Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako. Minulat ko ang aking mata at mabilis na napabangon ng napansin na wala ako sa bahay.
Nasa ibang kwarto ako!
Tinaas ko ang kumot at tiningnan ang sarili ng maalala ang mga nangyari kagabi. I went to Tita Grace's birthday last night and then I got drunk because of Basty and Dennise. Nasapo ang mukha ko sa kahihiyan ng maalala na binuhat ako ni Basty papunta rito sa kwarto niya.
"My god, Snow! You're so stupid for doing that last night!" wala sa sarili ng ginulo ko ang buhok ko sa sobrang kahihiyan.
Paano ko haharapin si Basty ngayon? Nakakahiya!
Hawak ang ulo na bumangon ako sa kama at hinanap ang bra ko na tinanggal ko kagabi. Kaso wala 'yon sa kwarto.
San ko ba nilagay 'yon?
Titingnan ko sana ang ilalim ng kama nang naramdaman kong may papasok sa kwarto. Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga sa kama at nagtulog-tulugan.
I bit my lower lip when someone sat on the bed.
"Crystal, gising na," marahang sambit ni Basty at hinawakan ang braso ko para alugin ng kaunti.
Umakto ako na parang kakagising lang at humarap sa kanya, pero natatakpan ng kumot ang katawan ko hanggang sa dibdib dahil wala akong suot na bra.
"Oh, bakit parang bata sa itsura mo?" natatawa siyang tumingin sa"kin.
I pouted. "Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi," bulong ko.
"Wag mo nang alalahanin 'yon," sabi niya. "tara na sa baba para makakain kana at para mawala na rin yang sakit ng ulo mo."
Mabilis akong umiling sa sinabi niya.
"Ayoko! W-wala akong suot na bra," nahihiyang sabi ko.
"Muntik na mo na nga akong gahasain kagabi tapos ngayon nahihiya ka?" pang-aasar niya at malakas na tumawa.
Pinalo ko siya sa dibdib niya. "Tse!" namumula ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Halika na sa baba para kumain. Sige ka, sasakit iyang ulo mo lalo kung hindi pa uminom ng gamot," aniya. "nasa baba na rin sila Mads at Martinez, kaya wag ka ng mahiya. At yung damit mo pala dalhin ko na dito para maligo kana."
Umalis siya sa kwarto at maya-maya ay bumalik ulit dala ang damit na suot ko kagabi.
"Oh, malinis na 'yan at nandiyan na lahat ng kailangan mo sa paper bag. Maligo kana. Babalikan kita mamaya dito."
Binigay niya sa'kin yung damit bago umalis ulit ng kwarto. Tumayo ako at kinuha ang damit tsaka pumasok ng banyo para maligo.
Matapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo. Kinuha ko ang blower ni Basty at inayos ang sarili. Tapos na ko ng pumasok ulit si Basty sa kwarto.
Lumapit siya sa'kin. "Halika na," sabi niya.
"Nahihiya ako sa magulang mo."
Kinurot niya ng mahina ang ilong ko. "Wag kang mahiya. Excited silang makita ka ngayon dahil hindi ka nila masyadong nakausap kagabi dahil sa dami ng bisita."
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto. Bumaba kami sa unang palapag ng bahay at pumunta ng dining area. Nakita ko doon sila Mads at Martinez na kumakain kasama ang Papa at Mama ni Basty.
"There you are, Snow. Good morning!" Masayang bati sa'kin ni Tita Grace pag-pasok namin ng dining area.
"Good morning din po," bati ko at umupo sa tabi ni Basty.
"Hindi kita masyadong nakita kagabi, nabalitaan ko na lang na umalis na raw kayo ni Basty." nakangiting saad ng Papa ni Basty.
"May pabuhat-buhat effect ang pag-alis nila kagabi." tukso ni Mads.
Naalala ko na naman tuloy ang kalokohan na ginawa ko.
"Sorry po," pag-hingi ko ng paumanhin.
"Don't worry about it, Snow," nakangiting sambit ni Tita Grace. "ang cute niyo nga kagabi, eh."
"Kumain kana," alok ni Tito Wilson.
Tumango ako bago kinuha ang spoon at nagsimula ng kumain. After naming kumain ay nauna ng umalis sila Mads at Martinez dahil gagawin pa. Kami ni Basty ay na iwan dahil pag-uusapan daw sila ng Papa tungkol sa farm nila.
Nasa sala sila Basty habang ako nandito sa garden nila. Nakatingin lang ako sa ganda ng garden nila Basty nang tumabi sa'kin si Tita Grace.
"I'm glad that I'm finally meeting you, Snow," nakangiting sambit niya.
"Me too po," sagot ko.
"I like you for my son." she said, "You are kind and smart, Snow. At alam kong mahal na mahal ka ng anak ko, dahil lagi ka niyang kinukwento sa amin."
Hindi ko mapigilan mapangiti.
"Salamat po," nakangiting sambit ko.
"Nabanggit sa'kin ni Basty na nasa Maynila ang parents mo. Bakit ka nagpunta dito?" tanong niya
Tumango ako. "Opo, nandito lang po ako para maging independent. Every since I was a child, gustong-gusto ko na pong tumira mag-isa. Gusto ko lang pong maranasan kung paano tumira, magtrabaho at paano kumita ng sariling pera. Kaya po nung nag-break kami ng ex ko, iyon ang naging sign ko para lumayo. I'm glad that I went here, because I met Basty."
