CHAPTER 20

811 Words
Ang bilis talaga lumipas ng mga araw.At ngayon nga ay malapit na matapos ang school year kaya doble doble na ang sipag na ginagawa ko dahil malapit na din mag final exam.Makakarelax na ako kahit papano kapag nakapag exam na kami.Walang nagawa ang paglipas ng araw para mawala yung strange feeling ko kay Sir Illac.Mas lalo pa nga yatang tumindi.Mahal ko na nga yata talaga sya.Mahal ko na ang amo ni Nanay.Nakakasigurado na ako na yun na yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya.Hindi ko alam na aabot ako sa ganito.Akala ko lang nung una ganon ganon lang.Yung natuwa lang ako sa mga gamit nya.Yung may excitement lang nung mga panahon na yun.Yung humanga lang ako. Hindi ko naman talaga ginusto na lumalim yun.Walang araw na hindi ko sya naiisip.Kung iisipin nga pagod na pagod na yun sa kakatakbo sa isip ko.Puso ko ang may gusto nito.At sinusunod ko lang naman ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nasasabi kay Nanay at Tatay ang tungkol doon.Nahihiya ako sa kanila,lalo na kapag tinanong nila kung paanong nangyari na nagkagusto ako sa amo nya gayong hindi ko pa naman ito nakikilala. Hindi naman basehan yung konting information na nalalaman ko sa kanya na galing kay Nanay.Bago ko na lang siguro sabihin kina Nanay kapag nakilala ko na sya.Pero si Nikki,alam na alam nya ang nangyayari sa akin.Masaya din ako para sa kanilang dalawa ni Ace dahil kahit na may mga times na nagbabangayan sila ay nagiging sweet na din naman sila sa isa't isa.Nililigawan na din sya ni Ace.Hindi na lang siguro mawawala sa sistema nila yung angilan.Lagi na din namin kasama si Ace kapag may vacant time Minsan naisip ko na parang mas inlove yata si Ace kay Nikki kesa sa akin noong nililigawan nya pa lang ako kaya nagkakatawanan na lang kami kapag napag uusapan yun.Pero pareho namang wala kaming regret sa nangyari.Mas naging close pa nga kami dahil hindi na kami nagkakahiyaan sa isa'isa.Inaasure ko naman kay Nikki na wala syang dapat ikaselos and alam naman din ni Nikki na si Sir Illac talaga yung laman ng puso ko.Minsan ay pumupunta sa bahay sina Ace at doon na lang kami nagbabonding kesa sa lumabas kami.Minsan ay sa bahay din ni Ace o kina Nikki kami tumatambay. Ilang beses na din ako nag attempt na sumama kay Tatay kapag susunduin si Nanay kaya lang ay hindi talaga ako nagkakaroon ng lakas ng loob. Basta naniniwala ako na masyado akong pinaglaruan ng tadhana.Sobrang challenging sa part ko.Basta sa ngayon ay hahayaan ko muna yung damdamin ko.Kaya ko pa naman ihandle.Hindi ko inaalis ang chance na magkakilala kami.Pero ayokong umasa kasi alam kong masasaktan lang ako kung hindi naman mangyayari.Pero alam kong masasaktan lang din ako kung hindi ako aasa at hahayaan na lang na matapos at basta na lang bumitiw sa nasimulan na ng damdamin ko.Kahit gaano pa katagal yan ,kung kami talaga ay magiging kami. Isang taon na lang at gagraduate na ko. Sana din matanggap ako don sa bangko na pinagtatrabahuhan ni Sir Illac kapag nag apply na ako.Ngayon pa lang ay sobrang excited na ako para naman lagi ko na syang makikita.Hanggang ngayon hindi nawawala yung kilig sa akin kapag sya na ang ikukwento ni Nanay.Pero syempre hindi naman ako nagpapahalata..Pero mukang nakakahalata na din si Nanay ayaw nya lang ako pangunahan. Minsang nasabi na din ni Ace sa akin na mabuti pa daw kay Sir Illac at kinikilig ako,samantalang hindi ko pa daw naman nakikita samantalang sa kanya daw noon parang hindi naman ako nakaramdam ng anumang kilig.Kahit na nasa harap ko na sya.Siraulo talaga.Nginitian ko na lang sya at nag sorry.Alam na din ni Ace ang tungkol lay Sir Illac kasi kapag nagkukuwento ako kay Nikki. Sa ngayon ay mas ganado akong mag aral kaya hindi ako nahihirapan sa pagrereview para sa exam.4th year na ko sa susunod at ayokong mabigo sina Nanay.Dapat isa ako sa aakyat sa stage na may medal na matatanggap.Malimit na din inuuwi ni Nanay yung mga damit ng amo nya..Pabor naman kay Nanay kasi bawas trabaho daw sa kanya.Ang hindi alam ni Nanay ay mas pabor naman lalo yun sa akin.Naisip ko nga minsan kumuha ako ng isang panyo nya para remembrance lang.haha.Napansin ko lang din sa sarili ko,malimit ko ng kausapin ang sarili ko.. And it's so alarming. At kay Sir Illac,sana mameet na kita.Hindi mo alam kung paano mo ginugulo ang sistema ko.Hindi ako maiinip na hintayin ang tamang panahon na ibibigay sa atin ng tadhana. Ikikeep kita sa puso ko.Sir Illac,I just want you to know that I'm secretly fell inlove with you. Thank you. Hanggang dyan na lang po muna.It's my first story so medyo struggle pa po ako. Sana po nagustuhan nyo kahit papano. I'm planning for BOOK 2 po pag naging okay ito.I'm kinda excited na din gawin ang book 2..THANK YOU ALL AGAIN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD