CHAPTER 1; OUTSIDE THE ACADEMY

1966 Words
ELEMENTIA'S POV "WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Hindi ko alam na mayroong klaseng mist user sa mundo na ganyan kahina katulad mo. At sa pagkakaalam ko lahat ng mga DarkMist user ay malalakas kumpara sa mga LightMist. Kung kayat para sa akin Isa ka lamang pawikan na balak bumalik sa dagat ngunit mabagal ito maglakad kung kayat madali lamang siyang mahuli, mapatay o itinda." Pang-aasar ko sa isang DarkMist na kalaban ko sa Aorsian. Isang gubat sa pinaka-itaas ng bundok na Ito. Puro mga patay na halaman, mabahong lugar na amoy bulok na mga halaman, mga uwak at dark creatures ang laman. Marami ang takot na pumasok rito dahil sa sabi sabing Isa itong mapanganib na lugar at hindi ka na makakalabas pa ng buhay. "Huwag kang magyabang Elementia dahil lang sa kapangyarihan mo. Tandaan mo mahina ka parin sa physical na anyo kaya gawin nating patas ang laban. Hindi ba't maganda ang aking ideya? Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong ni Jacks. Yakk! Ampangit ng pangalan niya. Jacks. Eww. Ambaho. "Mukang maganda nga ang iyong naisip Ginoo." Nagkakamot ng baba kong sagot habang nakatingin sa itaas. Sobrang tirik ang araw ngunit nagnyenyebe. Dito sa Mist World hindi pa nagkaroon ng tag-ulan kahit isang beses. Puro nyebe. Kumbaga sa mortal world ay mayroong tagaraw, tagulan, taglagas, tagsibol at ang pagkakaroon ng nyebe ngunit hindi tumatagal ng pang habang buhay. Ngunit dito sa lugar namin ang season lang rito ay tag-nyebe. May araw nga na sobrang sikat at liwanag ngunit ang nyebe ay patuloy parin sa pagbagsak. Ang nyebe sa amin ay panghabang buhay kung kayat ganito na lamang kalamig rito. "Ngunit lalaki ka at babae naman ako. Kaya paano magiging patas ang ating laban? Mag palit ka na lang kaya ng anyo mo? Mag paka babae ka na lamang Ginoo. Tutal mahina ka lang rin naman. Hindi ba't maganda ang aking naisip? Ano sa palagay mo?" Mahabang litanya ko. Hindi ko aakalaing mas marunong pala akong mangasar sa kanya. Kita ko ang pagdidilim ng awra sa paligid niya na napalilibutan na siya ng itim na usok pati na rin ang pagkaseryoso ng mukha niya. Mukang mas lumakas na siya gayong naaasar siya sa mga sinasabi ko. "Ngayon ay mukang patas na ang ating laban binibini kung kaya't maghanda ka na sa aking napakalakas na kapangyarihan at ikaw ay mamamatay." Nakangising sagot ni Jacks. Muka nga siyang malakas ngayon ngunit ang lakas niya ay Wala pa sa kalahati ng kapangyarihan ko. Umayos siya sa paraan ng pagtayo niya at ng ibato niya sa akin ang darkfire ay umilag ako sa paraan ng pag-upo dito sa malaking bato sa ilalim ng puno. Kita ko naman ang inis sa mukha niya ngunit tumira ulit siya sa direksyon ko ng isang malaking darkfire kaya gumawa ako ng air shield kaya ang darkfire na binato niya sa akin ay bumalik sa kanya kaya siya ang natamaan ng sarili niyang kapangyarihan. "Tss! Huwag kang padalos dalos sa iyong mga kilos Ginoo. Baka iyan pa ang ikapahamak mo." Nakayuko ngunit nakangising sagot ko. Kita ang panghihina sa kanyang mukha. Hirap na hirap siyang tumayo at maglabas pa ng mist niya. "Ano Ginoo? Suko ka na ba? Wala pa akong ginagawa sa iyo!" Matapang kong tanong sa kanya. Dahan dahan akong humahakbang papunta sa kanya ngunit nakarinig ako ng ilang mga kaluskos sa paligid ng gubat. Mukang may ibang mist user rito bukod sa aming dalawa. Napatingin ako kay Jacks na umuubo ng dugo niya at nakahawak siya sa kanyang tiyan. At hirap na hirap huminga. "Nagkita tayong muli Elementia." Tinig galing sa aking gilid. At papalapit ito sa aking kinaroroonan. "Riyo. Aking kaaway! Buti at napadalaw ka? Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Ginoo?" Lumapit pa ito ng isang hakbang sa akin ngunit hahakbang na lamang uli siya ng bigla siyang humagis. Hindi niya alam na may shield na pumoprotekta sa akin at hindi rin nakikita ang shield na ginawa ko. Kumbaga invisible shield. "Binibini. Masakit ang iyong ginawang paghagis sa akin sa malayo at hindi dapat nadudumihan ang aking katawan pati narin ang aking magandang kasuotan." "Ngunit kahit hindi kita ihagis ay sadyang marumi ka na talagang tunay kaya't wala ka na dapat pang ikabahala sa iyong sarili Ginoo." "Nasobrahan sa talas ang iyong dila binibini at ang iyong mga salita ay hindi mo rapat sinasabi sa akin baka iyan pa ang dahilan ng iyong kamatayan." Dahan dahan siyang tumayo at nagpagpag ng damit niya saka lumapit sa akin na may ilang dangkal ang layo at tumayo siya ng tuwid. "Hindi ako natatakot sa iyo Ginoo at hindi mo ako mapapatay dahil pati iyang isang Ginoo'ng nakahandusay sa lupa ay ganyan rin ang sinabi sa akin ngunit kabaligtaran ang lahat ng iyon. Walang sino man ang makakatapat sa aking kapangyarihan, iyong tandaan Ginoo upang sa susunod ay may ideya ka na." Unti unti kong tinatanggal ang shield na nakapalibot sa akin at naghahanda para sa atake niya. Alam kong gusto na niya akong patayin ngunit hindi niya magawa dahil mas malakas ako sa kanya. Nang tuluyan ko nang matanggal ang shield na nakapalibot sa akin ay napaatras siya ng bahagya sa kanyang kinatatayuan. "Natakot ba kita Ginoo? Hindi ba't sabik ka na patayin mo ako? Anong nangyari sayo at parang nangangatog ang iyong mga tuhod? Ayos ka lang ba Ginoo?" Kunwaring nagaalala kong tanong. Mukang tatakbo na siya sa takot. Humakbang pa ako palapit sa kanya at ikinumpas ang aking kamay pataas at lumakas ang hangin na akala mo ay may paparating na bagyo. Nagsiliparan ang mga tuyong dahon at ang mga nyebe na bumabagsak ay pumupunta sa direksyon niya at ang roba niyang kulay itim na may pagkaberde ay inilipad rin ng hangin. Lumapit siya sa punong nasa tabi niya at saka niyakap iyon ng mahigpit. "Itigil mo na iyan Elementia. Lumaban ka ng patas." Sigaw ni Riyo na nakayakap parin sa puno. "Hindi ba't may kapangyarihan karin naman Ginoo? Bakit hindi mo gamitin iyon para labanan ako? Hindi ba? Para patas na tayo!" Ngising sagot ko. "DarkMist User vs Elementia the Powerful LightMist User. Hindi ba't ang ganda pakinggan?" Pangaasar ko. Ibinaba ko ang kamay ko at tumigil ang napakalas na hangin. Tinanggal niya naman ang pagkakayakap niya sa puno at saka mabilis akong binato ng dark fireball na agad ko namang itinapat ang palad ko roon na papalapit na at kinontrol ko ang dark fireball na inihagis niya. Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya na agad niya ulit akong binato pero kagaya kanina kinontrol ko at isinara ko ang palad ko para masira ang dark fireball niya. Inihakbang ko ang mga paa ko at pinayelo ko ang mga paa niya hanggang bewang para hindi siya makagalaw. Binato niya uli ako ng fireball niya na tinira ko ng yelo. Pilit niyang tinutunaw ang yelong nakabalot sa kanya kaya mas lalo kong kinapalan ang yelo sa katawan niya pinaabot ko hanggang leeg niya at saka ko ginamit ang earth power ko. Ikinumpas ko ang isang kamay ko pataas at itinapat sa baging, puno at ugat dito sa paligid ko. Lumabas ang mga ugat ng puno at naglakad ito papunta sa kanya pati ang mga baging na nakasabit ay mabilis na lumapit sa kanya. Muli kong ginalaw ang kamay ko at tinuro sa direksyon niya kaya pinulupot ko sa kanya ang mga baging at ang puno naman ay ipinasok ko siya sa loob ng ugat ng punong Nara. Ngayon ay bumalik sa ayos ang kinalalagyan ng puno at ikinulong siya sa loob ng puno. Magteteleport na sana ako ng maalala ko si Jacks dito na nakahandusay at wala ng malay. Naghukay ako ng lupa gamit ang kapangyarihan ko at nilatagan ng mga dahong saging doon saka iniangat sa ere ang bangkay ni Jacks saka siya inihiga sa hinukay kong lupa na nilatagan ng dahon. Pinatungan ko uli ng dahon ang katawan niya saka tinabunan ng lupa. Alam kong ako ang pumatay sa kanya pero kahit ganon ay may puso