CHAPTER 4; SIREN'S KINGDOM

3116 Words
ELEMENTIA'S POV "Ano nga ba ang pagkakapareho ng mortal sa mga immortal?" "Ang mga mortal at immortal ay parehas ng katawan at itsura. Parehas ng lenggwahe pero minsan ay may pagkalalim ang atin." Sagot ni Zabi kay Guro Thiago. Ang Guro namin sa "kaalaman sa mga mortal". "Tama. Magbigay kayong lahat ng mga pagkakaiba ng mga mortal at immortal." Saad nito. Nagtaas ng kamay ang lahat maliban sa akin at kay Jiel. Naunang tinawag ni Guro Thiago si River. "May kapangyarihan tayo pero ang nga mortal ay wala." "Ang mga mortal ay may kapangyarihan rin pero ang tawag sa mga iyon ay itim na kapangyarihan. Hindi sila kampon ng kadiliman dito sa mundo natin. Naiiba sila. Ang may uri ng itim na kapangyarihan sa mga mortal ay tinatawag nilang mangkukulam o sa atin ay witch or witches. Ang mga kapangyarihan nila ay iba sa mga kapangyarihan ng mga witches natin. Dahil kumpara sa kapangyarihan ng mga mortal ay wala pa sa kalahati ng kapangyarihan nating mga immortal." Paliwanag ni Guro Thiago. "Ikaw naman Prinsepe Arden. Ano ang iyong sagot?" Tanong ni Guro Thiago. "Aa--hhh-ah. A-ano. Ang mga mortal ay maraming uri ng lenggwahe. Ngunit tayo ay tagalog at paminsan minsan ay Ingles kung kinakailangan." Paliwanag nito. Tumango si Guro Thiago sa kanya at sunod na tinawag si Wila. "Ang mga mortal ay may kotse na sasakyan ngunit tayo ay wala." Saad nito sabay tayo at saka pumalakpak. "Maraming salamat Prinsesa Wila. Maaari ka ng umupo. Prinsepe Zabi. Ikaw naman" "Papel na pilak ang mga pangbayad nila. Ngunit tayo ay ginto." Saad nito. Sunod na tinawag ni Guro Thiago si Leydi at Eartha saka si Ronan at Bay. "Kakaiba ang tirahan nila kumpara sa tirahan natin." "Ang ilaw nila ay pinapagana ng kuryente at may tinatawag silang air-con na naglalabas ng hangin pero ang sa atin ay lampara ang ilaw at saka tanglaw o torch at ang hangin natin ay wala." "May sasakyan silang pang-himpapawid ngunit sa atin ay karwahe na may kabayong may pakpak." "May mga gamit sila sa paaralan na kakaiba ngunit tayo ay pirasong papel lamang at saka tinta at feather na panulat." "Anong masasabi mo binibining Elementia at Jiel?" Tanong sa amin ni Guro Thiago. Tumayo kaming dalawa ni Jiel para magsalita. "Doctor ang tawag sa mga manggagamot nila at may ospital sila kumpara sa atin na ang tawag lamang ay manggagamot at pagamutan." Saad ni Jiel saka siya pinaupo ni Guro Thiago. "May mga telepono at iba pang teknolohiya ang mga mortal para sa mas mabilis na pakikipag-komunika nila sa iba pang mortal ngunit sa atin ay mensahero ang nagbibigay ng mga sulat o kaya naman ay manggagaling sa kongreso." Matapos kong magsalita ay pinaupo niya na ako. Tatawagin na sana ni guro si Tatum ngunit Ito na ang tumayo at sumagot sa tanong niya. Gusto ko ng matulog pero hindi maaari dahil baka ako'y parusahan dahil kapag ginawa ko iyon ay kabastusan ang tawag roon. Kaya hinintay ko na lamang matapos ang oras ng klase namin sa kanya. "SALAMATTTTTTTTTTTTT!!!!" Malakas na sigaw ni Zabi at Arden isama mo na rin si Wila. Iyan ang isinigaw nilang tatlo pagkalabas pa lamang ng aming guro sa pinto. Tumayo na rin ang iba at nagsimulang magalisan. Ako ay tumayo na rin para umuwi sa bahay ko rito sa akademya. Ako lang ang may bahay rito at ang lahat ay puro dormitoryo kahit ang mga kamahalan. Mamayang alas syete ng gabi ay gabihan na namin. May isang oras pa akong pahinga. Ng makauwi ako sa bahay ko ay agad akong nagbihis ng mahabang kulay puting pantulog na damit. Lagpas paa ito at hanggang pala-pulsuhan ko naman ang haba ng kamay. Isang madulas na tela ito at masarap isuot lalo na at malamig ang panahon. Sinuklay ko