Laging tumatawag si Kia kay Fermie. Pilit itinatago ni Fermie ang tunay na niyang kalagayan sa pamilya ni Gabbie lalo na ang lahat na pananakit ng damdamin sa kaniya ni Mariz. Ayaw niyang mag-alala nang husto ang kaniyang kaibigan. Masaya ring ibinalita ni Kia na nagkalakas-loob na siyang ipakilala si Badong bilang nobyo niya kina Papa at Mama niya. Natawa pa nga ang kaniyang papa dahil matagal na daw nilang nahalata na nagmamabutihan na silang dalawa at hinihintay lamang nilang aminin ito ni Kia. Wala namang problema dahil boto naman sila kay Badong at matagal na nila itong kilala. “Masaya ako para sa inyo ni Badong, Bes.” “Thank you, Bes. Iba talaga kapag suportaado ka ng mga magulang mo. I’m sure supported ka rin ng family ni Gabbie,” masayang turan ni Kia. Natahimik bigla si Fermie

