga, Snow." Sabi ni Ronan.
Ngumiti ako. "Really? Thank you."
Sa sobrang kalasingan ay napasandal ako sa dibdib niya. Marahan lang tugtog ng party. Pipikit na sana ang mga mata ko dahil sa kalasingan ng may humila sa'kin papayo kay Ronan. Mapungay ang mata kong tumingin kay Basty na seryoso ang mukha.
"Oh, bakit ka nandito?" Marahan ko siyang tinulak.
"Lasing kana," Bulong niya.
Umiling ako. "Nope! I'm not drunk, I'm just tipsy."
"Crystal," Seryoso siyang tumingin sa mga maga ko.
"Hindi mo ba nakikita na nag-sasayaw kami ni Ronan? Kasayaw mo rin naman si Dennise, kaya go! Do whatever you want, I don't care!" Mariing sambit ko at humarap ulit kay Ronan na confused na nakatingin sa 'min ni Basty.
"Tara na, Crystal. Mag-pahinga ka na." Aniya at hinawakan ulit ang kamay ko.
"Anong bang problema mo, eh nakikipagsayaw lang naman ako. Remember, we're just friends so you don't have a right to tell me who I want to dance with." Marahas kong tinanggal ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko.
"Damn it," Mariing bulong niya bago ako binuhat. Binuhat niya ako na parang isang sakong bigas.
"Let go of me!" Sigaw ko at hinampas ang likod niya kaso walang effect iyon.
"'Ma, 'Pa, sorry po pero mauuna na kaming umalis." Sabi niya at diretsong nag-lakad na labas ng backyard.