"Mabait si Basty. Pinalaki namin siyang hinding umaasa sa 'min, kaya lumaki siya na simple. Mas gusto niyang mag-suot ng simple damit kesa sa mamahalin. Tutulong siya hangga't kaya niyang tumulong dito sa Isla Esme."
"Alam ko po yun."
"Yeah, but he can be childish too." tumawa siya ng pahagya.
Natawa rin ako, dahil totoo yun. Iyon ang unang pagkakakilala ko kay Basty noong unang punta ko rito sa Isla Esme.
"Pinag-chichismisan niyo na naman ako." napatingin kami kay Basty at Tito Wilson na nasa entrance ng garden.
"Tapos na kayo?" tanong ni Tita Grace.
"Yes," sagot ni Basty at lumapit sa'kin. "aalis na kami ni Crystal." Inakbayan niya ko.
"Next week, Christmas break niyo na right?" tanong ni Tito Wilson.
"Opo," sagot ni Basty.
"Great! You can come here to celebrate Christmas together." Nakangiting sambit ni Tita Grace.
"Tita, Tito, baka po hindi ako makakasama dahil uuwi po ako sa Maynila para doon i-celebrate ang paano kasama sila Daddy at kuya," sagot ko.
"Right, Mama, sasama ako sa kanya sa Maynila. Pero pwede sa new year." Sunod na sabi ni Basty.
"New year, then!" ani Tita Grace.
"Basty, sure ka bang sasama ka sa Maynila. First time mo do'n." Tito Wilson said.
"Papa, naman! Kasama ko naman si Crystal kaya hindi po ako nawawala."
Hinawakan ko ang kamay ni Basty tsaka ngumiti. "Don't worry, Tito and Tita because I can take care of Basty while we're in Maynila," sagot ko.
"Oh, sige basta mag-ingat kayo do'n." Ani Tita Grace.
Nag-paalam na kami bago umalis ni Basty. Motor niya ang sinakyan namin pauwi. Nang makauwi ay naligo ako ulit. Lumabas ako sa banyo na hawak ni Basty ang cellphone ko at may kausap.
"Nasa banyo po si Crystal, sir." Sagot ni Basty.
Mabilis kong kinuha ang cellphone kmula kay Basty.
"D-dad," Nauutal na sambit ko.
"Snow, bakit kasama mo si Sebastian sa bahay? At bakit ka nasa banyo?" Seryosong tanong ni Dad.
"Syempre po, naligo ako Dad."
"Bakit ka naligo?"
"Dad, syempre hapon na at may trabaho pa ko!" Hindi ko alam kung maiinis or natatawa ako sa tanong ni Dad.
"Eh, bakit nga kayo mag-kasama sa bahay?"
I bite my lower lips. Naku! Magagalit si Daddy pag-nalaman niyang nakatira kami ni Basty sa isang bahay.
Nag-angat ako ng tingin kay Basty nang kunin niya ang cellphone ko.
"Sir, we're living together po." Simpleng sagot ni Basty.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Patay tayo niyan! Inagaw ko ang cellphone ko kay Basty.
"D-dad," Mahinang sambit ko.
"I knew it, Snow." Sabi niya sa kabilang linya. "Dumaan din ako sa pagkabata kaya alam ko yang nararamdaman mo, but you need to explain yourself to me. Kayong dalawa gusto kong makausap."
"Yes, Dad. Sa Christmas po nandiyan kami." Sagot ko.
"Good! I'll go ahead na. Mag-ingat kayo diyan, lalo kana. Wag muna ibigay bandera ng Pilipinas."
Natawa si Basty sa likod, kaya siniko ko siya.
"Dad!" Napalakas ang boses ko dahil sa sinabi ni Daddy.
"I was just kidding," Natawa si Dad sa kabilang linya. "But be careful, okay?"
"Okay po." Sagot ko bago pinatay ang tawag.
"Ano sabi? Galit ba?" Tanong ni Basty.
"Hindi 'yon galit. Nang aasar pa nga, eh." Sabi ko at umupo sa sofa.
"Ano sabi?" Sumunod siya sa 'kin. Nang-aasar na naman ang isang 'to!
Namula ang pisngi ko. "H-hindi na mahalaga 'yon." Nag-iwas ako sa tingin.
Hinuli niya ang mga mata ko. "Eh, bakit parang nahihiya ka diyan?" Ngumisi siya. "Huwag kang mag-alala hindi natin gagawin ang bahay 'yon kung ayaw mo at hindi kakapangin, no? Kaso baka ikaw ang mang-gapang sa 'kin."
Sinamaan ko siya tingin. "Ang kapal mo!" Hinampas ko siya sa braso.
"Oh, bakit? Ikaw nga ang unang nang-gapang sa 'kin kagabi, diba?" Tumawa siya.
"Tse!" Sigaw ko bago umalis sa sofa at pumunta ng kwarto ko.
Rinig ko ang malakas na tawa ni Basty mula sa sala. Napa-upo ako sa kama ko at sinabunutan ang sarili.
"Ang tanga-tanga mo kasi, Snow! Bakit mo ginawa yun kagabi?"