Pagkalipas ng bagong taon ay tinawagan na si Gabbie para bumalik ng barko. Anim hanggang pitong buwan naman ang paglalayag niya sa malawak na karagatan. "My love, mahirap man sa loob ko pero kailangan ko nang bumalik sa trabaho," malungkot na ibinalita niya kay Fermie. "Ganoon ba? Kailan ba ang alis mo? Hindi ka pa nakaalis pero nalulungkot na ako, Mahal," sabi naman ni Fermie na yumakap pa sa beywang ni Gabbie. "Ako rin, My love. Hindi lang ikaw ang mami-miss ko kundi pati na ang ating baby. Ilang buwan lang naman at magkakasama ulit tayo.” Inipit niya ang hita ni Fermie sa kaniyang hita. "Puwede mo ba kaming ihatid pauwi ni Baby Gabriel? Pasensiya na, Gabbie pero kailangan naming umuwi bago ang flight mo. Gusto ko na ring makasama sina Tiya Lupe at mga pinsan ko. Nami-miss ko na rin

