“Mukhang kailangan mo ng pampalamig ah?” “Brandon?” “Yes, it's me.” Hindi ko alam kung ano ang ire- react ko, hindi ako makapaniwala na magtatagpong muli ang landas namin ng childhood friend kong ito. P-pero bakit siya nandito? Bakit sa dinami-daming puwedeng puntahan bakit dito pa? Hindi naman sa may tinatakasan akong krimen pero si Brandon ito eh. Ang lalaking nagtapat ng feelings sa akin at ako naman itong nanakit ng feelings niya. Hindi kasi ako pumayag na ligawan niya ako ay syempre naging prangka ako that time dahil hindi ko naman puwedeng pilitin ang sarili ko na mahalin siya. Oo, siguro mahal ko siya. Mahal ko siya as may brother, hindi ko siya gustong maging kasintahan ko. Masyado akong assuming ngayon eh hindi ko naman alam kung ako ba ang sadya niya or may imi-meet siy