ang buhok ko at saka naglagay ng koronang paikot na gawa sa bulaklak ngunit ginto ang mga ito. Matagal na itong pinapasuot sa akin ng mga ministro at guro. Hindi ko alam kung bakit. Pero ng hindi ko ito isinusuot ay palagi nila akong nasisita. Kaya susubukan kong isuot ito ngayon. Tuwing gabihan naming lahat ay naka uniporme akong pumupunta sa hapag kainan. Ako lamang ang nakasuot ng ganon. At ang lahat ay mga pantulog nila. Ngunit ako ay hindi. Ayoko lang. Ngunit ngayon ay susubukan ko na rin. Wala namang masama kung susubukan hindi ba?! Ng tumunog ang malaking tore sa gitna ng akademya ay agad akong lumabas sa aking bahay. Ang malaking toreng iyon ay tanging malaking orasan lamang. At ang bahay ko ay malayo sa lahat. Kaya ni isa ay wala pang nakakapunta rito. Pag pasok ko sa hapag kainan ay mas lalo kong nahakot ang atensyon ng lahat. Saka mga ilang komento mula sa kanila ang aking natanggap. Umupo na ako sa upuan ko pero ang mga mata nila ay nasa akin parin. Kahit ang buong Xientor at ang mga guro at ministro. Inilibot ko ang mata ko sa buong hapag kainan at tumikhim para mapawi ang pagkailang ko. Sila naman ay para ring mga natauhan kaya bumalik rin sila sa kani kanila nilang mga ginagawa. "Binibini ngayon lamang kita nakitang magsuot ng ganiyan. Nakakapanibago" Saad ni Bay sa akin. Tumango lamang ako rito dahil wala naman akong sasabihin kaya itinuon ko ang aking atensyon sa aking pagkain at sinimulang bumawas. Ng makahalatian ko na ito ay mas binilisan ko pa ang pagsubo ko para mabilis akong matapos. Matapos ay uminom ako ng tubig. Sakto naman ang pagtunog ng baso ng punong ministro. "Napansin kong nitong mga nakaraang araw. Ang lahat ng magaaral ng akademya ay todo puspos sa pagpapalakas para sa nalalapit na rangguhang muli at ang paglipat ng bagong seksyon niyo base sa lakas ninyo. Kaya naman naisipan naming mga ministro na bigyan kayo ng tatlong araw na pahinga. Maaari kayong lumabas sa akademya at bisitahin ang inyong mga pamilya kung gusto ninyo. Malaya kayong gawin ang nais niyong gawin. Ngunit kapag natapos na ang tatlong araw na pahinga ninyo at hindi kayo nakauwi sa akademya sa nakatakdang araw ay magkakaroon kayo ng parusa. O ang pagkatanggal sa akademya. Yun lamang. Ang tatlong araw niyo ay magsisimula na bukas." Saad ng punong ministro. Naging maugong ang ingay ng lahat. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na saya. Halatang gusto na nilang makita ang kanilang mga minamahal sa buhay. Sa loob ng isang taon at anim na buwan ay narito lamang kami sa akademya. Isang taon at anim na buwan ang aming pasok. Walang hinto iyon. Hindi katulad sa mga mortal na sabado at linggo ay pahinga nila. Ngunit sa amin ay wala. Ngunit dalawang taon naman ang bakasyon namin kahit na isang taon at anim na buwan ang aming pasok ay ayos lang dahil mas mahaba ang aming bakasyon. Napalingon ako sa mga kamahalang narito sa tabi ko. At kahit sila ay sabik na makita ang mga magulang nila at halatang masaya sila. Maingay. Hindi parin nagbabago ang ingay rito sa loob ng hapag kainan. Hindi maiguhit ang saya'ng nakapinta sa kanilang mga mukha. "Maaari na kayong bumalik sa inyong mga dormitoryo." Saad ni ministra Minjane. Ministro ang tawag sa mga lalaking nakatataas sa lahat ng mataas at ministra naman ang sa babae. Nagsimula ng mag-si-alisan ang mga Mistical sa hapag. Kahit ako ay nagpauna nang maglakad paalis dahil gusto ko ng magpahinga. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng enerhiya ko at mistulang ako'y pagod na pagod. Pabagsak akong humiga sa aking malambot na higaan. Tinanggal ko ang aking suot na korornang bulaklak at saka na lamang ito inihagis sa sahig. Tumayo ako at umupo sa upuang naka dikit sa bintana at saka tumitig sa liwanag ng buwan at ang mga bituing maningning. Inilagay ko ang aking mukha sa aking mga kamay ng sa ganon ay hindi ako mangawit. Unti unting natatakpan ng mga ulap ang maliwanag at bilog na buwan na siyang nakababawas ng liwanag nito. Ang mga bituin ay siya paring ganda at lakas ng kislap nito. Alam kong sa mundo namin ay hindi posibleng mahawakan mo ang buwan at mga bituin. Ngunit wala ni isa ang makagawa niyon dahil na rin ang mga malalakas na makapangyarihang nilalang lamang ang makagagawa niyon. Ilang minuto pa ang dumaan at naisipan kong magpunta sa unang palapag ng aking tahanan. Kaya't bumaba pa ako sa hagdanan para mapuntahan ang hapag kainan at ang pahingahan ko. Ang sa pangalawang palapag kasi ay ang aking kuwarto at ang aking silid aklatan. Kumuha lamang ako ng isang pulang mansanas at isang basong gatas. Agaran kong ininom ang aking gatas at inubos ang aking pulang mansanas. Matamis ang katas nito at naiiba sa lahat ang lasa na meron ito. Umakyat na akong muli sa aking kuwarto at saka muling dinungaw ang aking bintana. Napadako ang aking pansin sa gubat sa tabi ng aming akademya. Ni minsan ay hindi ko ito napansin at hindi ako nagkaroon ng interes rito. Kaya naman bakit ngayon ay parang may kung anong bagay na gusto kong makita o matuklasan roon sa gubat. Bukas ko na lamang iyan pupuntahan. Sapagkat lilisan ang lahat ng magaaral ng akademya upang umuwi sa kanilang mga tahanan. Kaya't walang sagabal. Kung gagawin ko ito ngayong gabi ay baka mahuli pa ako ng mga Guro o ministro at baka maparusahan pa ako kaya't ipagpapabukas ko na lamang ang pagpunta ko sa gubat na iyon. SOMEONE'S POV "Ngunit paano siya? Hindi ba't matagal mo nang hinihintay ito? Itong panahon na ito? Maaari tayong manalo. At mangyayari lamang iyon kung gagawin mo ang tama. Na para sa kanila ay mali." Anang lalaki sa kanan. "Ngunit mapapahamak siya kung kikilos siya ng ganon Ginoo. Hindi ka ba nagiisip?" Sagot ng isa pa. "At saka labag sa batas natin ang pumunta sa mundo ng mga mortal. Dahil narin sa hindi tayo pwedeng masikatan ng sobra. Dahil baka tayo'y maging abo. Ano pa kaya ang Prinsipe natin?" Dugtong ng isa pang lalaki sa kaliwa nito. "Ngunit iyon lamang ang tamang paraan. Nakita ko na ang mangyayari sa hinaharap kung gagawin mo iyong sinasabi ko. Para rin iyon sa ikabubuti nating lahat." Sagot muli ng lalaki sa kanan. "Kung gayon ay ano ang mangyayari sa hinaharap?" Sabat ng lalaki na katabi ng lalaki sa kanan. "Hindi maaaring sabihin dahil baka mag-iba ito. Kung sino lamang ang nakakita ng hinaharap sa bola ng propesiya ay siya lamang. Depende rin ito kung ipapakita sa iyo ng bola. Bawal ipagsabi kahit kanino. Dahil delikado." Sagot muli ng lalaki sa kanan. "Ngunit baka may iba pang paraan. Magaling ang isang witch natin pagdating sa mga salamangka. Baka magawan niya ng paraan. Ako na ang kakausap sa kaniya mamaya upang magawan ng paraan." Anang ng lalaki sa dulo ng lamesa. "Maaari na kayong umalis. Bukas na lamang natin ito itutuloy!" Saad ko sa mga ito. Nagsialisan naman na silang lahat kaya't naging tahimik ang loob ng silid. Tumayo ako saka ko kinuha ang ginintuang kopa ko. Tumayo ako sa harap ng isang bolang bilog na may puting usok sa loob at maya maya lamang ay nakikita ko na ang babaeng nakabihis ng mahabang damit. Kay ganda niyang dalaga. Sumimsim ako sa aking kopa at saka muling ibinaling ang aking pansin sa babae. Isa ka lang ba talagang ordinaryong Mistical? O baka naman..... "PRINSIPE!!!" Malakas na sigaw ng isang kawal mula sa aking pintuan. Mabilis na nilingon ko ito ata saka tinapunan ng masama na tingin. Umayos ito ng tindig bago muling nagsalita. "P-pasensya na Prinsepe. Nais ko lamang ipabatid sa inyo na nariyan na sila Prinsepe Celan at Prinsepe Kalo. Nasa bulwagan sila Prinsepe" Hindi na ako sumagot pa rito at agad ko ng tinungo ang bulwagan. Nakita ko roon ang dalawang lalaki na masayang naguusap. Tumabi ako sa kanila at saka tumikhim upang maagaw ang kanilang atensyon. "Nariyan ka na pala Prinsepe-----" ELEMENTIA'S POV "Alam mo namang hindi ako lumalabas ng akademya Guro. Kaya't huwag niyo na akong pilitin pa dahil ayoko." Sagot ko sa gurong kausap ko na pilit akong pinapalabas ng akademya. Ano kayang meron? Mukang may tinatago sila sa mga magaaral. Napabitaw na lamang siya ng isang mabigat na hininga sa hangin saka bagsak na balikat siyang lumabas sa pintuan. Ako naman ay lumabas na rin sa pinto upang magpalit ng damit para pumunta sa gubat. Isang itim na mahabang bistida na sayad hanggang sahig at ang manggas nito ay hanggang dulo ng aking pala-pulsuhan. Saka nagsuot rin ako ng kapa na kulay itim na may mga balahibo sa mga gilid nito. Matapos ay agad akong nagtungo sa kagubatan na kagabi ko pa pinagmamasdan. Nakapasok ako sa loob nito ng walang nakakapansin dahil kanina pa umalis ang lahat ng magaaral ng akademya at tanging ako at ang mga Guro at ministro lamang ang naririto. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pusod ng gubat. Isang malalim na bangin ang naririto sa aking harapan. Dumungaw ako sa ibaba nito ngunit usok na puti ang aking nakita. Hindi ko alam kung ano ang nasa ibaba nito. Kaya't napagpasyahan kong lumipad pa-ibaba sa bangin upang matingnan. Kusa namang lumihis ang mga usok sa tuwing sila'y aking madaraanan. Isang mala-paraisong lugar ang aking nakita sa pinaka ilalim ng bangin. Napakaganda Iyan ang masasabi ko. Isang paraiso na may talon na makinang ang tubig at maraming bulaklak at mga paru-paro, mga fairies at pixies. May malaking puno rin sa gilid na napakaganda na maaari kong mahigaan. Pumunta ako sa talon at sinilip ang tubig. Mukang malalim ito. Nakikita ko ang sarili ko sa tubig sa sobrang linaw. Para akong nakaharap sa isang malaking salamin na nakahiga. "Binibini huwag kang lumapit riyan at baka atakihin ka ng mga sirena!" Pagkausap sa akin ng isang maliit na tinig sa aking tabi. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang kulay rosas na pixie sa aking tabi. Gulat ang rumehistro sa kaniyang mukha ng makita ako nito. At saka siya marahan na yumuko sa aking harap. Ramdam ko rin na para bang maraming mata ang nakatingin sa akin at bigla ring tumahimik ang paligid. Kaya't inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at gulat rin na tumingin ang lahat sa akin at kagaya ng ginawa ng isang pixie kanina yumuko rin silang lahat sa akin. Mga pixie, fairies, asong lobo, at ang lahat ng nandito. May mga tinig rin akong naririnig mula sa tubig. Animo sila'y nagbibigay galang at mainit na pagsalubong sa isang bisita. Ng makita ko ang mga sirena ay nakayuko rin sila sa akin. Maging ang isang sirena na may korona sa ulo ay nakayuko sa akin. Siguro ay iyon ang Reyna ng mga sirena o ng buong lugar na ito. "Maligayang pagdating sa aming munting tahanan, Binibini!" Saad ng Reyna nila. Yumuko rin ako sa kanila bilang pagpapasalamat. Hindi ko alam kung bakit ako nakayuko. Eh sa hindi ko alam ang gagawin ko eh. At saka nakayuko rin sila! "NAKU BINIBINI HUWAG KANG YUMUKO SA AMIN. KAMI ANG DAPAT NA GUMAWA NIYAN. KAYA HUWAG NA HUWAG KANG YUYUKO SA ISANG MISTICAL CREATURES!!" Malakas na sigaw ng Reyna nila. Nagtatakang tumingin ako rito ngunit isang ngiti lamang ang binigay niya sa akin. Hanggang ngayon ay nakayuko