Off duty na ni Gabbie. Buong araw siyang nagkulong sa kaniyang cabina. Kung gaano siya ka-inspired nang mga nagdaang buwan ay ganito rin ngayon ka-desperate ang kaniyang nararamdaman. Ayaw na niyang buksan pa ang kaniyang page. Mas lalo lamang siyang masasaktan sa kung ano pa ang malalaman nitong panloloko ni Fermie sa kaniya. Aniya, hindi pa sila naitali sa simbahan ay gumawa na ito ng matinding sakit sa buhay niya. Kahit anong galit o poot ang nararamdaman niya sa dalaga ay hindi pa rin niya maitago na malaki ang pagmamahal niya rito. Si Fermie na ang naging mundo niya kaya parang nawasak na rin ang buhay niya sa tuwing naaalala niya ang nangyari. Kahit sa kaniyang trabaho ay natutulala siya. Poot, selos, iyak at sama ng loob ang nasa puso niya. Araw at gabi niyang iniisip at inaalala an

