Si Fermie naman ay humingi ng permiso kay Tiya Lupe na umuwi muna para makakuha ng ilang damit at mga gamit niya dahil sa mansion muna siya ng ilang gabi. "Ate Fermie...umuwi po kayo," agad na salubong ni Marie sa kaniya. "Oo Marie, kumusta kayo rito, nakakain na ba kayo ng tanghalian?" sagot naman ni Fermie. " O heto dinalhan ko na kayo ng ulam. Si Benny at Rosy nakakain na rin ba? Teka si Harry narito rin ba?" sunod-sunod na tanong ni Fermie sa pinsan. "Ate, kanina pa umalis si Kuya. Ilang linggo na lagi na siyang umaalis. Alam mo, Ate, parang nagbago na si Kuya Harry, lagi itong galit. Kanina nga tinanong ko siya kung saan siya pupunta, matalim na tingin ang sagot niya sa akin. Tapos ang kaniyang mga mata ay namumula at tila nanginginig ang kaniyang mga kamay. May sakit ba si Kuya Ha

