Makalipas ang isang linggo ay nagtaka si Fermie. Ilang balik na siya sa pagbukas ng kaniyang page ay walang mensaheng iniwan doon si Gabbie. Kahit ang mga messages nito ay tila hindi pa rin nababasa ng kaniyang kasintahan. Sabi naman daw ni Gabbie ay maayos na ang kanilang router pero ipinagtataka niya na hindi na nakapagmensahe sa kaniya ang nobyo. Nababahala na siya pero pilit pa rin niyang inuunawa ang sitwasyon ni Gabbie sa barko dahil ang sabi nito ay may mga instances talaga na nawawala ang signal kaya kailangan din niyang maging maunawain sa realidad ng trabaho ng kaniyang mahal. "Siguro may trouble na naman sa kanilang internet o router. Baby, hihintayin lang muna natin si Daddy ha. Baka mamaya o bukas magme-message na siya kay Mommy. Gusto ko sana siyang sorpresahin na sa pag-uw

