Alam ni Daniel na hindi siya makakalayo sa lugar na iyon. Hindi siya ligtas sa mga mata ng mga tao sa paligid. Wala siyang ideya sa mga nangyayari ngunit gusto nyang pigilan ang kanilang puwedeng gawin. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoong ginawa ng kanyang editor sa lugar na iyon bago sa umalis. Paikot-ikot siya sa kwarto, tila iniisip ang kanyang susunod na hakbang. Inisip niyang isulat ang kanyang plano sa typewriter. Naglagay siya ng papel sa typewriter at sumulat ng ilang mga salita ngunit napatigil din siya agad. Naalala niya ang kanyang itinagong kwento, ang huling pahina na hindi niya alam kung siya ba talaga ang sumulat. Napaglalaruan siya. Marahil ay alam nga nila mang Jojo ang kanyang isinusulat. Muling nangibabaw sa kanyang isipan ang mga hinala. Agad niyang tinanggal

