Samantala, iyak nang iyak naman si Fermie. Hindi na niya hinintay pa si Gabbie. Nagsimula na itong mag-empake ng mga gamit nila ni baby Gabriel. Huminto siya sa kaniyang ginagawa nang umiyak nang malakas ang kaniyang anak. Tila nararamdaman nito ang nangyayaring hindi maganda sa pamilya ng kaniyang daddy. Kinanlong niya ito at saka inihele. "Anak, masakit man kay Mommy pero kailangan nating lisanin ang bahay ng daddy mo. Nangako akong hindi siya susukuan pero nakakasakit na ako ng damdamin nila dahil ako ang dahilan ng gulong ito sa kanilang pamilya. Huwag kang mag-alala mahal na mahal kita, anak at hindi naman kita ipagkait sa daddy mo.” Pagpasok ni Gabbie ay napamaang ito sa ginagawa ni Fermie. "Ano ba ang gingawa mo Fermie? Bakit nag-eempake ka ng mga gamit ninyo ni Baby Gabriel?" t

