“Sir?!” sigaw muli ni mang Jojo. Aligaga namang naglakadp alabas ng kwartong iyon si Daniel ngunit huli na ang lahat. Binuksan niya ang pinto at nakita niya sa labas na paakyat na si mang Jojo. Sa pag-aalala ay isinara niya na lamang ang pinto at napaupo sa dilim. “Sir Daniel?!” May diin ang pagsambit ni mang Jojo. Marahil ay naiisip niyang si Daniel ang gumawa ng bagay na iyon dahil siya lamang ang hindi nagising sa pagsabog. Binalabag ni mang Jojo ang pinto sa kabilang kwarto, ang kwarto ni Daniel. Wala roon ang binata. Ang naabutan niya lamang ay ang magulong kwarto, ang basag na baso, vase at salamin at ilang mga nagkalat na papel. “Nasaan siya, pare?” tanong ng iang lalaki na sumunod din sa pag-akyat ni mang Jojo. “Wala siya dito,” wika ni mang Jojo. “Baka tumakas siya. Siya tala