parin naman ako sa kalaban. Hehehe. Pero mukang buhay pa naman siya ng unti! Bayaan na. Mamamatay narin naman siya kaya mas mabuting nakalibing na siya para minsanan. ***** "Kamusta ang paglabas sa akademya? Masaya bang sumaway sa Isa sa mga pinakaimportanteng patakaran sa buong akademya? Ano ang iyong masasabi, Binibining Elementia?" Sunod sunod na tanong ni Drewry Espn na pinakalider ng kanilang samahan na OFFICER'S RULES GUIDER. Hindi sila prinsepe isa lang rin silang hamak na LightMist User na binigyan ng isang pinakapangit na posisyon. Sa tingin ko ay may itsura naman silang mga ORG (officer's rules guider) sa aking pagkakaalam ay tatlo silang nasa ORG at ang nangunguna ay si Drewry Espn (drury espin) pangalawa ay si Braun Dej (bron de) at ang pangatlo ay si Shimon Vamille (shimon vamil) kambal niya si Samanda Vamille pero hindi siya kabilang sa ORG. Si Shimon at Braun ang pinakamadaldal at makulit sa tatlo ngunit si Drewry naman ang pinaka mahangin sa kanila at nagkakasundo lang sila sa tuwing may kalokohan silang gagawin. Kahit ang pinunong tagapangalaga ng akademya ay pinapabayaan lamang silang gumawa ng kalokohan kahit na dapat sila ang nagbabawal nun sa mga estudyante rito sa akademya ngunit hindi. "Masaya na lumabas sa akademya. Bakit Ginoo? Nais mo bang sumama sa aking paglabas sa susunod?" "Kung ganon ay may balak ka uli na suwayin ang pinakamahalaga at importanteng patakaran rito?" "Tama ka Ginoo. Kung kaya't gusto mong sumama ay magsabi ka lamang sa akin. At sabay tayong lalabas" "Hindi na iyan mangyayari pa Binibini. At huwag ka nang magtangka pang lumabas muli" "Bakit ka nga ba labas ng labas sa akademya? May masama ka bang ginagawa? At patago pa ang iyong paglabas?" Sumeryoso ang aking tindig at tiningnan siya ng seryoso at malamig. "Huwag mo akong tanungin ng ganyan Ginoo dahil hindi mo ako kilala at hindi mo rin alam ang aking pakay kaya manahimik ka na lamang riyan kung ayaw mong maging estatwa." Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roong magisa at saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam Kung saan ako pupunta kaya ng mapadaan ako sa maze challenge ay dinire-diretso ko lamang. Hindi ko alam Kung anong klaseng maze ito kaya ng matauhan ako ay inilibot ko ang aking mata sa kabuuan nito. Naglalakihang palumpong ng dahon ang nakapalibot sa akin. Mukang garden maze ito dahil sa disenyo. Tinignan ko ang dinaanan ko kanina ngunit hindi ko na alam Kung kaliwa o kanan kaya dumiretso na lang uli ako saka naglakad. (A/N: ang palumpong ay bush sa wikang Ingles.) * Nang mapagod ako ay umupo muna ako sa d**o saka isinandal ang aking ulo sa palumpong ng mga dahon na siyang nagsisilbing pader rito sa maze. Ng makasandal ako ay nakita kong may kuminang na parang dyamante sa harap kong palumpong. Dahan dahan akong tumayo saka maingat na lumapit dito. Sinubukan kong hawakan ang ilaw ngunit bigla itong lumipat sa malaking kulay lila na bulaklak. Hinawakan ko naman ang bulaklak ng laking gulat ko ay bigla itong umilaw ng ibat ibang kulay saka unti unting lumubog sa palumpong ng mga halaman. Itinapat kong muli ang palad ko sa palumpong ng bigalang yumanig at unti unti itong nagbukas. Nahati ito sa gitna na mukang isang sikretong kuwarto iyon. Maingat akong pumasok sa loob ng kwartong iyon at nakakita lang ako ng mga imbak na bulaklak. "Ano ba ito? Mga bulaklak lamang ito ngunit bakit sa tago ito nakalagay?" Bulong kong tanong sa sarili. Akmang hahawak na ako rito ngunit mabilis na lumubog ang mga ito sa ilalim ng lupa. Nagulat ako sa nangyari at mabilis na lumabas sa tagong kwartong iyon. "Lumayo ka sa mga iyan binibini kung gusto mo pang mabuhay!" Bulong ng isang tinig saking taenga na agad ikanataas ng aking mga balahibo ko. Nilingon ko ang paligid ngunit wala namang ibang narito maliban sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD