CHAPTER 8.

1632 Words
Nang na ayos na ni dalia lahat ng kakaylanganin namin sa pag-alis ay agad akong bumili ng ticket papunta sa aming paroroonan mahirap man ang aking naging disisyon ay mas gugustuhin ko pa iyon kesa ang makita ko pa ulit ang lalaking mapanghangas na gumalaw sa akin iniisip ko palang ang nangyari sakin at naiiyak na ako pero pinipigilan ko dahil iniisip ko ang bata sa aking sinapupunan. Hapon na ng tuluyan kaming makarating sa probinsya ng aking inay at panay nang reklamo itong si lia at gusto na raw mahiga kaya natatawa ko na lamang syang inilingan at nag umpisa nang mag tanong tanong kung saan makikita ang address ng bahay nila inay noon na nakuha kopa sa gamit ni inay nang minsa'y nag ayos ako ng mga kagamitan sa dati namin tirahan na ngayon ay may bago nang tumitira dahil ipinag bili ito ni tiya. "besh uso din kumain, ni hindi pa nga tayo nag papahinga aba napapagod din tayong magaganda." sabay upo nya sa tapat ng tindahan at nangalumbaba at dahil nakaramdam rin ako ng pagod ay tumabi na lamang ako sa kanya sa pag upo. "mag pahinga muna tayo saglit at nangangalay narin itong paa ko." saad ko na ikina irap nya sa akin sinamangutan ko lamang ito at hindi na pinansin. "kita mo kung hindi pa ako nag reklamo at nag pahinga hindi ka rin mag papahinga aba milan pinapaalala ko lang sayong hindi kana nag iisa may binubuhay kana sa loob ng tiyan mo kaya mag ingat-ingat ka kung nakakaramdam ka ng pagod mag pahinga kung nakakaramdam ka ng gutom kumain kung nakakaramdam nang pag ka hilo sbihin mo sa aki-" hindi kona ulit pinatapos ang kanyang sinasabi at basta nalang tinakpan ang kanyang bibig dahil pa ata sa kanya sasakit ang ulo ko. Tsk " oo na po dodoblehin kona po ang pag iingat ko po ha ayos napo ba iyon ha. Tsk kung maka ganyan daig mo pa tatay ng anak ko makapag bigay ng payo." at inirapan kopa ito natatawa nalang itong yumakap sa akin. "syempre dahil hindi nalang ikaw ang inaalala ko pati narin ang magiging inaanak ko no malay koba kung may nararamdaman kana palang iba tas dimo sinabi sa akin mas maganda nang paalalahanin kita." saad nya sa akin na kinatango ko nalang at para dina humaba pa ang payuhang nagaganap. Nang sa tingin ko ay kaya nanamin na mag lakad ulit ay tumayo na kami upang makapag tanong tanong ulit sa mga taong nadadaanan namin dahil pawala na ang araw sa langit at mapanganib sa amin na babae mag lakad pa sa gabi. Lumipas pa ang sampong minuto nang may nakita kaming nag kkwentuhang matatandang babae kaya nilapitan namin ito at nag tanong narin. "excuse po, pwede pobang mag tanong kung alam nyo po kung saan itong address na ito?" magalang na aking tanong nahinto naman sila sa pag tatawanan at bumaling sa akin at nginitian ako muka naman silang mababait kaya nginiyian kodin sila "ija anong sadiya mo sa bahay nila fely." nang mabanggit nya ang pangalan ng lola ko ay agad namang lumiwanag ang aking muka. "ahmm lola ko po sya actually pero diko po kasi alam kung saan ang eksaktong bahay nya dahil naikwento lang po sa akin ni inay itong tirahan nila at hindi naman po napupuntahan kaya po hindi po ako familiar." mahabang paliwanag ko at excited nang makita ang lola kong matagal konang hindi nakikita actually hindi kopa naman talaga sya nakikita simula ata ng ipinanganak ako at ngayon ko lamang nalaman na may buhay papala akong kamag anak sa side ni inay. " aba apo ka pala ni fely, hindi kaman lang na ikwento sa amin ng babaing iyon, tara at mapuntahan natin iyon." sabat naman ng matandang maputi sa kanilang apat at sa tingin ko ay may kaya, tumango na lamang kami ni lia at sumama na sa kanilang apat. Habang nag lalakad nag pakilala naman silang apat sa amin bilang kaibigan ni lola fely, ang pinaka maputi sa kanila ay si lola lucia at ang sumunod na nag pakilala naman sa amin ay si lola nine ang madaldal sa kanila pansin ko dahil sya ang kanina pang nag sasalita feeling ko nga mag kakasundo sila ni dalia at ang pangatlong nag pakilala sa amin ay si lola lolet sya naman ang pinaka maliit sa kanilang apat at ang pang huli ay si lola manda ang mukang masungit sa kanilang apat. Kinukwento nila ang naging buhay ng aking lola ng mamatay ang asawa nito ay nahirapan daw ito sa buhay dahil sanay daw itong nakadikit kay lolo at dahil matanda narin ito at ang isa pang dahilan ay ang hindi pag papakita nang nag iisa nitong anak na aking ina nung time nayun kaya sila daw ang naging katuwang nito sa pang araw-araw na pamumuhay nito lalo na't si lolo daw ang nag ttrabaho sa kanilang dalawa at si lolo din daw ang pinag kukunan ng pang araw araw na kaylangan nilang mag asawa kaya naka ramdam ako ng awa para sa aking lola kung sana nalaman kong may lola pala ako ay umuwi na ako dito ng mas maaga, kung sana nalaman kung nag iisa nalang sya ay sinamahan ko sana sya dapat pala noon palang ng mawala ang mga magulang ko naisipan ko nang umuwi dito para hindi na sya nakaramdam ng lungkot pero naisip korin kung umuwi ako dito hindi ko magiging kaibigan si dalia dahil noon palang ay masungit na ito at nilalayuan buti nalang napatino ko at higit sa lahat kung umuwi ako dito hindi ako mag kakaroon ng anghel aking sinapupunan kaya maganda narin na huli konang nalaman na buhay pa pala ang lola ko. Hindi rin naman nag tagal nang huminto kami sa tapat na bahay na hindi naman kaliitan at hindi rin kalakihan ngunit maayos naman ang hitsura. Na unang pumasok si lola nine at basta na lamang pumasok at tiyaka sumigaw sa loob ng bahay. "fely! halika nga ditong matanda ka fely! meron kang hindi sinasabi sa aming matanda ka.... asan kaba huh FELICIDAD punyeta ka talagang matanda ka." nagugulantang ako sa mga pinag sisigaw ni lola nine dahil aakalain mong may kaaway syang hinahanap "dios mio naman nenita kung makahanap ka sa akin ay tila ako nawawala nag banyo lamang ang tao eh, bakit ba ano bang sadya mo dito aber?" nag salita naman ang hindi familiar na boses ng matandang babae pero mahihimigan mo naman ito ng hinhin, nagulat pa ako ng inakay na ako ni lola lucia papasok sa bahay habang nakasunod sila lia at ang dalawa pang matanda. Dinig na dinig kopa rin ang boses ni lola nine na kinukulit ang matandang babae. "matanda ka na talaga nakalimutan mo atang may apo kang babae jusko ka-" di nyana na tapos ang kanyang sasabihin ng biglang sapawan sya ng matanda babae. "bakit mo naman nabanggit ang apo ko eh nasa maynila iyon alam ko at tiyaka paano ko maikukwento sa inyo ang apo ko eh isang beses ko lamang nakita iyon at isang taong gulang palang ata sya non." nagulat pa ako nang makompirma na sya nga ang lola ko at lalo pa akong nagulat na nakapunta na pala ako dito pero baby papala ako noon. " bruha kita mo yun?" sabay turo nya sa akin " aba eh oo naman matanda nanga ako pero dipa naman malabo ang mata ko, ano bang meron jan sa dalaga na iyan." nag tawanan naman ang mga kaibigan nya habang iginagayad ako ni lola lucia papalapit sa kanila na natatawa. " hay akala ko hindi nyo na napakalat ang gandang lahi nyo, nag kaka mali pala ako tignan mo ang dalaga na iyan kay ganda.... sa tingin mo sino ang kamuka nya? wala kabang namumukaan sa kanya?" tanong nanaman ni lola nine sa aking lola na ngayon ay mukang naguguluhan " abat hawig ko sya nang ako'y dalaga pa ngunit mas maganda sya sa akin noon teka muna sino ba itong dalaga na ito at ayaw nyo nalang deretsuhin. " mahinhin pero masasabi mong nayayamot na ito kaya diko na pinatagal at nag kusa nakong mag pakilala. "ahm magandang gabi po lola ako nga po pala si milan, HANNA MILAN FLORES po anak po nina felicity at mikael flores po." sabay ngite ko at yakap sakanya na kinabigla nya marahil hindi pa nag si-sink in sa utak nya ang aking mga sinabi kaya natatawa akong lumayo sakannya at tinitigan sya. " apo nyo po ako lola, ako po ang apo nyo. "masaya kong pahayag sakanya naluluha naman syang tumingin sa akin at kinabig ulit ako para yakapin nya. " ay jusko ang apo ko, ang ganda ganda mona apo ko ang laki laki mo na buti naman at naisipan mong dalawin ang lola mo apo ko teka nga muna kumain kana ba saglit lang at ipag hahanda kita." nangingiti akong umiling at pinigilan sya marahil ay bibili nalang kami ng makakain namin sa labas gusto ko kasi na mayakap pa ng matagal si lola kaya pinigilan kona. " huwag na fely mag papadala nalang ako dito ng makakain natin sa anak ko. " pag piprisinta ni lola lucia kaya ayon nga ang nang yari hinintay lang namin saglit ang anak nyang si tita laly na may dalang masarap na paksiw at pritong isda ayun ang aming pinag salo saluhan ipinakilala korin sa lola ko si dalia bilang ate at kaibigan ko natutuwa naman si lola dahil dalawa na raw ang apo nya ganon din ang apat na matanda na nadagdagan daw ang kanilang apo natutuwa naman ako dahil ganon nila kaming tinanggap at nakakataba ng puso dahil alam kong mamahalin ko itong lugar na ito at baka dito narin mag umpisa ang bago kong buhah... ang panibagong bubay namin ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD