Ilang minuto din sila sa gano’ng sitwasyon habang inaamoy-amoy ni Gabbie ang mabangong buhok ni Fermie. Inalalayan na siya ng binata para makaupo. Nagsimula na silang kumain. "A-anong oras ka ba dumating? Hindi ka man lang nagpasabi kay Kia,” pag-uumpisa ni Fermie. “Uhm..kanina lang. Kia already knew that I will be here tonight,” nakangiting sagot naman ng binata. “A-ano? Kayo ha, lagi na lang ninyo akong nililihiman ni Kia,” pagkukunwaring tampo niya. “Hmmm…this is to surprise you, my Love…” Pagkatamis-tamis ng ngiti ni Gabbie na nilalalambing pa si Fermie. “My Love…kaysarap pakinggan…” Kinikilig si Fermie at ayaw sana niyang ipahalata sa nobyo. So, pati si Badong kasabwat na pala?” Ginanap muli ni Gabbie ang kamay ng dalaga at saka pinisil. “I’m sorry my Love. Kailangan namin ito