parin silang lahat sa akin kaya't napagisipan kong ako na ang magsalita. "H-huwag na kayong yumuko." Utal kong saad. Itiningala naman na nilang lahat ang kanilang mga ulo sa akin saka tahimik parin akong pinagmamasdan. "B-bakit niyo ako niyuyukuan?" Kuryosong tanong ko sa mga ito. "Binibini?" Ani ng isang sirena. Parang nagtataka at naghihintay Ito ng isasagot ko. Nagtatakang tumingin lamang ako rito. Siya naman ay tiningnan ang kanilang Reyna. Bumulong ang Reyna rito kaya't hindi ko narinig. "Kung ganon ay hindi mo talaga alam?" Tanong muli ng Reyna sa akin. Umiling akong muli bilang sagot at siya naman ay dahan dahang lumangoy papunta sa aking harapan. "Ano ang hindi mo alam?" Anang nito. Napataas ako ng isang kilay tanda ng pagkalito. Lumingon siya sa lahat ng Mistical creatures na narito at lahat naman sila ay napatango. "Wala ka bang naaalala na sinabi sa iyo ng nag-alaga sa iyo?" Tanong nito muli. At muli bilang sagot ay umiling ako. "Sige! Maaari kong ipaliwanag sa iyo. Ngunit minsan ko lang itong sasabihin" Saad nito at tumango naman ako. "Ngunit sagutin mo muna itong aking munting katanungan. May isang babaeng buntis. Wala siyang asawa o kaya naman ay kasintahan. Kaya't papaano siya nabuntis?" Buntis? Walang asawa? O kahit na kasintahan? Paano iyon nangyari? Ay teka! May naalala ako! Sa isang libro na aking nabasa noong naghahanap ako ng mababasa sa silid aklatan. "Base sa aking sariling kaalaman. Ang babaeng may ganong sitwasyon ay Goddess Way ang tawag sa kanila dahil sila ang ginawang daan ng mga goddes upang maipanganak ang kanilang mga anak o kapatid dahil kahit ang mga goddes ay nanggaling rin sa tyan ng mga ordinaryong Mistical ngunit hindi nila kadugo ang mga pinanggalingan nila. Sila lamang ang magpapanganak sa mga ito. Ang mga batang goddes na isisilang ay sila ang pipili kung sino ang gusto nilang babaeng birhen ang magluluwal sa kanila. Sila ang pipili sa babae ngunit mga birhen lamang ang pipiliin nilang gamitin. At kapag naipanganak na nila ang bata ay agad rin silang mamamatay. Ang alam ng iba ay malas ang maging ganito. Dahil nga kapag napanganak mo na ang bata ay buhay mo ang kapalit.--------" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumingit. "Ngunit kapag namatay ka gagawin kang tagapangalaga ng mundo natin. Magiging Demi God's sila. At yun ang hindi alam ng mga Mistical dahil hindi iyon maaaring sabihin. At ang tawag naman sa mga batang goddes ay Reborn. Pero kapag lumabas na ang kapangyarihan mo ay goddes na ang tawag sa iyo. Isang ganap na goddes." Saad niya. Tumango ako bago siya nagsalitang muli. "Isa pa, ang mga batang goddes kapag wala pa silang kapangyarihan reborn ang tawag sa kanila at mananatili sila sa Mist World dahil hindi pa sila maaaring pumunta sa Everida kapag wala pa silang kapangyarihan. At ang Everida ay ang tirahan ng mga goddes. At kapag lumabas na ang kapangyarihan nila ay doon na sila matatawag na goddes at kusa na lamang silang mapupunta sa Everida. Ang isang sagradong lugar sa lahat. Na wala pa man ni sinong ordinaryong Mistical ang nakapunta roon." "Anong kinalaman niyon sa pagyuko niyo sa akin?" Tanong ko rito. "Da----------..... Dalian mo! Umalis ka na bago ka pa nila maabutan at magamit sa kasamaan. Alis na." Mabilis na pagtatabuyan nito sa akin. Taka naman akong tumingin rito ngunit mabilis rin ako lumipad paitaas. "Paano ko malalaman ang sagot?" Sigaw ko. "Ako ang gagawa ng paraan para muli kang makapunta rito! Paalam!, Hanggang sa muli. Magiingat ka Binibini!" Saad nito habang kumakaway. Tumango lang ako rito saka binilisan ko pa ang aking paglipad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD