“Tao po! Tao po!” Malakas na sigaw sa labas ang nagpabaling kay Fermie. Dali-dali namang tumalima palabas si Tiya Lupe habang nagpipinid ito ng mga bagong labang damit. “Ay sino po sila?” agad namang tanong ni Tiya Lupe. “Magandang araw po, Ginang Gabo, natatandaan mo pa ba ako? Si Ginang Maria Asuncion ang head ng DSWD?” sagot naman ng babae at may kasama itong dalawang lalaki. “Sila naman po iyong mga staff ng rehabilitation center na pinagdalhan sa anak ninyong si Harry.” “Ay oo nga pala, Maam…mganadang araw din po. Hay pasensiya nap o matanda na pala ako kasi naging makakalimutin na. Pasok po kayo, Maam at Sir kaso pasensiya na po kayo sa bahay namin, masyadong maliit at sira-sira pa po,” agad namang sabi ni Tiya Lupe. “May kasama po kami ngayon Ginang Gabo, tiyak na matutuwa kay

