CAMILLA POINT OF VIEW NAGISING ako ng wala akong kahit anong saplot sa katawan. Tinapik-tapik ko ang aking ulo, upang alalahanin ang lahat. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko na maalala, may ginawa ba akong kababalaghan sa sarili ko? Pero malabo naman mangyari 'yon, hindi naman ako ganoon kapag nalalasing. Nilinga- nilinga ko ang aking paningin sa paligid ng silid, ganoon na lamang ang gulat ko ng mapagtanto na silid ito ni Akihiro. Paano nangyari 'yon? Sino nagdala sa akin dito? Pinagsamantalahan niya ba ako? Dahil sa inis ko, sinabutan ko ang aking sarili. Ng masaktan na ako ay tinigilan ko na rin, nagpasya ako na bumangon na sa kama at nagtungo ako sa bathroom ni Akihiro upang maligo. Habang nasa tapat ako ng shower, unti- unti kong naalala ang nangyari. Uminom kami ni Ode

