It's been a hectic day. Ang daming ginawa sa office as usual. Kailangan by tomorrow ay tapos ko na 'to, dahil kasal na nila Mads at Martinez next week. Sa Isla Esme gaganapin ang kasal. Magli-leave ako ng one week dahil para makatulong na rin sa kasal at makasama si Basty. Sa Wednesday ang uwi ni Basty, kaya excited na akong makita siya ulit. 5 months na rin ng huli kaming makita and 3 days from now ay magkikita na kami ulit. I glanced at my wrist watch. It's already 12 o'clock in the afternoon. Tinapos ko lang ang isang paper na kailangan pirmahan at bumaba na ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Nang matapos ako ay tumayo na ako bago kinuha ang tumbler ko. I was about to leave when my office's door opened. Bumungad sa akin si Nathan na may dalang take out foods. I crossed my arms.

