CAMILLA POINT OF VIEW
Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko habang nakasandal sa labas ng sasakyan ng boss ko.
Hiyang -hiya ako dahil sa inasta ng stepmom ko sa kaniya, pero deep inside may kaunting inis ako sa boss kong ito. Bastos naman talaga kasi, sino ba ang matinong tao na basta-basta papasok sa bahay ng ibang tao nang hindi man lang humingi ng permiso.
Napa-ayos ako ng tayo ng magsalita nito, “ I want your mom pay me,” saad niya sa malamig na tono ng boses. Kumunot naman ang aking noo, dahil hindi ko nakuha kaagad ang gusto niyang sabihin sa akin.
“Gusto mong bayaran ka ng stepmom ko ng pera? ” pagkumpirma ko.
“Nevermind,” saad nito.
“Ah, sir? Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” nag-aalangan kong tanong. Paano ba naman kasi ilang minuto na kaming nandito sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang balak nitong boss ko.
“Pack your things now.”
Ilang segundo ako na-loading dahil lsa inuutos sa akin nito.
“ Bakit sir? Saan tayo pupunta?”
Bored niya naman akong tinignan mula sa mata. “You will going with me.”
Lumayo naman ako ng bahagya sa kotse ng boss kong 'to. Hindi ko sinasadyang mamaywang sa harap nito, umarko naman ang isa niyang kilay dahil sa inasta ko.
“Bakit kailangan ko pang dalhin ang mga gamit ko? May business trip ba tayong pupuntahan?” kunot ang noo kong tanong. Wala naman talaga akong maaalala na may business trip kaming pupuntahan.
“Do you remember what I said earlier?”
Nagkibit-balikat ako, maya-maya napatampal ako ng aking noo. Bigla kong naalala ang huling sinabi ng boss kong ito kanina noong tumawag ito.
“Hmm… do you remember now?” nakangisi nitong tanong. Ngunit umakto pa rin akong parang walang naaalala.
“Hindi ko talaga maalala sir, eh. S-sige na po, papasok na ako sa loob.” Pag-iiba ko sa usapan at akmang maglalakad na patungo sa gate namin ng bigla niya akong hawakan sa kanan kong braso at hinila na para bang isa akong basket.
“Teka, sir!”
“Shut your mouth Miss Lopez or Else I will kiss you right now.”
“P-pero?!”
“One.”
Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob ng sasakyan nito, habang siya naman ay tahimik na nagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng lalaking ito. Gusto kong bumalik sa bahay namin pero hindi ko alam kung paano kukumbinsihin ang paladesisyon kong boss na ito. Dadalhin niya raw ako sa kaniyang condo at doon patitirahin. O, di ba? Makakatira na rin ako sa mamahaling condo at mas nakaka excite pang tumira kung may kasamang guwapong lalaki.
Pero hindi naman ako ganoon kapatay gutom sa lalaki. Syempre dalagang Pilipina ako eh.
“ Pwedeng bumalik sa bahay?” pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan naming dalawa nito.
“Why?”
Napakamot ako sa aking batok at nakabusangot na nagsalita. “Iyong mga gamit ko nasa bahay pa. Wala akong gagamitin sa condo mo kung wala akong dalagang personal na gamit ko? Alangan naman ito lagi ang suutin ko araw-araw,” tukoy ko sa suot kong asul na bestida.
Napansin ko naman ang pasimpleng pag ngisi nito kaya hindi ko maiwasang huwag magtaka.
“Its okay, hindi mo kailangang problemahin iyan dahil madali lang ang solusyon niyan Miss Lopez,” saad niya habang nakatitig sa daan ang paningin.
“Solusyon? Bibilhan mo ako ng mga bago kong gagamitin sa condo mo? Puwede mo rin ba akong bilhan ng underwear? Uhmm, pati sana bra.” walang hiya-hiya kong sabi. Ngayon ko lang kasi naalala na wala naman dapat na akong ikahiya sa boss kong ito. Dahil una sa lahat, wala na akong itatago pa dito dahil nakita at natikman na niya ang buo kong pagkatao. Hehe pero di ko naman maiwasang hindi mahiya pa rin. Siyempre boss ko ito at ako ang secretary niya.
“Seriously Miss Lopez? ” nakaawang ang labi nito ng sulyapan ako nito. Dahan- dahan naman akong napatango.
“Uhm, yes. Kung hindi mo ako bibilhin ng mga personal na gamit ko, hayaan mo na lang ako umuwi sa bahay namin para makapag impake ako,” saad ko.
“Silly… okay I will buy you later,” saad niya.
Malawak ang ngiti ko ng lumabas sa kaniyang sasakyan. Kararating lang namin sa parking lot ng building na kinauukupa ng boss kong ito.
Iginaya niya ako papasok sa building at talagang hindi ko maiwasang hindi mamangha ng makita ko ang loob ng gusali. At sa tingin ko puro mga bigatin ang nakatira sa bawat condo ng gusaling ito. Kainggit lang dahil hindi ko kayang bumili ng sarili kong condo dahil kapos ako sa pera.
Namalayan ko na lamang na sumakay na kami sa elevator at tumigil lamang iyon ng nasa 9 na palapag na kami. Malalaki ang hakbang na sumunod ako sa kasama kong 'to, halos mapag-iwanan na ako nito dahil sa bilis ng paglalakad nito. Kawawa naman talaga ako dahil napaka tangkad ng lalaking ito, samantalang ako hanggang sa balikat lang niya.
“Come in,” utos niya sa akin ng buksan niya ang kanyang condo sa pamamagitan ng passcode.
“Ano ang passcode ng condo mo sir?” kuryosong tanong ko. Syempre kailangan kong alamin dahil dito na ako titira. O' di ba napaka asyumera ko.
“ 956472.”
Napamaang ako dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya nag passcode ng condo niya. Sino ba naman ako para pagsabihan ng passcode ng condo niyo hindi ba? Eh, s*x slave lang naman niya ako kaya nagulat talaga ako ng sabihin niya sa akin.
“Bakit mo sinabi sa akin ang passcode ng condo mo sir? Hindi ka ba natatakot na pag nakawan kita?” napakamot ako sa aking batok dahil sa klase ng tanong ko. Ano ba naman kasi nangyayari sa akin at kung ano- ano na ang lumalabas sa bibig ko.
“Then go, kunin mo ang lahat ng gusto mo dito sa condo ko, it's okay to me. But I will punish you hardly when I catch you,” nakangiti niyang saad. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya, paano ba naman kasi kahit sa pamamaraan ng tingin niya naaakit ako. Bakit ba kasi ang gwapo ng boss kong 'to?
“Joke lang, syempre hindi ko gagawin iyon sir. Binibiro lang kita dahil hindi ko naman akalain na sasabihin mo sa akin ang passcode.
Di ba dapat sa relatives or sa girlfriend mo lang sinasabi ang mga mahahalagang impormasyon?” saad ko.
“I don't have a girlfriend, Miss Lopez. Can you close your mouth or else I will kiss you right now.”